Saturday, October 31, 2015

As Heard on #OTWOLTrustMe (30/10/15)

#OTWOLTrustMe (30/10/15)



Tolyts: Alam mo kailan ka lang nagiging masaya? Kapag nandito yung si bilas Clark. Yihee


Leah: Eh hayaan mo babalik naman siya sa susunod na sabado eh.
Gabby: Eh tita Leah ba’t ka nakangiti?
Leah: Hah? ako nakangiti?
Gabby: Nakangiti po kayo nung iniisip mo si tito Clark.


Clark: I really want this to work you know I wanna stable business. For us.
Ima: Ah Clark, hindi lang yun para sa atin. Para sa inyo rin dalawa ni Leah.
Clark: Talagang kasama si Leah sa future ko. For her? I can do anything and everything.
Ima: Wow


Leah: Clark ano ka ba naman kakaalis mo lang sa bahay eh nagyayaya ka naman lumabas?
Clark: You can’t blame me. I just wanna see you before I go to sleep.
Leah: Ikaw naman Clark. May skype naman eh. Pwede naman tayo magusap doon.
Clark: Gusto ko yung Leah na nahahawakan, natititigan ko. Come on ten minutes.
Leah: Ten?
Clark: OK five. Three. Two? One minute.
Leah: One minute?
Clark: Huh, one minute para kasama ka, mahawakan ka. Tapos OK na ako.
Leah: Clark naman eh.
Clark: Ten minutes starts~
Leah: One minute.
Clark: One minute starts now.


Leah: Time’s up. Cge na maaga pa yung trabaho ko bukas eh.
Clark: Ba’t umiiwas ka nanaman?
Leah: Hindi
Clark: Natatakot ka na alam ko? Well alam ko na.
Leah: Na ano?
Clark: That you still love me. Kahit ayaw mong sabihin, alam ko na.  
Leah: Bakit ba kailangan pa natin pagusapan ‘to Clark?
Clark: Because you’ve been avoiding this for weeks. Pati ako iniiwasan mo. Lumalayo ka sa akin. Leah, kailangan ko pa ba pumasok ulit sa nasusunog ng bahay para ma-realize mo that you still love me? ‘Cause if that’s what it takes Leah I’ll do it.
Leah: Wag. Hindi ko kakayanin.
Clark: Why? … Why? … Leah why? ... Say it! I need to hear you say it! WHY?!
Leah: Kasi ayaw kong mawala ka. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin nawawala yung nararamdaman ko sa’yo dahil mahal kita Clark. Mahal na mahal.


Leah: Wag.
Clark: Bakit?
Leah: Mahal kita Clark. Pero hindi ko alam kung dapat ba magsama tayo. Kasi baka dumating yung araw na magkakasakitan lang tayong dalawa.
Clark: Leah… I know you’re hurt from what your mother did to you. Pero hindi lahat ng tao katulad ng nanang mo. Hindi ako ganun. It’s not just about love...it’s about trust. You can trust me.
Leah: Gusto kong magtiwala Clark. Gusto kong maniwala. Sorry pero hindi ko pa kaya eh. Siguro balang araw kakayanin ko. Pero ngayon hindi pa. Sorry kung nadadamay ka. Pero sinusubukan ko naman eh. Hindi ko pa talaga kaya. Sorry.


Clark: Bakit ganun lola? I love Leah...and I know she loves me. Bakit ang daming hadlang?
Ima: Pagsubok ang tawag dyan. Sinusubukan kayo ng tadhana kung gaano katibay ang pagmamahalan nyo ni Leah. But Clark you must understand, that Leah is broken. She needs more time.
Clark: Pero lola, I’m fighting for our love. Pero siya...ayaw nya mag-commit. I tried to understand her, I...I tried to be patient. Pero minsan...huh...nakakapagod na din.
Ima: Ang tunay na nagmamahal handang maghintay. Kahit gaano katagal. Tanong mo nalang sa sarili nyo Clark. Gaano mo kamahal si Leah? Handa ka bang maghintay? Kahit matagal?


Clark: Hindi po ba kayo nagsasawa maghintay?
Lolo: Napamahal na sa akin ang mga kalapati nito. Kaya sabi nga, pag mahal mo, babalikan at babalikan mo. Pag mahal mo ay nakahanda kang maghintay.


Lolo: Sabi ko naman walang imposible sa nagmamahal.
Leah: Kaya GO! PUSH! Para sa ekonomiya!


