Thursday, October 22, 2015

As Heard on #OTWOLPursue (20/10/15)

#OTWOLPursue (20/10/15)


Tatang: Oh, anong drama yun.
Tiffany: Wala po ‘tang, naguusap lang po kami ni Leah
Tatang: Pera ba? Kinukulang na ba tayo sa budget?
Tiffany: Hindi naman po
Tatang: E, bawasan nyo nalang ang gamot ko. Tanggalin mo yung bagong niriseta. Kahit yung luma nalang. Tapos pwede na ako mamalsada, kaya ko naman e.
Tiffany: Si tatang ang OA. Girl-talk po ang pinaguusapan namin.
Tatang: Ah...girl-talk. Sigurado si Clark din naman yan.
Leah: ‘Tang, hindi po.
Tatang: An’na naman si Tolyts? Oy oy oy... maski ganun yun, paborito ko yun.
Gabby: Paboritong lokohin lakay?
Tatang: Oo Gabby. Kasi mukha siyang loko-loko. Puro kalokohan ang alam. Kaya lagi kami naglolokohan.
Tiffany: Kaya kayo magkasundo ni Tolyts tatang e. Kasi siya, kung mukha siyang loko-loko, ikaw naman…
Tatang: Ano?
Tiffany: Tobong iloco
Tatang: Ah..hahaha...Tiffany ang carny mo..
Tiffany: ‘Tang, minsan na nga lang mag-joke e.


Tatang: Tiffany, tapatin mo nga ako. Ano bang problema ng kapatid mo? Mula nung dumating yan sa America laging matamlay na, medyo malungkot yung mata. Hindi naman siya ganyan dati ah.
Tiffany: ‘Tang ‘di ba ho sabi nya, nag liquor po pala sila ni Clark.
Tatang: Bakit? Hindi pa ba sila nagkabati? Maayos na sila hindi ba? E ano pa’ng problema?
Tiffany: Tatang talaga o. Bakit nyo po ba pinipilit na may problema? E mukha naman po masaya si Leah ah. Ang isipin nyo nalang po, kami, nagaalala kami sa health ninyo. Pero bukod dun, OK na OK po si Leah.
Tatang: Ewan ko ba sa inyong magkapatid. Pero alam ko, nararamdaman ko na hindi ka nagsasabi ng totoo. E pati ikaw, yung nitong mga nakaraang araw. Ano bang mga isu nyo sa buhay.
Tiffany: ‘Tang wag nyo na po kaming isipin. Ang isipin nyo nalang po, magpagaling kayo, kasi yun ang gusto namin mga anak ninyo.


Clark: Maganda no? Seems like you’re having a rough day. Just a little something to make you smile. Aminin mo. Effective.



Leah: Sabi ko naman sa’yo wag ka nang pumunta dito.
Clark: Ewan ko ba parang may sariling buhay ‘tong mga paa ko eh. Gusto talagang pumunta dito.


Tatang: Clark.
Clark: Ah tatay- Ah! Sir sol. Good morning po.
Tatang: Oh, pasikat na naman ah. May palobo lobo ka pa ng nilalaman
Clark: Uhm...nagpapa-cute ‘tang, kay missus.
Gabby: Tito Clark, akin nalang yung mg lobo ha.
Clark: Syempre naman. Dami pa sa labas. Manang Tiffany, kamusta.
Tiffany: OK naman. Ano yan?
Clark: Ahm..konting pasalubong lang. ‘Di ko alam kung anong gusto nyo so nag grocery nalang ako.
Tatang: Salamat. Hindi ka na dapat nagaabala.
Leah: Uh ‘tang, alis na po ako.
Clark: Huh? Aalis ka?
Leah: ‘Di ba ti-next kita? Sabi ko may job interview ako.
Clark: Ah oo nga pala. Cge, ihatid na kita.
Leah: Huh? Wag na. Wag na Clark.
Clark: Wifey, mas kampante ako kung hinahatid kita eh.
Tatang: Oo nga naman Leah. Tagahatid, tagasundo, tagabantay. Ganyan ako noon sa nanang nyo. Nung namamasukan siya sa bayan, laging hatid sundo yan.
Leah: Eh ‘tang ‘di naman po ako katulad ni nanang eh. Ay uhm...ibig ko sabihin uhm… si nanang kasi sanay siya ng kasama kayo. Eh ako alam nyo naman ho ako sanay ako magisa lang gumagala ‘di ba? Alam nyo naman yun ‘di ba ‘tang? Alis na ako ‘tang.
Tatang: Pero iba pa rin yung nagi-ingat hah. Lalo na sa panahon ngayon. Iba dito sa Maynila Clark.
Clark: Oo nga po. Pero wag kayo magalala sir Sol. I’ll take good care of her. She’s safe with me. Halika? Mauna po kami.
Tatang: Cge
Clark: Bye
Leah: Alis po kami ‘tang



