Friday, October 9, 2015

As Heard on #OTWOLWelcomeHomeClark (9/10/15)

#OTWOLWelcomeHomeClark


Tiffany: Kaya yung pagmamahal na yan, minsan talaga one-way yan eh. Kaya dapat hindi pinagtutuusan ng pansin.


[Forgiveness and Letting Go]
Clark: Ma, I met someone today. Someone who’s a lot like my father. It would have been easier to judge her but it’s strange, naintindihan ko siya at naawa ako sa kanya. Dahil siya ang nang iwan, pero siya ang mas naghirap at nawalan. Naisip ko si dad. I don’t know why he did the things he did but whatever the reason is, it has nothing to do with me. I’m letting go of dad, ma. Ayoko nang magalit sa kanya, ayoko nang umasa na balang araw tatanggapin din nya ako. I just feel sorry for him, because he has lost me.


Sasha: Tolyts! Kamusta? Effective ba yung acting natin?
Tolyts: Hindi e. Imbis na mapalapit si Tiffany mas lalo pang yata lumayo.
Sasha: E baka naman iniisip niya tayo na?
Tolyts: Siguro...Basta, wag nalang. May punto rin naman si Mang Sol. Hindi porket pinapaselos mo, mahal ka na niya. Minsan pride nalang umiiral dyan e. Ayoko naman sagutin ako ni Tiffany ng dahil lang nasaktan ko yung pride niya.
Sasha: Kasi gusto mo love ka niya.
Tolyts: Siyempre
Sasha: Awww… ang sweet sweet mo naman. Ang sweet…*kinurot ng pisngi*
Tolyts: Aray ko… Ay, Tiffany… Tiffany ako na..hatid na kita. Dito ka na sa tricycle ko sumakay.
Sasha: Hala tolyts
Tolys: Tiffany!
Sasha: Sorry…
Tolyts: Tiffany!
Sasha: Kasalanan ko ba?
Tolyts: Oo yata e.
Sasha: Sorry
Tolyts: Wag mo na akong hawakan Sasha. Libre ka pa rin sa pamasahe lagi lagi, pero wag mo na akong harutin.
Sasha: Ngayon baliktad naman.
Tolyts: Wag mo na akong hawakan.
Sasha: Sorry...


[Leah Lets Mekeni Go]
Pasensya ka na kung hindi kita masyadong pinapansin hah. Alam ko ‘di mo naman kasalanan yun e. Kaya lang kasi tuwing nakikita kita naalala ko si nanang e. Kapag hindi ka na bumalik sa akin, ibig sabihin kailangan ko na mag move-on, kailangan ko nang kalimutan si nanang, kailangan ko nang kalimutan ng America, kalimutan si Clark, Kailangan ko lang mag move-on. Pero kapag bumalik ka, ibig sabihin nun, may babalikan pa ako sa America, na ang doon pa ang magandang kapalaran ko.


[Anger]
Tiffany: Simula nung umalis siya, ako nag pakananay sa pamilya ‘to, dahil akong panganay. Lahat ng obligasyon niya sinalo ko lahat. Yun pala papakasarap siya sa America kasama ng bagong niyang asawa? Sana kinuha mo number niya, gusto kong tawagan. Gusto ko i sumbat sa kanya lahat ng kasalanan niya. Gusto kong malaman niya na galit na galit ako sa kanya.
Leah: Manang alam mo, hayaan na natin siya. Hindi natin siya kailangan. At hindi na siya parte ng buhay natin. Mahirap pero mas makakabuti satin kung kakalimutan na lang natin siya. Mas isipin natin ngayon si Gabby at tsaka si tatang. Mas kailangan nila tayo ngayon.

[Welcome Home Clark]
Ima: Bakit ka nga pala umuwi?
Clark: ah..trabaho po lola. Yung client ko sa San Francisco, magtatayo sila ng coffee shop dito sa Manila. E ako yung gagawin ng furniture nila.
Ima: Talaga? Ikaw ang gagawa ng furniture?
Clark: Opo. Kaya pumunta na ako. So I can start working.
Jordan: Paano yung mga trabaho mo sa America?
Clark: Ah.. nag leave muna ako. Sayang naman ang project nito. It’s a big opportunity to get into furniture making. Malay niyo, if things go well, baka hindi ko na kailangan bumalik sa San Francisco.
Ima: Ay! matagal ko ng wish yan! Josko neh.

