#OTWOLManilaInLove (4/11/15)
Clark: Wait we’re going in there? Hindi ba abandoned building na yan?
Leah: Hindi. Ano sasama ka ba hindi?
Clark: You and me. Alone in an abandoned building. Baka may masama kang binabalak sa akin ah?
Leah: Ah? Ano kapal mo. Ano? Halika na. Halika na.
Clark: Wait! May ipis ba dyan?
Leah: Wala! Halika na
Clark: Leah this is great!
Leah: Ganda dba?
Clark: Parang tayo pumasok sa time machine
Clark: Leah thank you for bringing me here. Alam mong natutunan ko?
Leah: Ano?
Clark: Hindi lahat ng nakaraan masama. Sometimes we have to hold on to the past para mas matuto sa present, para makatawid tayo sa future. Wait one last selfie.
Clark: Happy Manila Memory Number Two: My future.
Clark: Today was the best. Nakalimutan ko na kung gaano kaganda Manila. Pinaalala mo. Thank you for that.
Leah: It’s my pleasure Mr. Clark Medina.
Clark: Alam mo, itong rason kung bakit saan man napunta tayo mga pinoy, ang puso natin stays here in Manila.
Leah: Oo tsaka yung mga pangarap natin pwede tayong dadalhin sa US, sa Europe, sa Canada, kahit saan pwede. Pero yung pusong Pilipino natin maiiwan at maiiwan pa rin dito.
Clark: Leah, you already know my heart’s always with you. Pero ang hindi mo alam, tulad ng ginawa mong tour, sa’kin dinala mo yung puso ko where it’s never been before. You showed me howlove can be wonderful, not bitter. Thank you.
Tolyts: Sa palengke ba lang tayo?
Tiffany: Tolyts ano ba pinagsasabi mo?
Tolyts: Ba’t sina Clark at Leah nagde-date ng ganun, kahit saan nga sila napupupunta sa Manila eh. Eh tayo? Kailan ba tayo made-date ng ganun?
Tiffany: Para naman sa trabaho ni Clark yun.
Tolyts: Kahit na sigurado nag e-enjoy yung mga yun.
Tiffany: Kung nag e-enjoy man sila sa date nila OK lang yun kasi magasawa sila eh. Asawa ba kita?
Tolyts: Hindi pero pwede naman kita pakasalan. Kung gusto mo pakasalan na kita ngayon. My labs!
Clark: I want to make a promise to you sa harap ng altar nito. Kung anoman sakit na nararamdaman mo ngayon, hinding hindi ko ipapaala sa’yo. Gusto ko mabuo ka ulit.
Leah: Clark?
Clark: Mm?
Leah: Pasensya ka na ang drama drama ko ha.
Clark: Hey don’t say that. Actually gusto ko magpasalamat dahil nag-open up ka sa akin. At sa akin mo sinabi yung heartaches mo.
Leah: Salamat din kasi palagi kang nandyan para sa’kin. Minsan nga sa’yo nalang ako humuhugot ng
lakas ko eh.
Clark: Wag ka nang malungkot. Today was amazing.
Leah: Good night Clark
Clark: I love you Leah
Leah: Eh malay mo naman mahal ka pa nya, dba Mekeni? Kung mahal ka, babalikan ka.
Tiffany: Wow anong nakain mo Leah? Bakit ang positive mo yata sa love ngayon? Si Mekeni nga eh ayaw mo nang makita, pinapakain mo na ngayon.
Leah: Ewan ko ba manang. ‘To si Clark kasi eh. Unti unti nyang pinapatunayan sa’kin na kaya ko pang magmahal nang hindi na natatakot.
Leah: Nung minahal nyo po si nanang hindi ho ba kayo natakot?
Tatang: Saan naman ako matatakot?
Leah: Eh kasi ho magmamahal ka pero alam mong balang araw, mawawala din sa’yo yung taong mahal mo.
Tatang: Natakot oo.
Leah: Pero nagmahal pa rin po kayo
Tatang: Alam mo kasi anak, taniwas yun sa mga ginagawa mo ngayon at pinaniniwalaan mo. Ang pagmamahal, hindi desisyon yan. Nararamdaman sya. Yung takot na sinasabi mo andun andun yun, eh ganun din ang pagmamahal eh. Basta isang araw, magising ka nalang at sasabihin mo sa sarili mo, mahal ko ang taong yan at wala akong pakialam kung sa mga susunod na araw, buwan o taon ay mawawala sya. Ang mahalaga, mahal mo sya.
[Abangan]
Clark: Natanggap ko kasi I found a better love.
Leah: Oo alam ko. Ako.
Clark: Sino ngayon ang assuming? Oo ikaw. Sino pa ba?
No comments:
Post a Comment