Clark: May gusto po sana akong sabihin sa inyo.
Ima: Ano yun apo?
Clark: I want to fight for Leah’s love. Alam ko kapag ginawa ko yun, magaaway kami ni Jigs. Alam ko gugulo ang pamilya natin. Pero mahal ko si Leah. I can’t deny myself that feeling. I hope you understand lola.
Ima: Hay. Alam ko yung nararamdaman mo Clark sapagkat naramdaman ko rin yan. Alam mo kaming dalawa ng Lolo Paquito mo, ipinaglaban din namin ang nararamdaman namin sa isa’t isa. Kasi yang si lolo Paquito mo ayaw siya ng mga magulang namin. Kasi nga hindi marangya ang buhay nya. Now Clark, daig ng yaman ang pagmamahalan namin ng lolo mo. At yun naman sa inyong dalawa ni Jigs, ipagdadasal natin yan. Na maayos kayo magpinsan. Naintindihan kita apo.


[Abangan]
Clark: Nagsimula lahat sa pagpapanggap, but not all of it was fake.


Leah: Unti-unting nyang pinapatunayan sa akin na kaya ko pang magmahal ng hindi natatakot.


Tatang: Kahit asawa na nanliligaw pa.


Leah: Sanay naman na tayo magpanggap na magasawa ‘di ba? Kung yung immigration nga napapaniwala natin, ito photoshoot lang.


Hindi man aminin, ramdam pa rin ang pag-ibig


Clark: Ngayon lang ako nagmahal ng ganito at alam ko ngayon ka pa lang minahal ng ganito kaya sana buksan mo yung puso mo.


"Kasi ayaw kong mawala ka. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin nawawala yung nararamdaman ko sa’yo dahil mahal kita Clark. Mahal na mahal." -Leah


Thursday, October 29, 2015

As Heard on #OTWOLApproval (29/10/15)

#OTWOLApproval (29/10/15)



Clark: Harana? That’s the old fashioned way of courting right?
Tatang: Old fashion? Anong old fashioned? Classic kamo. Hindi yan nawawala sa uso. Alam mo Clark naipapahiwatid ng lalaki sa babae nya kung gaano nya ka to namahal sa harana.


Leah: Clark?
Clark:  Bakit? I love you...and you love me. You do love me right?
Leah: Hindi na mahalaga kung ano nararamdaman mo. Hindi na rin importante kung ano nararamdaman ko. Yung pag-ibig, temporary lang yan. Pwedeng mawala. Parang yung nangyari kay manang Tiffany tsaka si tatay ni Gabby. Eh yung nangyari kayna nanang. Biruin mo, nagawa nya yung pagpalit si tatang. Nagawa nya yung talikuran pati yung mga sarili nyang anak. Ako naman o, kay Jigs. Nawala din yung pag-ibig na yun. Paano kung mangyari din sa atin yun?
Clark: Leah hindi yun mangyayari sa atin.
Leah: Paano ka nakakasiguro?
Clark: Because I just know. I’m sure about how I feel for you and I know our love is strong enough.
Leah: Sorry Clark...pero ako yung hindi sigurado eh. Alam ko hindi madaling intindihin pero mas naguguluhan yung puso ko ngayon kaysa sa nagtitiwala. I’m sorry


Leah: ‘Tang nakita nyo po si Clark?
Tatang: Yun oh. Mukhang belong na belong na dito yung asawa mo ah. Hindi lang yun. Nakita naman kasi ng mga tao na matinong tao yung napangasawa mo. At mahal na mahal ka. Kaya approved sila kay Clark. Approved din siya sa akin.

Tatang: Hindi ba pwede dumito ka nalang? Meron bang magasawa tuwing weekend lang magkasama?
Clark: Gusto ko nga din po eh~
Leah: Ah! ‘Tang kasi yung bahay po ng lola ni Clark malapit lang po doon sa shop nila. Ah malayo po kasi yun dito eh. Tsaka mas practical po kung doon muna siya magst-stay habang tinatapos nya yung project. OK lang naman po sa akin yun ‘di ba Clark?
Clark: Mm…
Tatang: Eh kung yun ang gusto nyo kayong bahala. Relasyon nyo yun magasawa. Tuloy mo lang yan Clark hm? Tratuhin mo ng tama si Leah maging tapat ka sa kanya at sa pamilya natin. Approved ka sa akin manugang.
Clark: Cge po ‘tang.
Leah: Hatid na kita. Hatid ko lang siya ha.
Tatang: Cge. Balik ka ha.