Ima: Kaya lang yung kapampangan mo may haccent na.


[Mahirap gawin yung tama]
Tiffany: Kamusta kayo ni Clark? Naayos niyo na ba yung problema niyo nila Jigs?
Leah: Hinayaan ko na si Clark manang. Sabi ko sa kanya unahin niya yung pamilya niya si Tita Jack, si Jigs. Ayoko din kasi maging katulad ni nanang e. Pinabayaan niya tayo para lang sa sarili niyang kaligayahan. At tsaka di rin naman ako magiging masaya kung alam ko may nasasaktan ako. Lalo na yung kapamilya pa ni Clark.
Tiffany: Madalas talaga mas mahirap gawin yung tama. Kaya natutuwa ako sa desisyon mo

Ima: Yan ba yung wedding ring niyo ni Leah? Kamusta na siya? Nagkabalikan na ba sila ni Jigs.
Clark: Actually umuwi na po si Leah ng Pilipinas. Di niya tinuloy yung pag trabaho doon.
Ima: Bakit naman? Ngayon pa may green card na siya.
Clark: May mga problema siya sa kanila. Yung tatay niya may sakit. She really had to go home.
Ima: Paano kaya yun? Si Jigs napunta sa America para sundan si Leah tapos si Leah naman unuwi sa Plipinas. Paano kaya natanggap ni Jigs yun?
Clark: Kilala niyo po si Jigs
Ima: Oo nga. Kilalang kilala kong yung batang yan.

Jenny: Si ate Leah kuya. Di ba may green card na siya? Na di-divorce na kayo?
Clark: Ah..hindi pa. Hindi pa rin namin nausapan. Anyways, I’ll be here for a while.


[Abangan]
Leah: Clark?

Tatang: Kinasal ang anak ko na wala akong kaalam-alam?

Get ready for Kilig Version 2.0

Clark: Parang ang saya saya dito sa inyo.

Clark: “Asawa mode” ON!

Tatang: Welcome to hell.


Ligawan time na! The Filipino way!
(The Pinoy style of Ligawan)

Tatang: Kapag magiging parte ng pamilya nito, kailangan pinaghihirapan.

Tatang: Anong trabaho mo sa San Francisco?
Clark: Macho dancer. Hahahaha...ha..Joke lang po

Leah: Kailangan lang natin siya i-convince.
Clark: Na mahal kita? No acting required. I’ll show you.
Leah: Hoi!


[Teaser]
Loves knows no distance. Kapag mahal ka, susundan ka. Team Hubby and Wifey is back!

Clark: I’m right here

Leah: Clark?

Clark: You’re my wife and I love you. Sa’yo pa rin ako.

Watch the Teaser and Abangan Here: >>> Abangan >>> Teaser

"Hindi porket pinapaselos mo, mahal ka na niya. Minsan pride nalang umiiral dyan."




Thursday, October 8, 2015

As Heard on #OTWOLHopeful (8/10/15)

#OTWOLHopeful (8/10/15)


Tatang: Ayoko ng pakiramdam ito. Konting kilos lang hihingaling ka na. Kahit pag-kamot ng pwet ‘di ko na magawa ng isa.

Tatang: Leah, may problem ka ba?

Tatang: Tapatin mo nga ako. Bakit ka bang biglang umuwi. Ako lang ba talaga ang dahilan?

Leah: Kayo nalang po ang meron kami eh.

Tatang: Mm, b’at biglang kayo naging senti dyan?

Tita Jack: You know what I was thinking? Why don’t you take a day off? You know, mag-bakasyon ka a day or two? Para na malibang ka naman. Para hindi ka malungkot?
Clark: Malungkot? I don’t have time to be upset. I’ve to keep working...may mga umaasa sa’kin sa Pilipinas.

[Back Home]
People's fantasy of life in the US

Kapit bahay: Wow blooming!

Kapit bahay: Si Leah pa ba? O tignan mo naman hah. Maganda, masipag, matiyaga...naku I’m sure tinabog mo lahat ng mga Americano doon.

