#OTWOLApproval (29/10/15)
Clark: Harana? That’s the old fashioned way of courting right?
Tatang: Old fashion? Anong old fashioned? Classic kamo. Hindi yan nawawala sa uso. Alam mo Clark naipapahiwatid ng lalaki sa babae nya kung gaano nya ka to namahal sa harana.
Leah: Clark?
Clark: Bakit? I love you...and you love me. You do love me right?
Leah: Hindi na mahalaga kung ano nararamdaman mo. Hindi na rin importante kung ano nararamdaman ko. Yung pag-ibig, temporary lang yan. Pwedeng mawala. Parang yung nangyari kay manang Tiffany tsaka si tatay ni Gabby. Eh yung nangyari kayna nanang. Biruin mo, nagawa nya yung pagpalit si tatang. Nagawa nya yung talikuran pati yung mga sarili nyang anak. Ako naman o, kay Jigs. Nawala din yung pag-ibig na yun. Paano kung mangyari din sa atin yun?
Clark: Leah hindi yun mangyayari sa atin.
Leah: Paano ka nakakasiguro?
Clark: Because I just know. I’m sure about how I feel for you and I know our love is strong enough.
Leah: Sorry Clark...pero ako yung hindi sigurado eh. Alam ko hindi madaling intindihin pero mas naguguluhan yung puso ko ngayon kaysa sa nagtitiwala. I’m sorry
Leah: ‘Tang nakita nyo po si Clark?
Tatang: Yun oh. Mukhang belong na belong na dito yung asawa mo ah. Hindi lang yun. Nakita naman kasi ng mga tao na matinong tao yung napangasawa mo. At mahal na mahal ka. Kaya approved sila kay Clark. Approved din siya sa akin.
Tatang: Hindi ba pwede dumito ka nalang? Meron bang magasawa tuwing weekend lang magkasama?
Clark: Gusto ko nga din po eh~
Leah: Ah! ‘Tang kasi yung bahay po ng lola ni Clark malapit lang po doon sa shop nila. Ah malayo po kasi yun dito eh. Tsaka mas practical po kung doon muna siya magst-stay habang tinatapos nya yung project. OK lang naman po sa akin yun ‘di ba Clark?
Clark: Mm…
Tatang: Eh kung yun ang gusto nyo kayong bahala. Relasyon nyo yun magasawa. Tuloy mo lang yan Clark hm? Tratuhin mo ng tama si Leah maging tapat ka sa kanya at sa pamilya natin. Approved ka sa akin manugang.
Clark: Cge po ‘tang.
Leah: Hatid na kita. Hatid ko lang siya ha.
Tatang: Cge. Balik ka ha.
Leah: Thank you pala Clark ha. Hindi pa nga alam ni tatang na binigay mo sa kanya yung pera na panalunan mo eh. Magagalit yun ‘di nya papayag. Isosoli nya sa’yo yung pera.
Clark: OK lang. Kahit na hindi mo na sabihin eh. Ang importante makabili ka ng gamot nya
Leah: Thank you ha
Clark: You’re welcome.
Leah: Ah Clark hindi mo naman kailangan bumalik next weekend eh kung nahihirapan ka sa palipat lipat na tinitirahan.
Clark: Yan ka nanaman. Pushing me away again. Leah tanggapin mo na I’m going to be here every weekend. But don’t worry. Wala naman akong demands. If you need time, if you need space. I won’t get in your way. I just wanna be here. OK? So I’ll see you next weekend Mrs Medina.
Leah: Mekeni?
Tiffany: Si Mekeni ba yan?
Leah: Oo manang.
Tiffany: Hala bumalik si Mekeni.
Leah (flashback): Kapag hindi ka na bumalik sa akin. Ibig sabihin kailangan ko ng mag move-on, kailangan ko ng kalimutan si nanang, kalimutan si Clark.
Kiko: Kamusta na kayo ng biyenan mo? Pumasa ka na ba?
Clark: Kahit paano parang OK na kami. At least napapatawag na siyang tatang.
Kiko: Yun!
Axl: Yun! Raks not dead yan!
Kiko: Sir! First base ka na.
Clark: Mabait naman si tatang sol. Gusto nga nya, doon na ako tumira.
Axl: Paano yun boss? Doon ka na titira?
Clark: Hindi. Syepmpre nandito yung shop natin. Nandito yung mga kapatid ko. Nandito kayo. Tsaka ayaw ni Leah eh.
Axl: Bakit sir?
Clark: It’s complicated. Ayaw rin nya ako bumalik. Pero hindi ako susuko. Hindi ako babalik ng States without bring her with me. Or I’ll stay here with her.