Supplier: Ikaw ba si Leah?
Leah: Opo, kayo po ba yung supplier?
Supplier: Yung pera.
Clark: Leah, supplier siya? Supplier ng ano?
Supplier: Tara
Leah: Salamat po.
Clark: Leah ano ‘to? What’ve you gotten yourself into?
Leah: Clark wag mo yan buksan dito maraming makakakita.
Clark: Ano nga ‘to? Leah this is illegal~
Leah: Akin na nga. Anong illegal? Bra at panty illegal? Eh naisip ko kasi habang wala pa akong trabaho magbenta ako katulad ni manang. Bakit? Ano ba akala mo?
Clark: Nothing…
Leah: Baliw. Ano akala mo sa akin? Drug pusher?
Clark: Leah, kapag desperado ang tao sa pera, kahit ano kakapitan. Illegal business, loan sharks, even dirty old men.
Leah: Alam mo OA mo. Eh alam mo naman hindi ko gagawin yung eh kahit pa gaano kami kadesperado.
Clark: Basta. Nandito ako. If ever you need help, kung kailangan mo ng pera.
Leah: Salamat Clark ha pero OK pa naman kami eh. Tsaka nakakahiya naman sa’yo. Alam ko naman lahat tayo kailangan natin ng pera eh.
Clark: Basta Leah in case of emergency, call me. Walang hiya hiya, I’m your husband.
Leah: ...Clark, yung bra. Akin na. Halika na.
Clark: ...



Leah: OK na Clark, umuwi ka na.
Clark: Hihintay nalang kita
Leah: Wag na Clark
Clark: Gusto ko. Wala naman akong ibang gagawin eh.
Leah: Ayoko.
Clark: Leah, lahat nalang ng gawin ko para sa’yo ayaw mo. Hindi pa pwedeng umoo ka naman paminsan minsan.
Leah: Hindi naman natin kailangan magkita kung ‘di dahil kay tatang eh. Tsaka mas lalo lang ako nahihirapan. Kaya cge na please, umuwi ka na.
Clark: Gusto mo ba talaga umalis ako?
Leah: *nods a little*
Clark: Cge. Ah...good luck nalang sa interview.
Leah: Teka, saan ka pupunta
Clark: Alis na. Sure ka ha?
Leah: Para alam nyo na po, tayong mga babae laging beautiful. Beautiful on the outside and beautiful on the inside.


Leah: Anong ginagawa ni Clark? Clark! Anong ginagawa mo dito?
Clark: Umalis nga ako. Kanina pa. Napadaan lang ulit dito on my way to...the CR.
Leah: Talaga lang ha?
Clark: Oo naman. Anong akala mo? I’m just standing outside, alone? Like a loser? ‘Di noh.
Leah: Cge. Uwi na ako hah. Wag mo akong susundan.
Clark: OK
Leah: Bye...Mmph.. Sabi ko wag mo akong susundan eh.
Clark: Hindi! Dyan lang talaga yung daan ko.
Leah: OK, bye.
Clark: Ay..doon pala.