Kapit bahay: Mang Sol naman. E ikaw naman kasi tignan mo naman ang anak mo o. ‘Di ba ang sosyang social, at tsaka amoy snow.

Leah: Hindi madali yung buhay doon. Akala nyo lang po masaya, social, mayaman...pero yung totoo po yan. Araw araw po kinakayod ko.

Kapit bahay: Pero Leah, masaya ka naman sa America?
Leah: Opo, naging masaya po ako doon.

[Going Home]

Cullen: Dude, uuwi ka ng Pilipinas?
Clark: Para lang sa project. Babalik din ako. ‘Di ko lang alam kung kailan.
Cullen: Dude ano ba? Umuwi na nga si Denzel e pati naman ikaw?
Clark: Hindi naman ako nag-resign. Indefinite leave lang. Sayang naman din ng pagkakataon. Pag si-nwerte baka makapag-full-time ako sa business namin. Now how’s that?
Cullen: OK, OK. Siguro kaya mo yan tinanggap, kasi papadala ka Pilipinas noh. Sure ka ba na business lang yan? Hah? Susundan mo si Leah noh? Susu-
Clark: No.
Cullen: Yes!
Clark: No!
Cullen: Yes!
Clark: No
Cullen: Yes
Clark: I promised I would give her some space. I plan on keeping that promise. Wala ‘kong plano magpakita kay Leah.
Cullen: Talaga? Hm.. OK, pero dude, alam ba yung tita mo, yung pinsan mo uuwi ka ng Pilipinas? Kasi alam mo na baka kung anong isipan nila sa’yo.
Clark: Alam ko. Kaya hindi natin sasabihin sa kanila. Especially si Tita Jack. Kasi kung alam nya, alam ko mapipilitan siya wag sabihin kay Jigs. I don’t wanna give her that burden.
Cullen: OK. I’ll keep that in mind.

[Nanang’s story]

Nanang: Ikaw ang husband ni Leah?
Clark: Opo...but we’re sorting things out right now.
Nanang: Bumalik siya ng Pilipinas pero kailan ba ang balik niya?
Clark: Hindi niya po sinabi. Siguro kahit siya hindi niya alam. Bigla po kasi ang alis niya.
Nanang: Ako ba ang dahilan?
Clark: I’m not sure.
Nanang: Nung araw na nagkita kami. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon para makipag liwanag sa kanya.
Clark: She thought you were dead. Ang tagal pa niya hinanap yung puntod ninyo. She must have been shocked nung nagkita niya buhay kayo. I’m sorry. Ayoko makialam pero I just have to know, ano pa ba talaga nangyari sa inyo.

Nanang: Akala ko sa pagtatrabaho sa America magiging madali agad ang buhay. Pero nagkamali ako. Mahirap ang trabaho, malaki ang America para sa isang probinsyanang tulad ko. Akala ng pamilya ko maayos ang lahat. Hindi nila alam ang pinagdadaanan ko araw araw. TNT ako. Mahirap ang buhay. May Americano gustong tumulong sa akin. Si Arthur. Inalok ako ng kasal para maging legal ako dito. Pero ayaw ng asawa ko si Sol.

Nanang: Sol sa papel lang naman. Para maging legal na ako dito. Para mapetisyon ko na kayo.
Tatang: Kahit sabihin mo peke. Kasal pa rin yun Rona. Sagradong kasal. ‘Di ako papayag.

Nanang: Hanggang isang matinding pagsubok dumating sa buhay namin. Nagkasakit na malubha si Leah. Fifty-fifty siya noon. Para iligtas ang buhay niya kailangan na malaking halaga. Nakapadala ako, pero ‘di alam ng pamilya ko may malaking kapalit. Tinanggap ko ang alok ni Arthur. Para kay Leah. Para sa pamilya namin. Pero nauwi sa totoong relasyon ang fixed marriage namin. Binigay ni Arthur ang lahat sa akin. Sa unang pagkakataon nakaranas ako ng ginhawang buhay. Pero ‘di nagtagal. Lumabas din ang totoong kulay

Arthur: You worthless piece of trash! You owe me everything you have!

