Tuesday, November 24, 2015

As Heard on #OTWOLTheEXisBack (24/11/15)

 #OTWOLTheEXisBack (24/11/15)



Clark: Leah tingin mo ba, magugustuhan ng tatang mo ang pamilya ko?
Leah: Oh bakit naman hindi? Oh wag kang mapapasindak dyan kay tatang, nantitrip lang yan eh. Wala ka naman dapat ikatakot eh. Formality lang naman ‘to. Kita mo nga. Love ka ng mga taga dito, love ka din ni tatang.
Clark: And?
Leah: Love din kita. *halik sa pisngi*
Clark: Sarap nama. Achieve natin ‘to!
Leah: Achieve! Pero Clark promise ko kahit ano man ng mangyari, kahit ano man ng dumating na pagsubok sa buhay natin, walang magbabago sa atin dalawa. Mahal kita. Sa’yo lang ako.
Clark: Ako rin. Sa’yo lang ako.


Clark: Dalawang araw na lang mamamanhikan na kami sa inyo. Wish me luck
Leah: Good luck *kiss* Oh ah yan, good luck kiss ka pa. Pero sabi ko nga sa’yo keri natin ‘to, achieve natin yan. Parehas naman mababait yung mga pamilya natin eh. Kaya walang rason para hindi maging OK ‘tong pamamanhikan nyo.
Clark: You don’t know how happy I am right now Leah. I’ll make sure everything goes well, and nothing can keep us apart.


Tatang to Jigs: *In scary tatang voice* Anong kailangan mo sa anak ko?


Tatang: Jigs hindi mahalaga kung paano sila nagsimula. Ang mahalaga kung ano ang nararamdaman nila para sa isa’t isa. Nagmamahalan sina Leah at Clark. Yung anak ko? Ngayon ko lang sya nakita na ganun kasaya at dahil yun kay Clark. Jigs may asawang tao na ang anak ko. At kung talaga mahal mo si Leah. Hayaan mo sya maging masaya kasama ni Clark. Dahil ang pagmamahal hindi ipinipilit yan. Kung hindi para sa’yo, hindi para sa’yo. Sana makahanap ka ng taong nakalaan para sa’yo.


Clark: Hindi ko hahayaan na manggulo dito si Jigs. I’ll keep him away from you, I’ll keep him away from your family. OK?


Rico: Pare I have two words of advice for you ok? MOVE ON! Ganun kasimple. Nakakaumay ka na eh.


Tatang: Cge Jigs umalis ka na. Jigs wag mo ng guluhin si Leah. At mabuti din wag ka na din bumalik dito.

~In the name of love, Team CLEAH will never give up~
"You're my wife, I'll protect you. I'll fight fo us to be together." -Clark

As Heard on #OTWOLPlans (23/11/15)

#OTWOLPlans (23/11/15)


Tolyts: Leah yung mga kamaganak ba ni Clark sosyal ba yun? Baka mapalaban tayo ng Inglesan doon ah. Pero wag kang magalala, sagot ko na diksyonaryo, pati bulak para sa nosebleed.
Leah: Ay naku kuya Tolyts, Pilipinong pilipino yun. Kapampangan.
Tolyts: Ah ayos.
Tatang: Naku kapampangan.
Leah: Bakit ho ‘tang?
Tatang: Eh hindi nagkakasundo Ilocano’t kapampangan eh. Ah pero baka iba naman yung pamilya ni Clark.

Axl: Boss sama kami sa pamamanhikan ah. Kung kailangan nyo ng bodyguard, driver tsaka all around alalay alam mo na. Pwede kami ni Kiko dyan.
Kiko: Oo nga boss. Para ma-impress mo sila. Tapos sasabihin nila “Grabe si Clark. Ang daming peeps. Ang cool. Bigatin.
Axl: Si Kiko yan!

Clark: Bakit sasama kayo sa pamamanhikan? Eh diba family lang ang dapat pumunta doon?
Axl: Ah aray...aray. Nakakahurt ka naman ng feelings boss
Kiko: Kala ko pa naman family na ang turing mo sa amin.
Clark: Cge na, cge na. Kasama kayo.

Leah: Naku, OK na ako dito sa Pilipinas
Jonas: Ano ka ba? Tatanggihan mo? Eh ikaw nga may American dream noon pa.
Leah: Noon yun, di na ngayon. Masaya na ako kasi dito sa Pilipinas eh. Nandito yung pamilya ko tsaka husband ko. Eh sila lang ang kailangan para maging masaya ako. Kaya OK na ako dito.
Jonas: Aw ang sweet

Tatang: Ano Clark tuloy na kayo sa Sabado? Handa na kami sa pamilya mo.
Clark: Opo tatang Sol. Excited na po sina lola.
Tatang: Eh kami din. Inaabangan namin lahat dito ang pamamanhikan mo.
Clark: Ah...lahat nagaabangan? As in buong tenement uno?

Clark: Well you have nothing to worry about tatang Sol. My family? Mahal nila si Leah, mas lalo na yung mga kapatid ko at ang lola ko.
Leah: At mahal ko rin naman sila. Wag ho kayo magalala ‘tang, mabait ho yung pamilya ni Clark, magkakasundo ho kayo. Tsaka sigurado ako bago yung kasal magiging one big happy family na tayo.

Tatang: Hindi tayo nakakasiguro dyan. Kaya wag kang masyado maging kampante amboy. Maraming kasal ang hindi natutuloy dahil sa pamamanhikan