#OTWOLTrustMe (30/10/15)
Tolyts: Alam mo kailan ka lang nagiging masaya? Kapag nandito yung si bilas Clark. Yihee
Leah: Eh hayaan mo babalik naman siya sa susunod na sabado eh.
Gabby: Eh tita Leah ba’t ka nakangiti?
Leah: Hah? ako nakangiti?
Gabby: Nakangiti po kayo nung iniisip mo si tito Clark.
Clark: I really want this to work you know I wanna stable business. For us.
Ima: Ah Clark, hindi lang yun para sa atin. Para sa inyo rin dalawa ni Leah.
Clark: Talagang kasama si Leah sa future ko. For her? I can do anything and everything.
Ima: Wow
Leah: Clark ano ka ba naman kakaalis mo lang sa bahay eh nagyayaya ka naman lumabas?
Clark: You can’t blame me. I just wanna see you before I go to sleep.
Leah: Ikaw naman Clark. May skype naman eh. Pwede naman tayo magusap doon.
Clark: Gusto ko yung Leah na nahahawakan, natititigan ko. Come on ten minutes.
Leah: Ten?
Clark: OK five. Three. Two? One minute.
Leah: One minute?
Clark: Huh, one minute para kasama ka, mahawakan ka. Tapos OK na ako.
Leah: Clark naman eh.
Clark: Ten minutes starts~
Leah: One minute.
Clark: One minute starts now.
Leah: Time’s up. Cge na maaga pa yung trabaho ko bukas eh.
Clark: Ba’t umiiwas ka nanaman?
Leah: Hindi
Clark: Natatakot ka na alam ko? Well alam ko na.
Leah: Na ano?
Clark: That you still love me. Kahit ayaw mong sabihin, alam ko na.
Leah: Bakit ba kailangan pa natin pagusapan ‘to Clark?
Clark: Because you’ve been avoiding this for weeks. Pati ako iniiwasan mo. Lumalayo ka sa akin. Leah, kailangan ko pa ba pumasok ulit sa nasusunog ng bahay para ma-realize mo that you still love me? ‘Cause if that’s what it takes Leah I’ll do it.
Leah: Wag. Hindi ko kakayanin.
Clark: Why? … Why? … Leah why? ... Say it! I need to hear you say it! WHY?!
Leah: Kasi ayaw kong mawala ka. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin nawawala yung nararamdaman ko sa’yo dahil mahal kita Clark. Mahal na mahal.
Leah: Wag.
Clark: Bakit?
Leah: Mahal kita Clark. Pero hindi ko alam kung dapat ba magsama tayo. Kasi baka dumating yung araw na magkakasakitan lang tayong dalawa.
Clark: Leah… I know you’re hurt from what your mother did to you. Pero hindi lahat ng tao katulad ng nanang mo. Hindi ako ganun. It’s not just about love...it’s about trust. You can trust me.
Leah: Gusto kong magtiwala Clark. Gusto kong maniwala. Sorry pero hindi ko pa kaya eh. Siguro balang araw kakayanin ko. Pero ngayon hindi pa. Sorry kung nadadamay ka. Pero sinusubukan ko naman eh. Hindi ko pa talaga kaya. Sorry.
Clark: Bakit ganun lola? I love Leah...and I know she loves me. Bakit ang daming hadlang?
Ima: Pagsubok ang tawag dyan. Sinusubukan kayo ng tadhana kung gaano katibay ang pagmamahalan nyo ni Leah. But Clark you must understand, that Leah is broken. She needs more time.
Clark: Pero lola, I’m fighting for our love. Pero siya...ayaw nya mag-commit. I tried to understand her, I...I tried to be patient. Pero minsan...huh...nakakapagod na din.
Ima: Ang tunay na nagmamahal handang maghintay. Kahit gaano katagal. Tanong mo nalang sa sarili nyo Clark. Gaano mo kamahal si Leah? Handa ka bang maghintay? Kahit matagal?
Clark: Hindi po ba kayo nagsasawa maghintay?
Lolo: Napamahal na sa akin ang mga kalapati nito. Kaya sabi nga, pag mahal mo, babalikan at babalikan mo. Pag mahal mo ay nakahanda kang maghintay.
Lolo: Sabi ko naman walang imposible sa nagmamahal.
Leah: Kaya GO! PUSH! Para sa ekonomiya!
Clark: May gusto po sana akong sabihin sa inyo.
Ima: Ano yun apo?
Clark: I want to fight for Leah’s love. Alam ko kapag ginawa ko yun, magaaway kami ni Jigs. Alam ko gugulo ang pamilya natin. Pero mahal ko si Leah. I can’t deny myself that feeling. I hope you understand lola.
Ima: Hay. Alam ko yung nararamdaman mo Clark sapagkat naramdaman ko rin yan. Alam mo kaming dalawa ng Lolo Paquito mo, ipinaglaban din namin ang nararamdaman namin sa isa’t isa. Kasi yang si lolo Paquito mo ayaw siya ng mga magulang namin. Kasi nga hindi marangya ang buhay nya. Now Clark, daig ng yaman ang pagmamahalan namin ng lolo mo. At yun naman sa inyong dalawa ni Jigs, ipagdadasal natin yan. Na maayos kayo magpinsan. Naintindihan kita apo.
[Abangan]
Clark: Nagsimula lahat sa pagpapanggap, but not all of it was fake.
Leah: Unti-unting nyang pinapatunayan sa akin na kaya ko pang magmahal ng hindi natatakot.
Tatang: Kahit asawa na nanliligaw pa.
Leah: Sanay naman na tayo magpanggap na magasawa ‘di ba? Kung yung immigration nga napapaniwala natin, ito photoshoot lang.
Hindi man aminin, ramdam pa rin ang pag-ibig
Clark: Ngayon lang ako nagmahal ng ganito at alam ko ngayon ka pa lang minahal ng ganito kaya sana buksan mo yung puso mo.
No comments:
Post a Comment