Thursday, October 8, 2015

As Heard on #OTWOLHopeful (8/10/15)

#OTWOLHopeful (8/10/15)


Tatang: Ayoko ng pakiramdam ito. Konting kilos lang hihingaling ka na. Kahit pag-kamot ng pwet ‘di ko na magawa ng isa.

Tatang: Leah, may problem ka ba?

Tatang: Tapatin mo nga ako. Bakit ka bang biglang umuwi. Ako lang ba talaga ang dahilan?

Leah: Kayo nalang po ang meron kami eh.

Tatang: Mm, b’at biglang kayo naging senti dyan?

Tita Jack: You know what I was thinking? Why don’t you take a day off? You know, mag-bakasyon ka a day or two? Para na malibang ka naman. Para hindi ka malungkot?
Clark: Malungkot? I don’t have time to be upset. I’ve to keep working...may mga umaasa sa’kin sa Pilipinas.

[Back Home]
People's fantasy of life in the US

Kapit bahay: Wow blooming!

Kapit bahay: Si Leah pa ba? O tignan mo naman hah. Maganda, masipag, matiyaga...naku I’m sure tinabog mo lahat ng mga Americano doon.

Kapit bahay: Mang Sol naman. E ikaw naman kasi tignan mo naman ang anak mo o. ‘Di ba ang sosyang social, at tsaka amoy snow.

Leah: Hindi madali yung buhay doon. Akala nyo lang po masaya, social, mayaman...pero yung totoo po yan. Araw araw po kinakayod ko.

Kapit bahay: Pero Leah, masaya ka naman sa America?
Leah: Opo, naging masaya po ako doon.

[Going Home]

Cullen: Dude, uuwi ka ng Pilipinas?
Clark: Para lang sa project. Babalik din ako. ‘Di ko lang alam kung kailan.
Cullen: Dude ano ba? Umuwi na nga si Denzel e pati naman ikaw?
Clark: Hindi naman ako nag-resign. Indefinite leave lang. Sayang naman din ng pagkakataon. Pag si-nwerte baka makapag-full-time ako sa business namin. Now how’s that?
Cullen: OK, OK. Siguro kaya mo yan tinanggap, kasi papadala ka Pilipinas noh. Sure ka ba na business lang yan? Hah? Susundan mo si Leah noh? Susu-
Clark: No.
Cullen: Yes!
Clark: No!
Cullen: Yes!
Clark: No
Cullen: Yes
Clark: I promised I would give her some space. I plan on keeping that promise. Wala ‘kong plano magpakita kay Leah.
Cullen: Talaga? Hm.. OK, pero dude, alam ba yung tita mo, yung pinsan mo uuwi ka ng Pilipinas? Kasi alam mo na baka kung anong isipan nila sa’yo.
Clark: Alam ko. Kaya hindi natin sasabihin sa kanila. Especially si Tita Jack. Kasi kung alam nya, alam ko mapipilitan siya wag sabihin kay Jigs. I don’t wanna give her that burden.
Cullen: OK. I’ll keep that in mind.

[Nanang’s story]

Nanang: Ikaw ang husband ni Leah?
Clark: Opo...but we’re sorting things out right now.
Nanang: Bumalik siya ng Pilipinas pero kailan ba ang balik niya?
Clark: Hindi niya po sinabi. Siguro kahit siya hindi niya alam. Bigla po kasi ang alis niya.
Nanang: Ako ba ang dahilan?
Clark: I’m not sure.
Nanang: Nung araw na nagkita kami. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon para makipag liwanag sa kanya.
Clark: She thought you were dead. Ang tagal pa niya hinanap yung puntod ninyo. She must have been shocked nung nagkita niya buhay kayo. I’m sorry. Ayoko makialam pero I just have to know, ano pa ba talaga nangyari sa inyo.

Nanang: Akala ko sa pagtatrabaho sa America magiging madali agad ang buhay. Pero nagkamali ako. Mahirap ang trabaho, malaki ang America para sa isang probinsyanang tulad ko. Akala ng pamilya ko maayos ang lahat. Hindi nila alam ang pinagdadaanan ko araw araw. TNT ako. Mahirap ang buhay. May Americano gustong tumulong sa akin. Si Arthur. Inalok ako ng kasal para maging legal ako dito. Pero ayaw ng asawa ko si Sol.

Nanang: Sol sa papel lang naman. Para maging legal na ako dito. Para mapetisyon ko na kayo.
Tatang: Kahit sabihin mo peke. Kasal pa rin yun Rona. Sagradong kasal. ‘Di ako papayag.