Clark: Ganito ba talaga dito sa Pilipinas? Sobrang traffic. Ang daming oras ng buhay natin nasasayang dahil na sa traffic tayo ng ganito. You know there’s other things we could be doing than being stuck in traffic.
Leah: Masanay ka na. Ikaw din naman...sabi ko naman sa’yo wag ka ng sumama eh.
Clark: Hindi. OK lang. I don’t mind being stuck in traffic. Basta ikaw ang kasama ko.
Leah: Pa-cute ka na naman eh...ayos talaga to oh.
Clark: Ma-traffic kasi ‘tong puso ko, kaya I’m stuck on you…
Leah: Alam corny corny mo. Corny move boy
Clark: Alam ko. Para hindi ka mainip, makinig nalang tayo sa music.

As Heard on #OTWOLToughLove (19/10/15)

#OTWOLToughLove (19/10/15)


Clark: Sana lahat ng araw ganito. Mag ta-trabaho ka, pero hindi ka napapagod. Kasi alam mo, pagdating ng gabi makakasama mo taong mahal mo. Mag kw-kwentuhan, kumain sa hood ng jeep,
Leah: Sana.
Clark: Sana yung woodwork business namin magtuloy-tuloy na sa paglaki. Para someday, pwede na ako mag settle dito sa Pinas. Hindi ko na kailangan bumalik sa San Francisco. Ang sarap ng feeling na hindi ka laging nagmamadali. You can sit back, relax...enjoy the moment. Parang ngayon.
Leah: Alam mo, iba pa rin talaga dito. Kahit wala kami masyadong pera, at least kumpleto yung pamilya. Meron akong pamilyang hindi ako pabayaan, hindi ako iiwanan. Gagawin ng lahat para sakin. Sana nga matubos ko na ‘tong jeep ni tatang e. Nung nagta-trabaho pa ako sa America, ito yung pangarap ko. Sobrang importante kay tatang ‘tong jeep na ‘to e. Kaya lang, mukhang di ko muna yung matutupad yung ngayon pero OK lang ma-achieve ko rin yun. Sa ngayon mas importante yung kalusugan ni tatang.
Clark: Ayaw mo na ba talagang bumalik sa States? Sayang yung green card mo. Pinaghirapan mo pa.
Leah: Alam ko. Kaya lang kasi kahit saan ko tumingin, naalala ko yung ginawa pagsisinungaling sa amin ni nanang, yung panloloko nya sa amin. Sorry, na drama na naman ako.
Clark: No, it’s OK to cry. It’s OK. I’m here.

Clark: Sir Sol, uwi na po ako. Thank you for welcoming me.
Tatang: Wala pa yun intay mo yung pa-welcome ko sa’yo sa susunod na linggo.
Leah: ‘Tang tinatakot mo naman si Clark e.
Tatang: Ano?
Clark: No, it’s OK. Alam ko naman na charot lang yung.
Tatang: Ano?
Clark: Ah...charot lang yung te...means I’m just kidding, right?
Tolyts: Influnesiya na ng mga beki dito natin kapit bahay ‘to o.
Mama Lulu: May problema tayo sa beki?
Tolyts: Wala po
Tatang: Clark. Salamat nga pala ha. iningatan mo yung jeep ko...yung bunsong anak ko.
Clark: You’re welcome po. I’ll go ahead.
Tatang: Sa susunod na sabado, dumito ka. Magtutukso ulit tayo
Clark: Cge po.
Leah: Thank you ah.

Tolyts: A yun o! bawing bawi sa kiss o, may pabaon pang smile. My labs, baka may pabaon ka rin sa’kin.
Mama Lulu: Gusto mo ako nalang?

Leah: Natatakot ako manang e.
Tiffany: Saan?
Leah: Sa ganitong sitwasyon namin ni Clark. The more na nagkikita kami, nagkakasama...mas mahirap sa amin na panindigan yung paghihiwalayan namin.
Tiffany: Mukhang seryoso naman siya sa’yo Leah. Si Jigs naman tsaka si tita Jack na sa America, malayo. Hindi ba talaga kayo pwede?
Leah: E ganun pa rin naman yung sitwasyon manang e. Kung itutuloy namin ‘to, malalaman pa rin nila tita Jack. Tapos magaaway na naman si Clark tsaka si Jigs, magkakagulo na naman. Bukod dun, ewan ko...basta natatakot ako e. Natatakot akong masaktan.
Tiffany: Ganun talaga. Pag nagmahal ka, pwede ka talagang masaktan.
Leah: E sa ngayon manang, hindi ko pa kaya sumugal sa ganyan e. Yung ginawa sa atin ni nanang, sobrang sakit pa rin. Hindi ko alam kung kakayanin ko kung masasaktan pa ulit ako ng ganun.