Leah: Thank you pala Clark ha. Hindi pa nga alam ni tatang na binigay mo sa kanya yung pera na panalunan mo eh. Magagalit yun ‘di nya papayag. Isosoli nya sa’yo yung pera.
Clark: OK lang. Kahit na hindi mo na sabihin eh. Ang importante makabili ka ng gamot nya
Leah: Thank you ha
Clark: You’re welcome.
Leah: Ah Clark hindi mo naman kailangan bumalik next weekend eh kung nahihirapan ka sa palipat lipat na tinitirahan.
Clark: Yan ka nanaman. Pushing me away again. Leah tanggapin mo na I’m going to be here every weekend. But don’t worry. Wala naman akong demands. If you need time, if you need space. I won’t get in your way. I just wanna be here. OK? So I’ll see you next weekend Mrs Medina.


Leah: Mekeni?
Tiffany: Si Mekeni ba yan?
Leah: Oo manang.
Tiffany: Hala bumalik si Mekeni.

Leah (flashback): Kapag hindi ka na bumalik sa akin. Ibig sabihin kailangan ko ng mag move-on, kailangan ko ng kalimutan si nanang, kalimutan si Clark.

Kiko: Kamusta na kayo ng biyenan mo? Pumasa ka na ba?
Clark: Kahit paano parang OK na kami. At least napapatawag na siyang tatang.
Kiko: Yun!
Axl: Yun! Raks not dead yan!
Kiko: Sir! First base ka na.
Clark: Mabait naman si tatang sol. Gusto nga nya, doon na ako tumira.
Axl: Paano yun boss? Doon ka na titira?
Clark: Hindi. Syepmpre nandito yung shop natin. Nandito yung mga kapatid ko. Nandito kayo. Tsaka ayaw ni Leah eh.
Axl: Bakit sir?

Clark: It’s complicated. Ayaw rin nya ako bumalik. Pero hindi ako susuko. Hindi ako babalik ng States without bring her with me. Or I’ll stay here with her.

"I’m sure about how I feel for you and I know our love is strong enough." -Clark



As Heard on #OTWOLHero (28/10/15)

#OTWOLHero (28/10/15)

Clark: Leah. Leah hindi ako makahinga.
Leah: Sorry nagalala kasi kaming lahat sa’yo eh.
Clark: Kaya pala umiyak ka na dyan
Leah: Ano ka ba naman kasi. Bigla bigla ka nalang sumusugod. Sabi ko naman sa’yo eh. Hindi ka si Clark Kent, hindi ka si Superman.
Clark: Akala ko mamamatay na ako sa loob eh...kung nagkataon…’di ko magagawa nito. It feels so good to be holding you right now.
Clark: Totoo yung sinabi ni aling Bebeng. All that really matters are the people you love.



Leah: Pabida kasi eh yan tuloy inabot mo
Clark: Well at least wala akong injury. If it was worse baka hinimatay ka na or naospital ka na sa sobrang pagaalaga sa akin.
Leah: O saan pa madumi Mr Superhero?
Clark: Hindi ako nagpapakasuperhero. Time was running out, I did what I had to do. Besides may maganda rin naman nangyari out of all of this.
Leah: Ano naman yun?
Clark: Napatunayan ko na you still care about me and mahal mo pa ako.
Leah: Nagmamalasakit lang ako. Kahit naman aso kung mapapahamak iiyakan ko pa rin no.
Clark: Ah cge. Kagatin kaya kita.
Leah: Ano ba Clark! Magbihis ka na nga! Kakainis to...Teka teka lalabas muna ako.
Clark: Huh bakit? You’ve seen me without a shirt so many times. Ngayon ka pa nailang?
Leah: Ah..hindi! Uhm may...may...kailangan lang ko gawin sa labas.
Clark: Affected ka pa rin sa akin. Aminin mo na. Aminin mo.
Leah: Hindi ako affected. Baka ikaw. Infected. Infected ng usok yang utak mo.
Clark: Hindi utak ko. Puso ko.
Leah: Ang OA mo. Mag bihis ka na nga. Bihis ka na


Tolyts: Ayos naman eh. Dinner by candlelight. Sweet kaya ‘di ba Tiffany my labs.
Tiffany: Sweet ka dyan wala nga tayong kuryente, sweet?


