#OTWOLDreamLove (18/11/15)
Tolyts: Oo naman ang galing ko kaya lumangoy. Pag nakita ko ng nanay mo baka mas main-love pa sakin yan
Gabby: Ikaw talaga
Tiffany: Hindi. Hindi sya naniniwala maiin-love ako sa’yo
Tolyts: Aray ko my labs...
Tiffany: Biro lang
Tolyts: So maiin-love ka sakin?
Leah: Ok lang ba? Hindi ba masyadong revealing?
Clark: No… it’s perfect. You look beautiful...and sexy...in a dalagang Pilipina kind of way.
Leah: Thank you. So tara na? Baka nagsi-swimming na sila eh.
Leah: Naalala mo ba nung na sa Carmel tayo? Nung pinagusapan natin yung...yung pamilya ko-
Clark: -at pamilya ko. Magkasama sa isang-
L & C: -outing.
Leah: Tapos lalapit ka sakin
Clark: Parang ganito?
Leah: Tapos sasabihin ko sa’yo, Clark, salamat ha kasi tinupad mo lahat ng mga pangarap ko
Clark: Tapos lalapit ako sa’yo
Leah: Parang ganyan
Clark: Sasabihin ko sa’yo, Leah, ikaw ang pangarap ko at pati yun tinupad mo. Kailangan na natin gumawa ng bago mga pangarap natin.
Tatang: Nasaan na si Leah ‘t si Clark? May sariling mundo nanaman.
Clark: Where you’ll stay, I’ll stay. Kung hindi mo pa kaya sa America, we’ll stay here. This could be our home. Philippines.
Leah: Iiwanan mo yung buhay mo sa America?
Clark: Oo. Kung kinakailangan.
Leah: ‘Di ka ba nanghihinayang?
Clark: Bakit naman ako manghihinayang? Our family business is doing good. Makakapag-provide pa rin ako sa kapatid ko and I get to be with you. It’s a win-win situation.
Leah: Eh papaano yung US citizenship mo?
Clark: Pino-process pa rin naman. Babalik nalang ako sa States every six months to renew my residency. Ganun din dapat ang gawin mo para sa green card mo.
Leah: Sa totoo lang Clark hindi ko nga alam eh. Mahal din kasi yung pamasahe papuntang America. Eh kung sakali baka hayaan ka nalang mapasu yung green card ko.
Clark: Yun naman ang sayang. Ang dami mong pinagdaanan para lang sa green card na yan.
Leah: Bakit naman masasayang? Kung hindi ko pinagdaanan lahat ng yun, kung hindi ako nangarap na maka-greencard, eh di hindi tayo nagkakilala, wala ka ngayon sa tabi ko.
Clark: We’re gonna be alright. Dito man o sa America. I don’t care. Basta magkasama tayo. I love you Leah.
Leah: Love you more.
Clark: That’s never gonna happen.
Clark: OK na ba sa’yo yun? Ah...ganito tayo kasaya...habambuhay
Leah: Habambuhay? OK na OK.
Clark: Leah...will...will you...
Leah: Ano?
Clark: Wala…’s not the right time.
Leah: Ano nga yun. Sabihin mo na.
Clark: Will you...kiss me?
Leah: Bakit nagpapaalam ka pa?
[Trust Issues]
Leah: Wag kang ganyan Leah invasion of privacy yan. *grabs Clark’s phone*
Clark: Leah?
Leah: Hey Leah.
Clark: What’re you doing with my phone?
Leah: Ah wala!
Clark: Wala? Bakit hawak mo? May nabasa ka ba?
Leah: Teka. Bakit parang natatakot ka na baka may nabasa ako dyan?
Clark: Bakit kasi nakikialam sa phone ko?
Leah: Eh sorry. Na-curious lang naman ako kasi yung palagi mong kausap eh.
Clark: Eh sino ba sa akala mo? Wala ka bang tiwala sakin?
Leah: Hindi naman sa ganun pero...
Clark: Leah you should really learn to trust me more. Or how can a marriage work if we don’t trust each other.
Clark: Look never mind, kalimutan natin ‘to. Ayokong sirain ng bakasyon natin sa walang kwentang bagay. Good night.
Leah: Hubby? Sorry sa kanina ha. Tama ka. Hindi dapat kita pinagdudahan.
Clark: Sorry din wifey. Dapat mas naintindi kita. Alam ko naman may pinagdadaanan ka. Hanggang ngayon apektado ka pa rin sa ginawa sa inyo ng nanang nyo. I can’t blame you.
Leah: Ginagawa ko naman yung best ko para hindi ka madamay sa pinagdadaanan ko eh. Kaya lang...minsan talaga sumasablay pa rin.
Clark: Leah, when in doubt, just remember. Sa’yo lang ako.
Leah: Ako rin, sa’yo lang ako.
[Worth it]
Leah: Clark, saan ba talaga tayo pupunta?
Clark: Basta. Surprise nga eh.
Leah: Clark ang ganda ganda dito.
Clark: Oo nga. It’s so beautiful
Leah: Alam mo na-realise ko? Na ‘tong adventure natin parang kwentong natin dalawa
Clark: Bakit naman?
Leah: Wala tayong mga expectations, gusto lang tayo makita yun, yung vulcan. ‘Di natin in-expect na mae-enjoy pala natin ‘to.
Clark: Kinda like getting married para lang sa green card. Hindi natin alam na mai-in love pala tayo sa isa’t isa.
Leah: Corny ba?
Clark: Totoo naman. Yung journey natin kahit hindi naging madali, maraming pagsubok, just getting here, seeing this view..it’s all worth it. And you are worth it Leah. If I had to do it all again? I would. Tatawid ako ng lawa aakyat ako ng bundok, just to be with you.
Clark: Leah, when in doubt, just remember. Sa’yo lang ako.Leah: Ako rin, sa’yo lang ako
[Bloopers]
No comments:
Post a Comment