#OTWOLChanges
Leah: Jigs! Yung OFW community dito hindi baduy. Ang mga OFW dito nagtutulungan at nagmamahalan.
[Payo ni Tatang]
Tatang: Anak may problema ka ba? Parang malungkot ka.
Leah: Ay uhm...wala hoh ‘to ‘tang. Pagod lang po.
Tatang: Ibang itsura ng pagod sa malungkot anak. Anong problema?
Leah: ‘Tang, marami hoh tayong dapat ipapasalamat sa diyos. Dun po tayo magfokus.
Tatang: Pareho ba tayo ng problema? Sa puso.
Leah: Hindi po ‘tang
Tatang: Hindi kitang pipilitin magsabi sa’kin. Alam ko isa yun sa pinagbawal ko sa’yo noon, na wag kang ma-in-love dyan. Pero sa tagal mo dyan hindi naman malayo na may makilala ka dyan at magustohan. Pero pag dating sa bagay na yan, tandaan mo lang mga payo sa in’yo. Ingatan mo ang puso mo, ibagay mo lang yan sa taong alam mong kaya kang mahalin ng buong buo, sa taong kaya kang ipaglaban
[Love worth fighting for]
Leah: Naiintidihan ko naman ang sitwasyon eh. Alam ko naman kung bakit siya umiiwas. Pero ang sakit eh.
Monette: Love hurts girl. Pero alam mo, may mga love pa rin na worth fighting for, tulad nito.
Leah: Kapag pinalaban ko kasi, maraming masasaktan eh. Magagait sa’tin si tita Jack. Ang daming tinulong sa’kin ni tita Jack kaya hindi ko kayang baliin yung pangako ko sa kanya. OK na rin siguro yung umiiwas ako para...para pag dumating na yung oras na kailangan na namin maghiwalay, kaya ko. Hindi na ako nasasaktan.
[Joke ni Tolyts]
Tolyts: Naku, Si Leah din may sakit sa puso? Naku, na sa lahi mo pala.
Tiffany: Ewan ko sa’yo tolyts. Love problem ang sinasabi ni tatang.
[Painful Decisions]
Clark: Talagang…porsigido si Jigs ah?
T. Jack: Naku, matindi
Clark: Ganun kabilis...makipaghiwalay?
Clark: I don’t wanna hurt anyone. But I can’t lose her.
Cullen: Dude, ang hirap naman talaga ang sitwasyon nyo eh, pamilya vs. pag-ibig ‘di ba? Dude, alam mo pwede naman talagang magiging kayo pero hindi palang ngayon. Malay mo next week iba ng trip ng pinsan mo ‘di ba? Or if you want, i-set-up natin siya sa ibang chick, para makalimot. How is that huh?
Clark: Kung ganun lang sana kadali
Cullen: Dude, alam mo, ganito lang yun eh; kung kayo, kayo
Leah: Clark wala lang yun hah. Nadapa lang kami ni Jigs
Clark: It’s OK
C: Kinausap ako kanina ni Tita Jack. tungkol sa next step natin, since may green card ka na. Tama si Tita Jack, I think it’s about time for us na unting unti na taposin ‘to. The marriage.
L: Tama ka. Baka nga dapat pagusapan na natin kung paano natin ‘tong taposin.
C: OK. Let’s talk tomorrow.
L: Clark? So hindi na tayo magasawa?
C: I guess so
L: Bakit ka bang ganyan sumagot?
C: Leah, kung anong gusto mo, yun na rin ang gusto ko.
L: Paano kung ‘di ko alam kung anong gusto ko?
C: E di, alamin natin.
L: Sa tingin mo ba, dapat bigyan ko pang second chance si Jigs?
C: Hah? Paano si Jigs napunta sa usapan? You know what, baka naman tama si Tita Jack, don’t close the door on Jigs. People change, hearts change. Malay mo if you give him a second chance, magmamahal ka rin sa kanya.
L: Yun ba talaga gusto mong gawin ko?
C: I guess so.
L: Yes or no?
C: NO! I don’t know! Why-? Leah if you have to ask me, you musn’t love him.
[Abangan]
Clark: Leah, dance with me. Ang alam nila magasawa pa rin tayo.