Leah: Mahal kita Clark. Walang nagbago. Kung ako lang ang masusunod, ipagsisigawan ko sa buong mundo na mahal kita. Pero hindi pwede, hindi ngayon. Hindi papayag si Jigs at nasisiguro ko na manggugulo siya sa’yo at kay tita Jack. Ayokong masira ang pamilya nyo tulad ng ginawa ng nanang ko

Leah: Alam ko mahal nyo pa si nanang. Pero hindi dapat ‘tang. Kung alam nyo lang ang ginawa nya sa’yo, baka tuluyan ng mabasag ang puso nyo. Ang dami nyong sakripisyo para sa amin, para kay nanang, pero binalewala ni nanang lahat yun. Binalewala nya tayo. Pangako ko ‘tang, hindi ko gagawin ng ginawa sa atin ni nanang. Mahalaga ang pamilya. Kaya kung akong magiging dahilan ng gulo ng pamilya ni Clark, kahit masakit, mas mabuti ng putulin na nalang namin ng relasyon namin.

Axel: Bosing, merienda muna tayo o. Baka maubos nito ni Kiko yung maruya o, maruya pa naman…
Kiko: Syut!
Axel: Careful ha
Kiko: Pero tama sir, wag naman puro trabaho. Minsan singit singit din ang pahinga, yung pagkain, tsaka syempre, yung pag-ibig
Clark: OK na ako. Busog pa ako e.
Axel: Ayun ayun ayun. Nakakabusog talaga yung pag-ibig e. Raks not dead boss!
Kiko: Agree!

Clark: Balang araw this place will be so big itong buhay sa atin lahat
Kiko: Mabuhay si sir Clark!
Axel: Mabuhay!
Kiko: Kiko for president sa 2016!
Axel: What?
Kiko: I mean..president ng fansclub ni sir Clark

Clark: Leah!
Leah: Clark. Ba’t ka napatawag?
Clark: Wala lang. Na miss ko lang ang wifey ko
Leah: Clark, wag na wifey please.
Clark: O cge. Mrs Medina nalang. So, how was your day, Mrs Medina?
Leah: Clark, baka ka ba tumawag?
Clark: Well, kailangan ko ng advice mo. Ano kaya magandang pasalubong ko kay tatang Sol bukas?
Leah: Bukas?
Clark: Oo. Weekend bukas. Dyan ako matutulog ‘di ba?
Leah: Wag ka nang pumunta dito Clark.
Clark: Pero nakakahiya kung pupunta ako dyan na walang dala.
Leah: Clark please. Wag ka nang pumunta dito. Sasabihin ko nalang kay tatang na busy ka at kailangan mo ng bumalik ng America.
Clark: Leah, bakit ang aga?
Leah: Mas maagang matatapos ‘tong pagpapanggap na ‘to mas mabuti. Kasi ayoko na magsinungaling kay tatang
Clark: Ang usapan, isang buwan. Naka-reserve ang next three weekends ko para sa inyo.
Leah: Ang dami kong problema. Ang dami kong kailangan ayusin. Kung pupunta ka dito, magpapanggap na naman tayo kay tatang. Magkakaroon na naman ako ng problema. Ayoko na ng problema Clark.
Clark: Maybe I can help. Anong pwede akong gawin para makatulong sa’yo? I can be your assistant, confidant, henchman, assassin...stress ball. Anything.
Leah: Gusto mo talaga akong tulungan? Wag ka nang pumunta dito. Seryoso Clark, walang biro.

"I can be your assistant, confidant, henchman, assassin...stress ball. Anything." -Clark