Wednesday, October 14, 2015

As Heard on #OTWOLLoveDrunk (14/10/15)

#OTWOLLoveDrunk (14/10/15)



Axel: Matindi yung biyenan nyo boss. Pa bagsik yan. Ilang beses akong pinagdilatan ng mata niya kagabi boss e.
Clark: Paano naman kasi. Ang daldal mo eh. Kung ‘di dahil sa’yo di niya malalaman na magasawa kami ni Leah. Alam mo ba kakagaling lang yung sa heart surgery.
Kiko: Dapat kasi sa bunganga mo nilalagyan ng zipper, buti hindi na-atake sa puso yun sa mga pinagsasabihan mo kahapon e.
Axel: ‘Di pwede mataranta yung tao? Grabe naman kayo.
Kiko: Ewan ko sa’yo. O paano ba yan sir? Balita ko nakabalikan na kayo ni missus ah. Paano ba yan?
Kiko & Axel: Raks not dead na ulit!
Clark: Wala e, napasubo na e. Salamat kay Axel. I guess I have no choice but to get back with my wife.
Axel: ~~Boss! Dapat pala ako nililibre niyo e. Kung ‘di dahil sa’kin wala kayong chance para magsama kay wifey.
KIko & Axel: Ooi wifey! wifey wifey


Tatang: Ang anak parang kalapati lang. Aalagaan mo, mamahalin mo, tapos darating ang araw na kailangan ka nila rin iwan, kailangan nila rin maging malaya, magkaroon ng sariling buhay
Tolyts: Mang Sol naman e. Sesenti mode na naman po kayo
Tatang: Ang hirap tanggapin e. E hanggang ngayon kasi bata pa rin ang tingin ko kay Leah e. Bunso ng pamilya, baby namin. Tapos, missus na siya?
Tolyts: E Mang Sol, ganito nalang isipin niyo. ‘Di kayo nawalan ng anak, nadagdagan pa kayo. Pogi manugang pa. O, ayaw niyo yun? Tatlo na tayong pogi sa pamilya.
Tatang: Babagsak na sana ang luha ko e bumalik tuloy.
Tolyts: ‘Di.. Pero seryoso Mang Sol, mukhang OK naman yung lalaki e. Mukhang mabait naman si Clark. Kalevel pa na kapogian ko
Tatang: Hindi ko siya kilala. At hindi ko nga nakilatis ang Americanong hilaw na yun, dinagit na agad ang bunso ko?
Tolyts: Mawalang galang lang po Mang Sol a, pero ‘di ba dapat, mas dapat kilatisin nga po, mas kilalanin
Tatang: E kasal na sila. Ano pang magagawa ko?
Tolyts: Yun nga po Mang Sol e. Kilalanin niyo po mas lalo yung lalaki kasi parte niya na po yung pamilya niyo e.
Tatang: Alam mo, simple lang ang mga pamantayan sa mga mapapangasawa ng mga anak ko e. Matino, marangal, hindi manloloko,
Tolyts: Check, check, check. Aba, pasok na pasok pala ako sa banga Mang Sol a.
Tatang: At magandang lalaki
Tolyts: Ah..Mang Sol..e pasok pa rin naman ako sa banga a. Lamang lang ng dalawang paligo yung si Clark eh.




Tatang: Leah, tawagan mo asawa mo. Gusto ko siyang makausap.
Leah: ...Po? Bakit po ‘tang?
Tatang: ‘Di ba kasasabi ko lang. Gusto ko siyang makausap
Leah: Eh ‘tang hindi po ba pwede sa’kin niyo nalang po sabihin? Tapos ako nalang po magsabi sa kanya?
Tatang: Ikaw ba si Clark? Hindi di ba? Sige na, tawagan mo siya.