Nanang: Hanggang isang matinding pagsubok dumating sa buhay namin. Nagkasakit na malubha si Leah. Fifty-fifty siya noon. Para iligtas ang buhay niya kailangan na malaking halaga. Nakapadala ako, pero ‘di alam ng pamilya ko may malaking kapalit. Tinanggap ko ang alok ni Arthur. Para kay Leah. Para sa pamilya namin. Pero nauwi sa totoong relasyon ang fixed marriage namin. Binigay ni Arthur ang lahat sa akin. Sa unang pagkakataon nakaranas ako ng ginhawang buhay. Pero ‘di nagtagal. Lumabas din ang totoong kulay

Arthur: You worthless piece of trash! You owe me everything you have!

Nanang: Binaon niya ako sa utang na loob...trinato niya parang alipin, parang preso.

Arthur: I OWN YOU!

Manang: Sabi niya patuloy niyang tutulungan ng pamilya ko. Pero hindi niya tinupad nito. Pinutol pa niya ang komunikasyon ko sa kanila. At wala akong magawa sa takot. Nag plano akong takasan si Arthur pero nalaman ko buntis ako. Lalo naghigpit si Arthur sa akin. Dahil sa anak namin hindi na ako makawala sa kanya. Gusto ko pa ring tumakas pero naisip ko anong mukha ang ihaharap kay Sol, sa mga anak ko. Kapag nalaman nila ang totoo matatanggap ba nila ako at ang magiging anak ko? Nang mag-crash ang isang bus sa San Francisco inakala ng lahat na kasama ako doon. Kaya pinanindigan ko ang maging patay para sa pamilya ko sa Pilipinas. Hinayaan ko nalang na isipin nila na patay na ako, dahil akala ko mas magiging madali yun para sa amin lahat. Pero hindi pala. Napakalaki ng kasalanan ko kay Leah at sa pamilya ko. Gusto kong itama ang lahat ng pagkakamali ko pero...hindi ko alam kung papaano. Hindi ko alam kung mapapatawad pa nila ako. Kung babalik si Leah o magkikita kayo ulit, please...pakibalitaan mo naman ako. Gusto ko lang naman kamustahin siya. Sila Tiffany at ang tatay nila. Dito na muna ako sa San Francisco. Hihintayin ko siya.
Clark: I can’t promise you anything. Pero kung sakaling mag kita kami ulit, babalitaan ko po kayo.
Nanang: Maraming salamat Clark. Sapat na yun para sa’kin. At sana, magkaayos na rin kayo. I can tell you really care about Leah.

[Lihim]
Tatang: Sinumpa ako sa diyos na isang babae lang ang mamahalin ko habambuhay, ang nanang niyo yun. Kaya ikaw Tiffany may anak ka na, Leah dalaga ka pa. Gusto ko, kung sinong pakasalan nyo, yung ng makasama niyo hambuhay. Ang isang taong mahirap, principio lang pinahawakan. Kaya ang principio ng pamilyang ito, pag may sinumpaan, saan man yan, dapat panihintigan. Sagrado ang kasal. Ito, ngayon ko lang ikuwe-kuwento sa inyo hah. Hindi ko sinasabi dati kasi ayokong sumama ang tingin niyo sa nanang niyo. Pero nung na sa America siya, nagpaalam siya sa’kin na mag fixed-marriage. Para daw mapadali yung proseso ng resident siya doon. ‘Di ako pumayag. Asawa ko siya, sa mata ng tao at higit sa lahat, sa mata ng diyos. Kaya dapat hindi na ginagamit sa kung ano ang kasal eh. Sabi ko sa kanya. Gawin mo nang lahat, wag lang yun. Alam niyo kasi anak, nung nagkakilala kami ng nanang niyo kahit anong pagaari wala kami, kaya yung pagsasama nalang namin ng tinuring kong kayamanan namin. At kung pati yun ay madudungisan pa, e ano ng panghahawakan ko, ‘di ba? Nag-away kami noon, isang linggo hindi nag-uusap. At yun ang pinakamalaki pagsisisi ko sa buhay ko. Hindi kami nag kabati bago siya naaksidente. Na namatay siya na nag-aaway kami. Kawawa naman nanang niyo.
Leah: E paano hoh kung niloko niya kayo? Paano hoh kung pinagpalit niya lang kayo
Tiffany: Leah…
Tatang: Bakit anak? Anong problema
Leah: Wala po.

[Abangan]
Welcome back sa Pilipinas!

Ima: Bakit ka nga pala umuwi?
Clark: Trabaho pa lola. If things go well...baka ‘di ko na kailangan bumalik sa San Francisco. We can all live together.
Ima: Ay matagal ko ng wish yan!

Dahil home is where the heart is.

Tiffany: Madalas talaga mahirap gawin yung tama

Leah: Sabi ko sa kanya unahin niya yung pamilya niya. Tsaka di rin ako magiging masaya kung alam ko may nasasaktan ako.

"Naging masaya po ako doon."