Nanang: Binaon niya ako sa utang na loob...trinato niya parang alipin, parang preso.

Arthur: I OWN YOU!

Manang: Sabi niya patuloy niyang tutulungan ng pamilya ko. Pero hindi niya tinupad nito. Pinutol pa niya ang komunikasyon ko sa kanila. At wala akong magawa sa takot. Nag plano akong takasan si Arthur pero nalaman ko buntis ako. Lalo naghigpit si Arthur sa akin. Dahil sa anak namin hindi na ako makawala sa kanya. Gusto ko pa ring tumakas pero naisip ko anong mukha ang ihaharap kay Sol, sa mga anak ko. Kapag nalaman nila ang totoo matatanggap ba nila ako at ang magiging anak ko? Nang mag-crash ang isang bus sa San Francisco inakala ng lahat na kasama ako doon. Kaya pinanindigan ko ang maging patay para sa pamilya ko sa Pilipinas. Hinayaan ko nalang na isipin nila na patay na ako, dahil akala ko mas magiging madali yun para sa amin lahat. Pero hindi pala. Napakalaki ng kasalanan ko kay Leah at sa pamilya ko. Gusto kong itama ang lahat ng pagkakamali ko pero...hindi ko alam kung papaano. Hindi ko alam kung mapapatawad pa nila ako. Kung babalik si Leah o magkikita kayo ulit, please...pakibalitaan mo naman ako. Gusto ko lang naman kamustahin siya. Sila Tiffany at ang tatay nila. Dito na muna ako sa San Francisco. Hihintayin ko siya.
Clark: I can’t promise you anything. Pero kung sakaling mag kita kami ulit, babalitaan ko po kayo.
Nanang: Maraming salamat Clark. Sapat na yun para sa’kin. At sana, magkaayos na rin kayo. I can tell you really care about Leah.

[Lihim]
Tatang: Sinumpa ako sa diyos na isang babae lang ang mamahalin ko habambuhay, ang nanang niyo yun. Kaya ikaw Tiffany may anak ka na, Leah dalaga ka pa. Gusto ko, kung sinong pakasalan nyo, yung ng makasama niyo hambuhay. Ang isang taong mahirap, principio lang pinahawakan. Kaya ang principio ng pamilyang ito, pag may sinumpaan, saan man yan, dapat panihintigan. Sagrado ang kasal. Ito, ngayon ko lang ikuwe-kuwento sa inyo hah. Hindi ko sinasabi dati kasi ayokong sumama ang tingin niyo sa nanang niyo. Pero nung na sa America siya, nagpaalam siya sa’kin na mag fixed-marriage. Para daw mapadali yung proseso ng resident siya doon. ‘Di ako pumayag. Asawa ko siya, sa mata ng tao at higit sa lahat, sa mata ng diyos. Kaya dapat hindi na ginagamit sa kung ano ang kasal eh. Sabi ko sa kanya. Gawin mo nang lahat, wag lang yun. Alam niyo kasi anak, nung nagkakilala kami ng nanang niyo kahit anong pagaari wala kami, kaya yung pagsasama nalang namin ng tinuring kong kayamanan namin. At kung pati yun ay madudungisan pa, e ano ng panghahawakan ko, ‘di ba? Nag-away kami noon, isang linggo hindi nag-uusap. At yun ang pinakamalaki pagsisisi ko sa buhay ko. Hindi kami nag kabati bago siya naaksidente. Na namatay siya na nag-aaway kami. Kawawa naman nanang niyo.
Leah: E paano hoh kung niloko niya kayo? Paano hoh kung pinagpalit niya lang kayo
Tiffany: Leah…
Tatang: Bakit anak? Anong problema
Leah: Wala po.

[Abangan]
Welcome back sa Pilipinas!

Ima: Bakit ka nga pala umuwi?
Clark: Trabaho pa lola. If things go well...baka ‘di ko na kailangan bumalik sa San Francisco. We can all live together.
Ima: Ay matagal ko ng wish yan!

Dahil home is where the heart is.

Tiffany: Madalas talaga mahirap gawin yung tama

Leah: Sabi ko sa kanya unahin niya yung pamilya niya. Tsaka di rin ako magiging masaya kung alam ko may nasasaktan ako.