Clark: Hello?
Tatang: Hello Clark. Si Sol ‘to
Leah: ‘Tang.
Tatang: Tatang ni Leah.
Clark: ah..sir...sir Sol. Good morning po.
Tatang: Yayayain sana kita sa amin dito sa bahay. Bukas ng hapon pwede ka ba?
Clark: Po? y..yes po. Ano pong occasion?
Tatang: Ah wala naman. Total magasawa na kayo ng anak ko. Gusto kitang makilala ng mas mabuti.
Leah: ‘Tang.
Clark: Sige po. Bukas


Tatang: Tiffany, bukas bumili ka ng tatlong basi at tsaka lapad para sa mga boys.
Leah: ‘Tang ano pong binabalak niyo ‘tang?
Tatang: Pakikipag bonding sa asawa mo.
Leah: Eh ‘tang busy po yung sa pagawaan nila eh.
Tiffany: Eh ‘tang bawal hoh sa inyo uminom.
Tatang: Relax. Hindi naman ako iinom. Yang Clark na yan ang paiinomin ko. Lalasingin namin siya.
Leah: T..Tang! Kailangan po ba talaga yan? Hindi naman po manginginom si Clark.
Tatang: E di mas mabuti. Mas madali ko siya makikilala. Sabi nga nila, kapag lasing ang tao, mas lumalabas ang totoong ugali. Kaya magkakaalamanan na



Leah: Pasensya ka na ha. Pasubo na tayo.
Clark: It’s OK. ‘Di ba, ‘to ngang sina-suggest ko. Sabi ko sa’yo, ine-expect ‘to ng tatang mo.
Leah: Mabilis lang naman ‘to eh. Ilang araw lang. Palalabasin din natin na nakabalik ka na sa America para hindi ka niya hahanapin.
Clark: ...OK.
Leah: Tapos gusto lang naman niya na malaman na matino ka, hindi ka masamang tao. Basta Clark hah kahit gaano ka naka lasing, wag na wag mong aaminin kay tatang na fixed yung kasal natin, magagalit yun. Makakasama sa puso niya.
Clark: Well, if he thinks we’re married and in love, then we’ll give him married and in love.
Leah: Ano yan?
Clark: Mag-asawa mode
Leah: Wala pa naman sila tatang eh. Halika na, halika na nag-aantay na sila.
Clark: Sila? Sinong sila?

Tatang: A yun na sila
Leah: Sila
Clark: Teka. Inoman? Sa alas tres ng hapon?
Tatang: Bakit? May i-angal ba?
Clark: Ay, wala po. Sabi ko nga po na uhaw na ako. Tatang Sol magandang hapon po.
Tatang: Anong sabi mo?
Clark: S..sir Sol.
Tatang: From now on you call me ‘Your Highness Sir Sol’. Ano ano ano?
Clark: Your Highness Sir Sol


Tatang: Anong alak mo?
Clark: Beer po
Tatang: Beer? Nakakalasing ba yan? Itong tikman mo, basi. Inomin Iloco yan hah matindi yan. Mga piling lalaki lang umiinom yan.


Tatang: Jaryo muna, mag babasa ako muna


Clark: Bottoms up!
Tatang: Yun! Very good! Isa pa, isa pa!




Tatang: Taga saan ang pamilya mo?
Clark: Taga Pampanga po
Tatang: Anong trabaho mo sa San Francisco?
Clark: Waiter, bellhop, bartender, singer...macho dancer. Hahaha...
Tatang: ---
Clark: Joke lang po
*Lahat tawanan*
Tolyts: May criminal record ka na ba?
Clark: Wala
Tatang: TNT ka ba?
Clark: Hindi po
Kapit Bahay 1: Bading ka ba?
Clark: Last time I checked? No. Right wifey?
Kapit Bahay 2: May anak ka ba sa labas?
Clark: Wala
Tolyts: E sa loob?


