#OTWOLDestinationLove (17/11/15)
Leah: Tulog ka lang dyan hubby ah. Pagkagising mo may sorpresa ako sa’yo. Ay! Clark!
Clark: May surprise ka sakin. Ano?
Leah: Basta. Bitawan mo ako. Pakita ko sa’yo.
Clark: *Shakes head*
Leah: Dali na!
Leah: Tada! Adobo a la Leah na may malaking smile face.
Clark: Wow! Ang sweet naman ng wifey ko. What’s this for? May cine-celebrate ba tayo?
Leah: Wala naman. Naiisipan ko lang. Sobrang busy ka kasi sa trabaho nitong nakaraan eh. Deserve mo ‘to.
Clark: Thanks. Mm ang sarap. Pero parang may kulang.
Leah: Anong kulang?
Clark: Dessert.
Leah: Ah...oo nga no. Eh ano bang gusto mo dessert?
Clark: How about...a sweet good morning kiss a la Leah?
Leah: Yun talaga gusto mo? Good morning kiss?
Clark: Yah. Para kumpleto.
Leah: Talaga? weh.
Gabby: Tito Clark!
Leah: Ngayon pa lang namimiss na kita. Sana weekends nalang araw araw para palagi tayo magkasama.
Clark: Well I can live here if you want.
Leah: Eh… di kasi practical eh. Mas malapit yung bahay ng lola mo doon sa shop nyo.
Clark: Di bale. Darating din yung araw that we can be together everyday. Living under the same roof, parang nung na sa San Fo tayo. Then you won’t have to miss me. Itong mukhang to makikita mo araw araw, gabi gabi.
Leah: Ay gusto ko yan.
Clark: We’ll get there. I promise you that.
[Coming Clean]
[Family Vacation]
Tatang: Clark! Alam mo bang daan papunta Batangas?
Clark: Syempre po tatang. Inihanda ko yun. Ah may mapa ako dito at si Leah ang maging co-pilot ko.
Leah: Reporting for duty Captain hubby baby sir! Destination Batangas!
Clark: Wifey flight attendant ka ba or tour guide?
Leah: D ba pwede both?
Clark: Pero pwede naman natin silang dahlin doon d ba? Someday.
Leah: Hah? Yung vulcan dadalhin mo doon? Mahirap yata yun ah.
Clark: Ang corny mo ah. Mabuti nalang mahal kita.
Clark: I just wanna get lost in all these beautiful places with you.
Leah: Aw love na talaga kita
Clark: Mmph? D ba matagal na?
Clark: Oh Leah. Anong ginagawa mo?
Leah: Um naghihintay na lumabas ka kasi gagamit ako ng banyo.
Clark: OK. Teka. Anong gagawin mo sa loob?
Leah: Maliligo tsaka magbibihis
Clark: Baka kailangan mo ng katulong? I’m available.
Leah: Salamat hubby pero kaya ko pa naman eh.
Leah: Oh kita mo Leah? Love ka pa rin naman nya eh. You are beautiful!
No comments:
Post a Comment