Mama Lulu: Eh parang naman palang kinder mag dasal ‘tong si Tolyts eh.
Tatang: ...Higit sa lahat, salamat sa pagmamahal na ngayon ay bumabalot sa puso ng bawat isa sa amin.


Annie: Mahirap napatunayan yung mga mig-mig na fake ang kasal nina Clark at Leah. Kasi kitang kita naman ng lahat na nagmamahalan yung dalawa. Kahit yung mga panahon na nagpapanggap lang sila sa amin mukha talagang totoong totoo.
Tita Jack: Atantsya ko nga dyan. Parang talaga noon pa eh nagkakain-love-an na sila sa isa’t isa eh. Hindi ko naman masisi ‘di ba? Dalaga, binata, ta’s pareho pang OK. To be honest, I’m quite happy for them.



Tatang: Sumugod ka sa apoy, hindi mo man lang inisip ang anak ko. Kung may nangyari sa’yo? Hindi mo muna ako nabigyan ng apo. Pero ayos ka rin bata ka. May tapang ka. Puntos ka doon.
Clark: Thank you sir...ah Your Highness Sir Sol.
Tatang: Tatang nalang.
Tolyts: Ikaw na
Clark: Salamat po tatang
Tolyts: Ayos ka pilas ah. One point ka doon ah. Konti nalang makasing level na tayo.


Clark: Sa’yo ba wala akong points?
Leah: Points ka dyan.



Leah: Hay naku. Ano ka ba kasi Leah tatapang tapangan ka pa eh yan tuloy. Mm palakas ka nga. Walang mumu dito bahay nyo ‘to eh. Mumu sa ilalim ng baso pwede.
Clark: *bulong* Leah
Leah: Sino yan?
Clark: Leah...Leah...Leah!
Leah: Nakakainis ka naman Clark eh!
Clark: Natakot ka?
Leah: Eh sino ba naman hindi matatakot. Akala ko kung sino ka ng multo dyan.
Clark: Gwapo ko naman ng multo
Leah: Ewan ko sa’yo. Aalis na nga ako.
Clark: Siguro nga multo ako. Kasi kahit nandito lang ako, ayaw mo akong pansinin. But just like a ghost, I’ll always be here, haunting you. Kasi always in your thoughts, always in your dreams.
Leah: Ano ba naman yan ayoko nga nitong usapan multo na ‘to. Labas na ako.
Clark: Leah ano yun?
Leah: Ano yun?! Ano yun? Ano yun? Ano yun? Ano yun? ANO YUN?! ...TSK! Ikaw talaga nakakainis ka na eh. Kanina ka pa eh.
Clark: Natatakot ka? Cge I’ll hold you. Let me protect you.
Leah: Cge. Protect me...from that ipis!!!
Clark: HUH?! WHERE?!
Leah: Ayan ayan ayan!
Clark: SAAN?
Leah: Na sa batok mo! Ayan! Na sa ulo mo. Ayan! Ayan…. Oh ano loko? Protect me protect me ka pang nalalaman na ipis nga hindi mo kaya. Ayan oh!


Clark: Very funny.
Leah: Bye bye...may ipis dyan.
Clark: Leah na saan yung ipis?
Leah: Bye...


Tiffany: Oh ading ba’t nandito ka wala ka doon sa kwentuhan.
Leah: Eh wala gusto ko lang tumulong.
Tiffany: Umiiwas ka no?
Leah: Manang, ganun ba ka-obvious?
Tiffany: Hindi naman. Pero kilalang kilala lang kita.
Leah: ‘Di naman nahalata nya?
Tiffany: Oo, kasi kanina pa siya tingin ng tingin dito eh.
Leah: Hindi nga
Tiffany: Natuwa ka naman.
Leah: Hindi. Ayoko na manang. ‘Di ko na kaya magmahal.
Tiffany: Alam mo ‘di naman kita masisisi eh. Kasi ako rin. Hindi lang naman si nanang ang nangiwan sa akin eh. Pati ang tatay ng anak ko. Tagal na ‘di nagpakita. Mahal ka, babalikan ka? Kalokohan. Alam ko mahal mo si Clark, pero wag kang masyado magtitiwala ha. Kasi ang pag-ibig na yan, kahit… kahit gaano pagkatindi nararamdaman mo, may katapusan din ang lahat.


"All that really matters are the people you love" -Clark

[Bloopers]