Friday, November 6, 2015

As Heard on #OTWOLLoveShots (6/11/15)

#OTWOLLoveShots (6/11/15)



Clark: Pwede bang diretso nalang tayo sa simbahan?
Leah: Hm?
Clark: Ayaw mo pa yan sa racket na yan ah
Leah: Eh sayang naman kasi eh may talent fee din ‘to. Pwede pang bili ng gamot ni tatang. Tsaka kawawa naman yung kaibigan ni Jonas eh. Parang...parang kanina pa sya low-game[?]. Malay mo naman tayo yung swerte nya dba?
Clark: You’re a kind person wifey
Leah: Na hawa lang sayo hubby…. At tsaka...sanay naman na tayo magpanggap ng magasawa dba? Kung yung immigration nga napapaniwala natin, ito photoshoot lang, pretend-pretend lang.
Clark: Well I don’t know about you, but I stopped pretending a long time ago. I really love you.


Photog: Perfect! Ganyan hah. Ganyan dapat ka-sweet.


Photog: OK, this is gonna be your first dance as a couple. Dapat hopeful kayo sa magiging future nyo, you’re going to be together with each other for the rest of your lives. Magkakaroon kayo ng mga ku-kulit ng mga anak, mga 5. Tatlo kamukha ni Clark, dalawa kamukha ni Leah.
Clark: You look beautiful.
Leah: May dialouge pa pala ‘to kala ko naman pictures lang. Nasaan yung script? Gusto kong maibigay ng copia.
Clark: Walang script. You really look lovely today.
Leah: Clark
Photog: Clark tuloy mo na yan, maganda yan.
Clark: Oh ituloy ko daw
Leah: Ikaw naman pinagti-tripan mo pa ako eh.
Clark: Hindi. Gusto ko lang ienjoy itong moment. I’m really loving this. I love you… I love you.



Photog: K this time, kiss.
Clark: Oh kiss daw.
Photog: Guys please...money shot ko ‘to eh
Clark: Oh money shot daw.
Photog: Isang shot lang tapos tapos na. K?
Clark: Isang shot nalang daw tapos tapos na.



Photog: Perfect! Ito! Ito yung gusto ko, ito yung fireworks! Ito yung romance! Ito yung bubuo sa wedding portfolio ko. Alam nyo bagay kayong dalawa, pwede kayong magkatuluyan.



Clark: Hey, yung make up artist natin, pinost nya yung picture natin. Ti-nag nya ako.



Clark: Well I don’t know about you but I think we make a beautiful couple. We look really good together. Yung photographer na rin nagsabi.
Leah: Clark
Clark: Leah, nothing about what I feel for you is fake. Nagsimula lahat sa pagpapanggap but...but not all of it was fake. Kahit sa...sa harap ng immigration officer, everything I said was real. Everything I said about you was real. Kahit nung time na yun, niloloko ko lang yung sarili ko, that I felt nothing for you, but they could see what was really in my heart. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito at alam ko ngayon ka pa lang minahal ng ganito. Kaya sana buksan mong puso mo, hayaan mo ulit mahalin kita. It’s the greatest feeling right? When you love someone, and that someone loves you back.



Clark: Hey
Leah: Hay naku nandito na naman siya.
Clark: Mukhang good mood ka ngayon ha or you’re just happy to see me.
Leah: Feeling ka na naman dyan ha. Hindi. Yung boss ko kasi nalaman nya na ako talaga yung gumawa ng campaign namin. Kaya inassign nya sa’kin yung project!
Clark: That’s great! Ito yung pinakahintay mong break.
Leah: E kaya nga dapat gawin ko yung pinakabest ko e. Kasi baka mamaya dto pa ako pumalpak.
Clark: Leah I don’t think so. You’re great at everything you do. Whether pagiging Mrs Pizza mascot lang yan or pagiging copywriter. Come on this calls for a celebration. Tara!


[Abangan]
Hanggang kailan magiging sapat ang “mahal kita”


Clark: Alam ko marami ka pang gustong ayusin but love...its a leap of faith.


Leah: Sana wag mong pagdudahan yung pagmamahal ko sa’yo. Pero hindi ko pa talaga kayang ibigay yung hinihingi mo.


Clark: Leah sumugal ka naman. Do you want us to be together or not? If no I won’t ever bother you again.


At kung kailan akala mo wala na talaga…


Leah: Oo. Susugal na ako.




"Ngayon lang ako nagmahal ng ganito at alam ko ngayon ka pa lang minahal ng ganito. Kaya sana buksan mong puso mo, hayaan mo ulit mahalin kita."


~CLEAH Bloopers~

(c) otwolista.com




No comments:

Post a Comment