Sunday, November 1, 2015

As Heard On #OTWOLIMissYou (2/11/15)


#OTWOLIMissYou (2/11/15)


Tatang: Anong malay mo? Siguradong magugustuhan nila yung gawa mo. Magaling yata ang anak ko, mana sa akin.


Tatang: Alam mo anak, kung nandito sana ang asawa mo si Clark, mas maiibsan yung pagod mo.
Leah: Eh ‘tang naman, alam nyo naman ho may trabaho yung tao eh.
Tatang: Eh hindi. Siyempre iba parin yung uuwi ka sa mahal mo sa buhay pagkatapos ang mahabang araw sa trabaho. Gaya ko noon. Naiibsan lahat ng pagod ko sa pamamasada kapag sinasalubong nya ako ng nanang nyo.



Clark: The heart of Manila and its capacity to love


Leah: Hubby ba’t di ka na dumadaan o tumatawag man lang? Baka nagsawa ka na sa kakahintay. I miss you hubby.


Axl: Romantic. Romantic at nostalgic. Boss kami bahala dyan kabisado na namin yan.
Clark: Cge nga. Nostalgic. Spell mo.
Axl: Nostalgic. Nnn-o...No I can’t do it. ‘kaw nalang. Romantic nalang ako boss
Kiko: No no no no
Axl: R-O...Mantic. Romantic. Haha Raks not dead!


Clark: Baka charot lang yun.
Axl x Kiko: Carry!
Axl: Madi-discover mo ulit ang beauty ng Maynila.


Kiko: Sir, welcome to the eighth wonder of the world, traffic in the Philippines
Axl: Boss mapapa-wonder ka talaga. Isispin mo wala naman aksidente, di naman umuulan, di naman rush hour, pero ang traffic boss.


Kiko: Ang pinaka-favourite kong lugar sa Maynila
Axl: Ayos ah, pagkain pa rin.
Kiko: Careful ah


Tatang: Anak, napapansin ko. Ba’t di na dumadalaw si Clark?
Leah: Ah eh...weekday naman ho kasi ‘tang eh.
Tatang: Pero...nung weekdays noon naghahanap siya ng paraan para dalawin ka. Sinusundo ka sa opisina o kaya nagyayayang lumabas. Pero ngayon parang tahimik siya. Nag LQ ba kayo?
Leah: ‘Di ho ‘tang. Baka busy lang ho sa trabaho yun.
Tatang: Baka? Di mo alam? Ano yun kahit sa telepono wala kayong contact? Anong klaseng lalaki yun. Porket ba natanggap ko na siya dito tumigil na siya sa panunuyo sa’yo? Ganun ba klase tao yun? Bah! Pwede pang magbago opinion ko sa kanya.
Leah: Tang, wag po. Hindi ho ganun si Clark ‘tang.
Tatang: Eh ano nangyari sa yo?
Leah: Eh ako ho kasi yung may kasalanan ‘tang eh. Sabi ko ho kay Clark lumayo muna.
Tatang: Akala ko ba mahal mo siya?
Leah: Gusto ko ho maging panatag muna ako sa relasyon namin bago ako mag-commit.
Tatang: Hai naku. Kayo mga kabataan. ‘Di ko kayo maintindihan. Ang dami nyong issues. Mahal ka ni Clark. Mahal mo din siya. Magasawa kayo. Eh dapat magkasama kayo. Ganun lang kasimple yun.
Leah: Pero yun punto ko ho ‘tang, hindi ho natin alam kung...kung tatagal ‘tong pag-ibig na ‘to. Kahit mahal ho namin ni Clark yung isa’t isa. Sino ho makakapagsabi kung tatagal yun?
Tatang: Talaga walang kasiguraduhan ang pag-ibig. Sugal ‘to. Nakakatakot oo, pero paano kung ito nalang pag-ibig na walang hanggan na inaasahan natin lahat? Pero sinukuan mo na bago pa magsimula? Eh sayang hindi ba?



Jenny: Eh bakit hindi ka po kay ate Leah magpasama? I’m sure mas maraming magagandang lugar na alam yun
Jordan: Oo nga kuya. At mas romantic pa.


Clark: Leah. Alam ko ayaw mo ako dito pero~
Leah: Clark!
Clark: Hey what’s wrong?
Leah: Ang daya Clark.
Clark: It’s OK. I’m here


[Abangan]
It’s more kilig in the Philippines, dahil it’s Happy CLEAH Day!


Clark: Make me fall in love with Manila again, the way I fell in love with you.


Clark: Happy Manila Memory Number One-My wife.


Clark: Happy Manila Memory Number Two-My future

Clark: Dinala mo yung puso ko where it’s never been before. You showed me how love can be wonderful.

"Talaga walang kasiguraduhan ang pag-ibig. Sugal ‘to. Nakakatakot oo, pero paano kung ito nalang pag-ibig na walang hanggan na inaasahan natin lahat? Pero sinukuan mo na bago pa magsimula? Eh sayang hindi ba?" -Tatang