#OTWOLHappyTimes (26/10/15)
Ima: Ang apo kong nagwawala pag Sabado tsaka Linggo. Oh saan ka nanggaling?
Clark: Uh...kayna Leah.
Ima: O anong ginagawa mo dun kanila Leah?
Clark: Lola tinutulungan ko po siya. Nalaman kasi ng tatay nya na kinasal kami. Gusto nya ayusin namin...whatever marital problems we have. We don’t wanna stress him out. Kakaopera lang nya. So yun. Yung ang ginagawa namin. We’re fixing our marriage.
Ima: Na ano? Itutuloy tuloy ninyo ang marriage ninyo?
Clark: I don’t know. Depende kay Leah lahat. Cge po lola.
Ima: Mahal mo ba siya? Clark. Ano ba ang balak mo? Pag nalaman nito ni Jigs, jusko.
Clark: Hindi ko naman tinatago lola. Mahal ko si Leah and I wanna fight for that love.
Kiko: Eh sir! Have a wifey weekend!
Clark: Hi
Jonas: Hi!
Natalie: Hello..cute nya…
Leah: Anong ginagawa mo dito?
Clark: Sinusundo kita. So, what time ka mag out?
Leah: Mamaya pa. Kaya umuwi ka na.
Clark: Um...uuwi nga ako sa inyo ‘di ba? Friday, weekends...sabay na tayo.
Jonas: Ahem…
Leah: Uh Clark, si Jonas tsaka si Natalie.
Jonas: Uh hi! Im Jonas.
Natalie: Hi Clark I’m Natalie.
Clark: Clark. Husband ni Leah
Natalie: Oh…
Jonas: Husband ni Leah?
Clark: So wifey, uhm...hintayin nalang kita sa labas?
Leah: OK na ako Clark. Promise
Clark: OK. Are you sure
Leah: Sure
Clark: Cge.
Natalie: Wow sis ang haba ng hair mo. Saan mo nakilala yun?
Jonas: Hopia ako naman kinakaway ikaw pala.
Natalie: Akala ko nga ako eh.
Clark: Ang tagal mo naman.
Leah: Akala ko umalis ka na.
Clark: Ano ka ba? Iiwan ba kita? I parked in the back, may dala akong sasakyan. Tara baka maipit tayo sa traffic.
Leah: Sobra naman ‘tong traffic na ‘to.
Clark: Just like everyday. At least kasama mo ako
Leah: Awww...my hero!
Clark: Hey do you remember that story about how we first met? You know supposedly nalulunod ka at si-nave kita.
Leah: Oo tapos nakainom ka ng maraming tubig kaya ending, ako yung nag-save sa’yo
Clark: *high-pitched* Aww..my hero!
Leah: haha….kainis ‘to.
Clark: Those were happy times
Leah: Anong happy times ka dyan palagi nga tayo nagaaway.
Clark: Well actually, I really enjoyed arguing with you. Even then I think...I think I was already falling in love with you.
Leah: Falling in love...in fairness sa’yo ha ‘di halata.
Clark: Or maybe I was still in denial. Eh ikaw? Kailan ka nain-love sa akin?
Leah: Clark, hindi healthy ‘tong usapan na to.
Clark: Sorry. Kapag naiisip mo ba ang San Francisco, puro yung malulungkot ng naalala mo? Wala kang naalalang masaya?
Leah: Marami. Pero mas nangingibabaw pa rin talaga yung malungkot eh. Yung isang araw yun na nagbago ang buhay ko. Pero marami. Lahat yun...nakatago sa kahon. Para ‘di ko makalimutan.
Clark: May mga happy memories na kasama ako?
Leah: Marami. Yung napunta tayo sa Napa Valley, yung prom, tapos pala yung pinagluto kita ng adobo, yung nasarapan ka doon sa adobo, nanonood tayo ng TFC...marami.
Clark: Those were good times. Sana balang araw, makabalik tayo doon.
Leah: Gusto mo ako nalang mamalengke
Tiffany: Talaga? Cge.
Clark: Samahan na kita sa palengke.
Leah & Tiffany: Sure ka?
Leah: Ito ang palengke dito sa Pilipinas.
Clark: Leah alam ko naman ‘to. Nung bata ako sinasama ko ng mama ko malengke.
Leah: Eh kasi baka nakalimutan mo na. Palengke dito sa pilipinas ‘di katulad ng mga market sa America. Dito ganito. Maingay, madumi, malangsa. Kaya mo?
Clark: ‘Sus para yun lang? Carry. Tara.
Clark: Ang galing mo tumawad ah.
Leah: Syempre. Ilocana ‘to eh.
Leah: Galing mo ha. Pa-cute ka pa dun sa tindera. Sino nagturo yan sa’yo? Si Tolyts no.
Clark: Hindi tatang mo.
Clark: Mrs Cutey. Mrs ko siya.
Tindera: Sorry ho sir
Clark: Salamat sa discount.
Leah: Salamat kuya.
Clark: Tara baby wifey.
Leah: Marami pang natira oh. In fairness sa’yo dahil sa pagpapa-cute mo ang laki ng natawad natin.
Clark: Eh ikaw? Pwede ka bang tawaran?
Leah: Huh?
Clark: Masyado ka kasing napamahal sa’kin eh.
Leah: Ano?
Clark: Kay Tolyts ko natutunan yan.
Leah: Alam mo magsama nga kayo. Ang corny nito.
Clark: Cute naman.
Tatang: Kumakain ka ng papaitan Clark?
Clark: Uhm...basta si Leah nagluto kakain po ako, Your Highness.
Gabby: Yeehee, tito Clark loves tita Leah.
Tatang: Clark galingan mo ha wag mo kami pahiyain.
Clark: I’ll do my best po.
Tatang: Good. Pag nanalo tayo, tameme yung mga hambog na Tenement Tres na yan.
Leah: Oh ano? Ready ka na ba?
Clark: Not really. Actually hindi ko nga alam kung anong isusuot ko. Here, what do you think?
Leah: Thank you ha. Kahit alam kong napilitan ka lang at ayaw mo naman talaga sumali, gagawin mo pa rin.
Clark: You are welcome. But you know I would do anything to put a smile on that face
Leah: Basta. Masaya ako na gagawin mo ‘to. Manalo man o matalo, OK lang. No pressure. Basta ang importante ma-enjoy natin lahat ‘tong gabing ‘to.
Clark: Oo naman. Pero syempre gusto ko pa rin manalo. You know, for Tenement Uno. Kaya may gusto sana kong hiningin sa’yo.
Leah: Ano?
Clark: A kiss...for good luck
Leah: Cge na nga...fly *flying kiss*
Clark: Fine...