"Naging masaya po ako doon."


Wednesday, October 7, 2015

JaDine Jollibee Ad: Taste Forever Love

JaDine Jollibee Ad: Taste Forever Love


Short version



Extended Version


As Heard on #OTWOLStartOver (7/10/15)



#OTWOLStartOver


[Intro: Leah Voiceover]
May nagsabi sa’kin, pag mahal ka, babalikan ka. Pero paano kung pag-ibig na pinalaya mo, na hinintay mong bumalik, na akala mo naligaw lang ay may nahanap na palang bagong pag-ibig. Sabi nila pag mahal ka, babalikan ka. Pero ako? Sa tingin ko, pag mahal ka talaga, iiwan ka ba nya?


[Dear Clark…]
Dear Clark,
Sorry kung hindi na ako magpa-paalam sa’yo. Alam ko kung ginawa ko yun ay nahihirapan lang akong umalis, nahihirapan lang ako iwanan ka. Ito na yata ang pinaka-lungkot na araw sa buhay ko. Alam ko na ang totoong nangyari kay nanang. Hindi siya namatay Clark. Iniwan niya kami. Tinalikuran niya kami. Sobrang sakit. Sa isang iglap gumuho yung American dream na binuo ko mula sa pagkabata. Lahat ng pinaniwalaan ko tungkol sa nanay ko, tungkol sa America...lahat pala yung puro kasinungalingan lang. Sobrang sakit, Clark. Kailangan kong lumayo. Kailangan kong kalimutan ng America. Alam ko masasaktan ka sa gagawin ko. I’m sorry Clark. Mahal kita. Pero hindi ako hihingi na piliin mo ako kaysa sa pamilya mo. Unahin mong pamilya mo Clark. Dahil yun ang hindi ginawa ng nanang ko. Wag tayo tumulad sa kanya. Tama si tita Jack. Siguro nga hindi ‘to yung tamang panahon para sa atin. Someday Clark, pag maayos na ang lahat, at kung yun ang gusto ng diyos, magkikita tayo ulit. Kung hindi man, wag kang mag-alala, hindi ka mahirap mahalin. May darating na tao na talagang nakalaan para sa’yo.



(Here's the video if you want to watch it again.)
----------------------------------------------------------------------------

Leah: Lahat ng ‘to? Yan? Ilusyon lang yan eh. Lahat na mga ‘to. Pinaniwalaan niya ako sa isang bagay na hindi naman totoo. Kalokohan yan eh.
Tiffany: Tama na.
Leah: Yung American dream na yan? Iniwan niya tayo at kinalimutan niya tayo dahil sa American dream na yan.
Tiffany: Tama na, baka marinig ka ni tatang, tama na.


Brent: You had a family before us...but why did you leave them? Is it because of me and dad?
Nanang: Mahirap i-explain anak. Bata ka pa. But just please always remember. I’ve always tried my best to be a good mother, but people make mistakes. Very bad mistakes and they spend their whole lives paying for it.


Cullen: Hey dude. Hey! Alam mo kung yun ang gusto nyang gawin ngayon, bigay mo sa kanya. You know what, kahit anong hadlang pa yan, babalik siya sa’yo kung kayo talaga para sa isa’t isa.


Leah: Nung nalaman ko yung totoo, parang bigla nagiba yung tingin ko sa San Francisco. Kahit saan ako tumingin manang, naalala ko yung ginawa sa ‘tin ni nanang. Alam mo kung ‘di sigura ako umalis doon, baka nabaliw ako.
Tiffany: Buti na nalaman na kaagad yung totoo eh. Kung hindi habambuhay tayong ta-tanga tanga.


Tiffany: Leah, wag mong muna sasabihin kay tatang. Bagong opera lang siya, hindi siya pwedeng magalit o hindi siya pwede magkaroon ng sama ng loob. Pag ka nalaman niya baka mag-paano pa siya.


[Abangan]
Miss na miss na niya! Kaya naman pag gusto, may paraan!


Cullen: Uuwi ka na ng Pilipinas. Susundin mo si Leah noh?

Someday Clark, pag maayos na ang lahat, at kung yun ang gusto ng diyos, magkikita tayo ulit.