Tatang: Mahal mo ba talaga si Leah?
Clark: Mahal na mahal


Leah: Tang, tama na hoh yan, gabi na. Malayo pa uuwian nitong si Clark.
Tatang: E ‘sus. Maaga pa. Clark, kailan mo ba balak bumalik ng America?
Clark: Ah...Next month? - Leah: Next Week
Tatang: Ano ba talaga?
Leah: Next week na di ba?
Clark: Next month wifey. Para more time with you, more time with the family.
Leah: E pero ‘di ba depende yan sa cliente mo? Depende kung maaga mong matatapos yung trabaho mo tapos maaga ka rin makakabalik, ‘di ba? *kinurut* ‘Di ba?

Tatang: Mabuti naman Clark kasi kulang ang isang inoman para makilala kita. Kaya dalas dalasan mo pagpunta dito.
Clark: Sige po tatang Sol.
Tatang: Hah?
Clark: Ah! Sir Sol.
Tatang: Yan!
Clark: Anytime po. Kahit every night.
Leah: Pero ‘tang. Wala naman hoh siyang tutulugan dito e.
Tatang: E di sa kwarto mo. Kasal na naman kayo ‘di ba?
Clark: Ya wifey. Why not?
Tatang: Clark. Tatapatin na kita. Masyado naging madali ang pagkuha mo sa anak ko. Hindi man nabigyan ako ng pagkakataon na kilatisin ka. Kaya, hindi porket kasal na kayo otomatik na tanggap na kita. Patunayan mo na tama ang desisyon ng anak ko na pakasalan ka. Kung ‘di, kasal o ‘di kasal, babawiin ko siya.
Clark: Wag po kayo mag alala. Papatunayan ko po sa inyo na mahal na mahal ko si Leah at para talaga kami sa isa’t isa
Tolyts: A yun oh! Isang shot pa para kay pilas!

Clark: Tenement Uno! May sasabihin ko po sa inyong lahat. Mahal na mahal ko ang Leah niyo and...and I promise, I swear, I sw- I swear to HIM. As long as she loves me, and as long as I’m...here? and she...no tears falling...not on my watch. Y’know what I’m saying? ...Mahal ko si Leah! Kampe!!!

Leah: Ano, OK ka lang ba? Hindi ka naman napilayan kanina sa hagdan?
Clark: Hindi. OK lang ako.


Clark: Wifey! Please be gentle with me.
Leah: Ay naku lasing ka na nga. Maghubad ka na.
Clark: Ah? Akala ko dalagang Pilipina ka. ‘Di ba ikakasal pa tayo sa simbahan? But if u insist.
Leah: Kung ano ano pinagsasabihan nito. Maghubad ka na kasi amoy suka yan polo mo lalabahan ko para may masuot ka bukas.
Clark: Alam mo. OK din ang tatang mo hah. Para akong dumaan ulit sa immigration interview.
Leah: Parang police interrogation noh? Pasensya mo na si tatang hah. ‘Di bale, next weekend pwede na natin palabasin na nakaalis ka na ng Pilipinas.
Clark: So ano sa tingin mo nakapasa ba ako? Did I impress him?
Leah: Clark, hindi mo naman siya kailangan i-impress. Kailangan lang natin siyang i-convince. Hubaran mo na yung polo mo.
Clark: Convince na ano? Na mahal kita? Dali lang pala e. No acting required. Look, I’ll show you.



Clark: Leah I love you. My sweety baby wifey--
Leah: Clark! Ano ba? Wala naman tao dito e wala naman rin si tatang. Lalo mo lang tayo pinaghihirapan e.
Clark: I’m sorry.

[Abangan]
Clark: Asawa mode ON!


Leah: Rule number one. Bawal ang pa-cute
Clark: I can’t help it. Cute lang talaga ako.


Tatang: Enjoy your stay Clark...in hell


Tolyts: Golden rule. Manilbihan ka. It’s the Pilipino tradition of panliligaw


Tatang: Ang pagiging parte ng pamilyang nito kailangan pinaghihirapan


Leah: Wag ka masyadong mapa-in-love dyan kay tatang. Sige ka. ‘Di ka na papaalis dito
Clark: Paano nga kung ayokong umalis?


Leah I love you. My sweety baby wifey

No comments:

Post a Comment