#OTWOLHappyCLEAHDay (3/11/15)
Clark: For what?
Leah: Kasi nandyan ka pag kailangan kita.
Clark: You know I’m always here for you… Namiss mo ako no? Leah alam mo, if I had it my way, lagi akong nakadikit sa tabi mo. Marami lang kasi akong trabaho ngayon kaya hindi ako nakakadaan at hindi ako tumatawag or nag-text kasi ayokong makulitan ka sa akin eh.
Leah: Sa bagay, ginusto ko naman to eh. Pasensya ka na sa’yo ako naglalabas ng sama ng loob ha. Siguro iniisip mo ang babaw babaw naman ‘tong babae to, para trabaho lang.
Clark: Hindi trabaho lang. It’s time away from your family, from your loved ones. It’s all you skill and talent na ibinuhos mo sa project na yun. Well, I understand why you feel this way.
Leah: Eh gusto ko lang naman ma-prove yung sarili ko sa trabaho ko. Tsaka gusto ko mag-provide sa pamilya ko. Kung magkakaroon ako ng bonus at magpo-promote ako, magagawa ko yun.
Clark: Don’t worry, darating yun. You are the most intelligent, talented girl that I know. No amount of office politics can hold you back. Pero for the meantime, nandito naman ako.
Leah: Eh ano naman gagawin mo?
Clark: Well, hindi kita po-promote or bibigyan ng bonus but I can inspire you, the way you’ve inspired me.
Leah: Clark. Wala na tayo sa America. Ang mga Pilipino hindi nagki-kiss in public.
Clark: Pero in private, pwede?
Leah: Eh teka, anong ginagawa mo dito?
Clark: Because I miss you. At alam ko ngayon nami-miss mo din ako, ‘di ba? ‘Di ba?
Leah: Sakto lang.
Leah: Um, cge na Clark, OK na. Pwede ka nang umuwi.
Clark: Are you sure? Hindi ba pwede mag-stay muna sa inyo?
Leah: Ah wag na. Kasi pag nagtagal ka pa dito lalo lang kita mami-miss.
Clark: Ano yun?
Leah: Ah...ang sabi ko...mami-miss mo yung huling biyahe ng jeep sa labasan…
Clark: Ah...Ok. Eh di alis na ako. Don’t worry, hindi kita mami-miss....dahil...lagi kitang baon...dito *utak* at dito *puso*
Leah: Alam mo masyado kang pa-cute.
Clark: So you think I’m cute.
Leah: Clark. Buong gabi ba natin gagawin ‘to?
Clark: If you like.
Leah: Clark! Nakakainis ka! Cge na!
Clark: OK OK I’m leaving. *gustong magkiss*
Leah: Hoi Clark! Dali na!
Clark: I’m leaving
Leah: Cge na umalis ka na.
Clark: I’m going
Leah: Alis na
Clark: OK OK I’m going. OK. Bye. Don’t miss me too much.
Leah: Hindi talaga.
Clark: Leah. Gusto ko lang sabihin sa’yo in the end of all this our love will prevail. Tuturuan kita magtiwala ulit at matutong mag-commit sa isang relasyon.
Clark: Happy weekend! For you wifey *flower*
Tenement Uno: Wow! Parang Valentines.
Clark: Tay, sa inyo po.
Tatang: Yan ang lalaki. Kahit asawa na nanliligaw pa.
Clark: Ah tatang Sol, ipapaalam ko po sana si Leah.
Leah: Kay tatang ka nagpapaalam kasi alam mo tatanggihan kita noh?
Tatang: ‘Sus! Siyempre saan daw muna ipapaalam? Bakit saan ba kayo pupunta?
Clark: Ah well as you both know, meron po akong project. I’m working on the interiors of a cafe called Sun and Moon. Pero nakukulangan sa Manila flavour yung mayari ng cafe. But since I’ve been away from Manila for so long, I’m having trouble finding that flavour. So Leah, sana masamahan mo ako going around Manila finding places na nostalgic at nakaka-in-love.
Leah: So in short gusto mong samahan kita sa lakwatsa mo. Ay naku pasensya ka na Clark ha pero busy ako eh.
Tatang: Busy? Weekend ngayon. Wala kang pasok.
Leah: Alam mo ‘tang minsan ho talaga hindi ko alam kung kanino ka kakampi eh.
Tatang: Wala ‘kong kinakampihan. Eh sa akin lang, weekend ngayon. Ba’t hindi mo pa samahan ‘to si Clark? Samahan mo ang asawa mo.
Taga Ten. Uno: Samahan mo ang asawa mo
Clark: It’ll be fun.
Leah: Cge na. OK. Fine.
Tatang: I-guide mo siya. Amboy kasi yan eh. Wala masyadong alam sa Maynila.
Leah: Oh ano? Ready ka na ba? Papakilala ko ulit sa’yo yung buong Maynila.
Clark: Make me fall in love with Manila again, the way I fell in love with you.
Clark: Just let me hold your hand baka maligaw ako eh. You know you give me direction. Tara.
Clark: Now this is foodie heaven. Tara kain tayo.
Leah: Hoi, libre mo ‘to ha.
Clark: Syempre. On a date a lady never pays.
Leah: Anong date? ‘Di ba sabi mo excursion ‘to.
Clark: Leah. I’m touring around Manila with my wife. Of course this is a date.
Leah: Ano bawal kumain bukas?
Clark: Gutom ako eh.
Clark: Grabe magandang babae lakas mag burp.
Leah: Sorry ha. Busog kasi eh.
Clark: Anong iniisip mo?
Leah: Wala. Nami-miss ko lang yung dati. Dito kasi kami kumakain ni tatang pag nagpapahinante ako sa kanya eh. Tagal na yun.
Clark: So that’s why this place is so special to you? Well at least ngayon, special pa rin kasi ako nalang kasama mo. Wait, selfie tayo. One, Two...
Clark: Happy Manila Memory Number One: My wife.
No comments:
Post a Comment