Tuesday, November 10, 2015

As Heard on #OTWOLWish (9/11/15)

#OTWOLWish (9/11/15)

Clark: I can be friends with Jig's friends




Leah: Ang ganda dito Clark.
Clark: I read about this place online. Popular sya sa mga lovers, couples...secret hideaway.
Leah: Clark.
Clark: I know, part pa rin ‘to ng research ko. “Manila in Love” remember?
Leah: Sa bagay, ganda naman kasi talaga ng view.
Clark: Oo nga. Maganda. Kung gaano karami ang mga ilaw na yan, siguro ganyan din karami ang nagmamahal sa mundo. Little flickering lights sa gitna ng dilim. Kasi...kasi ganyan din naman ng love dba? Kapag wala sya, lahat madilim, lahat kawalan. Loving is like...it’s like turning on a small light in the middle of the void. At ikaw Leah, ikaw ang nagsindi nun para sa’kin.


Clark: Leah listen, alam ko sinabi ko na maghihintay ako. I intend on keeping that promise. At alam ko marami ka pang gustong ayusin, marami gutong siguraduhin. But love is...it’s a leap of faith. Hindi naman kita pababayaan. I’ll take care of you. So let’s jump. Jump into the void. Let’s fall...in love...together.


Leah: Alam mo Clark, may nabasa ko din sa lugar na ‘to eh.
Clark: Talaga? Ano?
Leah: Oo. Tama ka. Yung lugar na ‘to para ‘to sa mga couples, lovers… Pero para din ‘to sa mga single, o may problema sa pag-ibig.
Clark: Anong gagawin nila dito? Tatalon?
Leah: Hindi. Pwede sila mag wish dito. At kadalasan, more or less, tutupad yung wish nila.
Clark: Talaga?
Leah: Oo. Kailangan lang daw ipikit ng mga mata mo, kausapin mo yung puso mo, tapos pagkatapos mo mag wish, dilat mo mga mata mo at pakawalan mo ‘to.
Clark: Then let’s make a wish.


Clark: My only wish is this: Leah, please learn to trust me again. Sana maging handa ka nang sumugal sa pag-ibig natin.
Leah: Sabihin mo lang sa’kin, susugal ako, basta itong tamang pag-ibig-
Clark: Dahil Leah, ito ang tamang pag-big-
Leah: Basta kami para sa isa’t isa-
Clark: Dahil ako ay para sa’yo at ikaw ay para sa’kin.

Tatang: Lalabas na yun. Alam mo naman kung gaano kabagal magbihis yan asawa mo.
Clark: Oo nga. Pero hindi naman po kami nagmamadali.
Tatang: Kamusta naman sa inyo?
Clark: We’re OK po. Yung kapatid ko si Jenny may school musical so she needs help with the auditions.
Tatang: Minsan nakwento sakin ni Leah, kumakanta ka daw sa States.
Clark: Ah...pakanta-kanta lang po. Hindi professionally na gaya ni Leah na nasa choir. Kaya nagpapaturo si Jenny sa kanya.
Tatang: Magaling yan anak ko. Soloista yan sa choir eh.
Clark: Oo nga po.
Tatang: O upo ka muna. Sabihin mo nga sa’kin Clark, hanggang kailan kayo ganito?
Clark: Ano pong ibig nyo sabihin?
Tatang: Yung ganito, andito ka tuwing sabado’t linggo. Ngayon naman si Leah ang pumupunta sa inyo. Mahal mo naman ang anak ko diba?
Clark: Mahal na mahal po
Tatang: Sa tingin mo mahal ka din nya?
Clark: Opo. Pero...hindi pa handa si Leah na maging asawa ko...tunay na asawa.
Tatang: Clark salamat. Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa anak ko. Sana hindi ka magsawa. Dahil sa nakikita ko, kailangan ni Leah ng isang katulad mo. Sana habambuhay na yan ganyan.


Leah: Tapos pag kinakabahan ka, sabihin mo lang, kaya ko ‘to push.


Kiko: Uy andito pala si wifey, sir eh.
Axl: Hi wifey
Kiko: Hi wifey
Clark: Wifey nyo si Leah?
Kiko: Huh? Wifey mo? *Kiko & Axl looks and points at each other* Ay wifey nyo sir.
Leah: O ano Axl, Kiko, kamusta?
Axl: OK naman, ganun pa rin. Rinding rindi lang paano kasi boss lagi nalang Leah Leah Leah Leah (x2) Nakakasawa na eh.
Clark: Pwede ka naman maghanap ng ibang trabaho
Axl: Huh? Hindi boss. Alam mo yung Leah Leah, parang kanta yan eh, sarap sa pandinig yan eh. Yung ~Leah~
Kiko: ~Leah~
Axl: ~Leah~
Kiko: ~Leah~
Axl & Kiko: ~Leah Leah Leah...~


Kiko: Sarap nun
Axl: Raks not dead.
Leah: Kayo talaga


Clark: Wish me luck.
Leah: Good luck.
Kiko: Ahem...wala bang goodluck kiss dyan?
Axl: Mm kiss. Goodluck kiss
Kiko: Goodluck kiss….kiss...



[Bloopers]


No comments:

Post a Comment