Thursday, November 19, 2015

As Heard on #OTWOLTheProposal (19/11/15)

#OTWOLTheProposal (19/11/15)



Leah: Clark, alam mo ba ikakasal na sina Monette at Cullen?
Clark: What? Really?
Leah: Kasi tinawagan ako ni Monette sa Skype nung isang araw. Next month daw ikakasal na sila pero civil lang.
Clark: Wow ang bilis ni Cullen ah.
Leah: E dba nagkakilala lang naman sila nung tinulungan ka nila magset-up doon sa prom?
Clark: Oo nga. E tayo? Pag kinasal na tayo sa simbahan, anong klaseng wedding gusto mo?
Leah: Gusto ko yung simple lang. Basta ang importante kasama natin yung mga importante sa buhay natin. Pamilya natin, yung mga malalapit na kaibigan.
Clark: At saan ng honeymoon natin? Pwede ba dito?
Leah: Oo. Alam mo ang ganda ganda dito. Sobra.
Clark: The perfect place to start working on that basketball team.
Leah: Anong basketball team?
Clark: Ay sorry. Tatlong kids lang gusto mo. Ayaw mo ng mas marami?


Tiffany: Kahit ano pang dahilan, ang magulang hindi dapat iniiwan ng anak nya.

[Happy Memories]
Leah: Smile! Happy memory number six: sunset. Alam mo, lahat ng mga happy memories ko na kasama kita, nakatago yun sa treasure box na binigay mo sakin. Wala lang. Naisip ko lang na pag dumating na yung pagkakataon na matuloy na yung divorce natin, at least meron pa rin akong babalikan. Yung mga bagay na nagparamdam sakin ng...once upon a time na masaya tayo.
Clark: Tulad nung coin na napulot natin sa Napa Valley? Or the rose I gave you during our prom?
Leah: Paano mo nalaman?
Clark: Nakita ko yung laman ng treasure box mo. Sorry I didn’t mean to pry. I was just curious na dinala mo sya dito sa Pilipinas. Pero parang ang konti ng laman.
Leah: ‘Di naman kasi lahat nandoon eh. Yung iba nandito *mind* tsaka dito *heart*



Clark: Don’t worry. We’ll make plenty more happy memories together. So many happy memories mauubusan ka ng paglalagyan.
Leah: Promise hubby?
Clark: Promise wifey.




[Reminiscing]


Clark: Hai Leah, kahit hanggang ngayon hindi pa rin ako maka...makapaniwala na finally akin ka na at sa’yo na ako.
Leah: Pasensya ka na hubby ha kung medyo natagalan bago ko ma-realize na ang tanga-tanga ko pag pinakawalan ko pang isang katulad mo. Paano mo naman nagawa maghintay ng ganun katagal?
Clark: Well na-realize ko rin na ang tanga-tanga ko para hindi hintayin ang katulad mo.
Leah: Bakit parang bigla ka yata natigilan?


Clark: Wala. Bumalik lang kasi sa’kin lahat...lahat na nangyari sa atin, lahat ng pinagdaanan natin...wow. This is one hell of a love story. From the first time we met.
Leah: Ang suplado mo noon. Pogi nga suplado naman.
Clark: Tapos pinagbintangan mo akong ninakaw kong wallet mo.
Leah & Clark: Jebs!
Leah: Pinagbati pa tayo tita Jack noon.
Clark: And our first kiss
Leah: Ginawan mo ako ng sarili ‘kong prom
Clark: Nung nalasing ka at ayaw mong aminin
Leah: Nung nagkasakit ka
Clark: Nung nagkasakit ka rin
Leah: Nung naging Mrs Pizza ka para sakin
Clark: Nung na-approve ang greencard mo
Leah: Nung naglinis tayo ng bahay sa Carmel
Clark: Napa Valley
Leah: Ulan
Clark: Taguan ng feelings
Leah: Aminan ng feelings
Clark: And now...and now here we are. You were worth the long wait. I think even then I already knew I was walking into the greatest love story I’ll ever have.

Clark: Come on, I wanna show you something. Are you ready?

Clark: OK ba? Mukha na bang Palace of Fine Arts?
Leah: Ang ganda Clark. Kaya lang bakit may ganito pa?
Clark: Pinapaalala ko lang sa’yo kung paano tayo magsimula.

Clark: Remember that day at the park, near the Palace of Fine Arts. The day we sealed the deal. We were standing face-to-face, tapos lumuhod ka sa harapan ko…

Clark: ...and you ask me to marry you. I want us to start over again. And this time, we’ll do it right. So… Will you marry me? Again?


Clark: Leah I’m asking you to marry me
Leah: Yes Clark


Leah: I love you Clark
Clark: I love you too






Axl: Basta bossing kami bahala sa bachelors party mo ha.
Kiko: Hoi tama. Sir may ex-girlfriend ‘to na stripper makakamura tayo.


Clark: Anoba kayo. Wag iparinig yan kay Leah. Baka mamaya gumanti yan. Baka kumuha sya ng macho dancer sa bridal shower nya.
Tatang: Dba macho dancer ka dati sa America? E ikaw nalang.
Clark: Tatang naman. Lasing ako noon
Leah: ‘tang naman
[pic:Leah smile]
Tatang: Isa lang talaga ang biling ko. Kahit anong mangyari, mahalin at alagaan mong anak ko ha.
Clark: Maasahan nyo po yun tatang, ‘di nyo kailangan sabihin. Alam ko na po yun



Leah: Kaya pala naging masekreto ka nitong mga nakaraang araw eh. ‘To pala yung ginagawa mo.
Clark: Well I couldn’t have done it alone kaya napatulong ako sa mga boys ko. Pag may kausap ako sa phone sila yun.

Leah: Pasensya ka na hubby ha kung pinagdudahan kita.
Clark: Kinabahan na nga ako doon ah. You looked so mad.
Leah: Pero seryoso Clark. Ang ganda.

Clark: Pasensya ka na dyan but it’s the closest I could find na kamukha ng singsing na gusto mo.
Leah: Singsing na gusto ko?
Clark: Ya when we were in San Francisco. Dba sabi mo may singsing na kumakausap sa’yo


Leah: Ang ganda mo! Hintay mo ako. Balang araw bibilhin din kita pag ikakasal na ako sa true love ko.
Clark: Sinong true love mo?
Leah: Ay true love!
Clark: Kinakausap mo yung singsing?
Leah: Excuse me! Sya ang kumakausap sa akin.


Leah: Naalala mo pa yun?
Clark: Pag dating sa’yo, naaalala ko lahat. This time we’ll do it right, for the right reasons. We’ll marry for love.
Leah: Juskolord Clark. Isa-isa mo tinutupad yung mga pangarap ko

Clark: Ikaw din naman. You made me realise so many dreams I didn’t know I had. I never thought I’d settle down. You made me miss home. You made me wanna stay, start a new life with you. Sumugal sa isang pangarap. All those dreams, hindi ko mare-realise na meron pala ako. None of that would have been possible without you, if not for you. Hey, wag kang umiyak. Nangako ako sa tatang mo na hindi kita paiiyakin.



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Clark: Leah I’m asking you to marry meLeah: Yes Clark

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Scenes]

~The Proposal~

~ "Isa-isa mo tinutupad yung mga pangarap ko" ~

[Bloopers]

No comments:

Post a Comment