Wednesday, October 28, 2015

As Heard on #OTWOLGinoongTenement (27/10/15)

#OTWOLGinoongTenement (27/10/15)




Tatang: Kinakabahan ka no?
Clark: Dami kasing tao
Tatang: Wag mong isipin yun mga tao. Ang tignan lang yung apat na judges. O alalahanin mo yung mga tips ko ah. Baka magamit mo.
Clark: Yes Sir Your Highness Sir
Tatang: Clark. Itayo mo bandera ng Tenement Uno at ng Pamilya natin.
Clark: I’ll do my best po
Tatang: Good


Leah: Good Luck
Clark: Thanks. Pwede pang pahabol ng isang totoong kiss?

Leah: Wag kang abuso ha. Cge na. Galingan mo ah.


Mama Lulu (about Clark): Amin yan! Tenement Uno yan!

Tatang: Ayan may talent pala yung asawa mo eh ‘di na kailangan ng kindat, saludo at flying kiss.

MC: Ano ang gusto mo sa isang babae? Beauty or brains?
Tolyts: Ang pipiliin ko sa isang babae ay “K”. Kabutihan ng loob. Dahil aanuhin mo yung ganda at talino kung sama naman ng ugali ng mahal mo. Ay thank you.

MC: Paano mo malalaman kung mahal mo ang isang tao.
Clark: Kung mahal mo ang isang tao, handa ka maghintay kahit gaano katagal. Hindi mo siya susukuan, kahit siya pang umalis, kahit siya pang unang bumitaw. You’ll wait for her...until she comes back to you. You’ll fight for her until she’s ready to love you again. Dahil ang tunay na nagmamahal hindi napapagod. Ang tunay na nagmamahal naghihintay. Thank you.




Leah: Congratulations hubby! Achieve na achieve mo yan hubby ang galing mo talaga!
Clark: Hey nag work yung goodluck kiss mo ah kahit flying kiss lang. Isa pa nga?


Clark: We’re married remember? What’s mine is yours.


Clark: OK fine, it’s my money at gagawin ko kung anong gusto kong gawin dyan...and I’m giving it to you.






Tolyts mum: Sabi ko sa inyo eh babawi ang anak ko sa talent portion.
Tolyts: Thank you nay, love you.


Capitana: Ngayon alam na ng buong mundo na ang mga taga Tenement Uno ay mga talented at mga gwapo


Tolyts: Mabuhay ang mga manugang ni Mang Sol!


Tolyts: Teka lang teka lang Clark ikaw na nga dito. Kanina pa ako nagsasalita eh ikaw yung nanalo eh mag speech ka naman dito.


Clark: Thank you Mang Sol also known as tatang, also known as His Highness Sir Sol. Salamat. Salamat sa tips. Yun yata ang napagpanalo sa’kin
Tatang: Sabi ko sa’yo eh.
Clark: Salamat din po dahil pinatuloy nyo ako sa bahay nyo. At binigay nyo ako ng chance na magpakilala sa’yo at maging parte ng pamilya nyo. And to my wife, kaya ako nandito ngayon...dahil sa’yo. Thank you dahil dinala mo ako dito sa mundo mo. I love it. I love Tenement Uno! But most of all. But most of all, I love you Leah...at hindi ito charot.


"Kung mahal mo ang isang tao, handa ka maghintay kahit gaano katagal. Hindi mo siya susukuan, kahit siya pang umalis, kahit siya pang unang bumitaw. You’ll wait for her...until she comes back to you. You’ll fight for her until she’s ready to love you again. Dahil ang tunay na nagmamahal hindi napapagod. Ang tunay na nagmamahal naghihintay." -Clark