Sunday, September 27, 2015

Sampung Bagay Na Natutunan Ko Sa Mga Umiibig


Sampung Bagay Na Natutunan Ko Sa Mga Umiibig

Una
Napakatamis ng mga simula. Ng mga umaga na ang bumubungad sa 'yo ay ang kanyang mukha. Nag-aalmusal ka ng kilig. At hanggan sa gabi ay baon mo siya sa paghimbing. Dito. Dito mo matutunan ang tunay na kapangyarihan ng isang ngiti. Ng ibang kamay na humahawi sa 'yong buhok. Ng mga matang sumisisid sa 'yong kaluluwa.

Pangalawa
Napakadaling makampante at masanay sa pagmamahal. Ang malunod sa kapangyarihan ng kami, ng tayo, ng ikaw at ako. Ang hindi pansinin ang pangangailangan ng kanya. Paano naman ang kanya lang? Paano naman ang ako? Napakadaling malunod sa akalang ang iyo ay mananatiling iyo...

Pangatlo
Mapapagod ka. Pero-

Pang-apat
Sandali, ang tunay na pag-ibig hindi dapat sumuko, 'di ba? Pero-

Panglima
Ang tunay na pag-ibig ay hindi parating sapat. Kapag ang mga pakpak na binigay nito sa 'yo ay bumigat at naging kadenang ni ayaw kang patayuin, kapag ang langit ng pusong minsa'y nilipad mo ay naging kulungang nasa 'yo naman ang susi at kandado pero ayaw mong lisanin...

Pang-anim
Ang pinakamanagsik mang apoy ay mamamatay. Maghanda ka sa sakit. Pero 'wag kang mag-aalaga ng galit, ito ang pangpito. Iiwanan kang puno ng sugat at pilat at paltos nito. Iiwanan kangumuusok sa poot sa kanya, sa mundo, sa sarili mo. Iiwanan ka nitong abo.

Pang-walo
Maghanda ka sa wakas

Pang-siyam
Alam ko, parang hindi ka pa handa sa wakas, wala naman yata talagang nagiging handa sa wakas pero nandiyan na si'ya. At sa wakas- 

Pang-sampu
Mahalin mo pa siya. Sa tingin, sa tanaw, mula sa abo na iniwan ng inyong apoy, mahalin mo pa siya. Pero kung ang pakpak ng pag-ibig ay naging gapos na, kapagang dating langit sa puso mo ay binilanggo ka, mahalin mo siya sa huling pahkakataon - pagkatapos, bitaw na.


(C) Direk Tonette, On The Wings of Love

As Heard on #OTWOLHadlang (28/9/15)

As Heard on #OTWOLHadlang



[Intro]
Sabi nila, ang pagibig daw ay parang isang ibon. Pag pinakawalan mo, lilipad to kung saan nya gusto. At habang lumilipad, maaari siyang makatagpo ng isa pang pag-ibig

Isang pag-ibig na sasabayan siya sa pag-lipad. Mababa man o mataas, mabilis man o mabagal, sa saya o sa lungkot.

Pero paano kung dumating ang panahon hindi na siya pwedeng lumipad kasabay mo?
Paano kung nasanay ka ng kasama siya?
Pero kailangan mong matutong muli lumipad na isa.

[Iwas]
Cullen: Dude, did you hit your head or something? Eh kasi dati rati nagmamadali ka parati umuwi tapos ngayon, gusto mong gu-mimick kay Cullen, the m’boy?
Clark: Ano ba? Gusto mo ba o hindi? My treat.

Cullen: Your treat? OK, come on let’s go. Dude wait lang. Anong ba talaga to? Is there any trouble at home, dude? Tara na, treat ko na. Ikaw to’ng may problem eh. Beers on me.

[Tolayts insecurities]
TM: Hoi. Para kang pasyente sa mental hah.
T: Babaliw na talaga ako yata nay. Si Tiffany, kilalanin ko daw siya muna na mabuti, wag lang daw yung panglabas nya.


TM: Hindi naman yung intsura mo ang tinitignan ni Tiffany eh. Sigurado ako dun anka.
T: Nay, mahal nyo ba ako?
TM: Ba’t nyo tinatanung yan?
T: Eh parang hindi eh. Thank you sa support hah.


TM: Alam mo naman todo suporta sayo nanay mo eh. Makinig ka. Daig ng mabait ang gwapo, at daiding ng matsaga ang mayaman, at higit sa lahat, daig ng totoong nagmamahal ang naglalaru lang.
T: Parang sinabi nyo na rin hindi ako gwapo, di ako mayaman, wala akong kwenta eh nay.
TM: Pero mabuti ka, matsaga at totoong magmahal, di ba? Mabuti ka nga eh, itsura mo lang ang sabagal sa pag ibigan nyo ni Tiffany. Yung iba dyan, naku, ang daming nakaharang, o di ba?
T: Nay, lasing ba kayo?
TM: Hindi, gutom lang


[Cullen’s Advice]
Cullen: Dude, maghihiwalay na ba talaga kayo ni Leah? Kaya mo siyang iniiwasan?
Clark: Yung naman talagang plano from the start
Cullen: Dude, alam mo, sabi nga nila, all is fair in love and war. Ang ibig sabihin, ang pagibig pasensyahan, talo talo. Kahit pinsan mo pa yan.
Clark: Hindi pwede yan bro.


Cullen: Serious advice lang, sa huli you really have to choose between family and love. Kahit sinong pipiliin mo, may nasasaktan ka. Ang tanong nalang, sinong ang masgagawa mo sakat, si Leah ba o ang pamilya mo?


[Get a Clue Jigs! Leah says NO]
Leah: Ilang beses ba natin dapat pagusapan to? Sa telepono, sa skype, sa personal...pareho parin yung sagot ko. Hindi na tayo.Hindi na kita mahal


Leah: Hindi ikaw yung nagbago, Jigs. Ako. Mas marami na ‘kong obligation, mas marami ng adapt akong gawin. Mas maraming pangarap. Mukha lang maganda dito sa America, pero hindi to para sa mga madaling sumuko, hindi to para sa mga hindi seryoso sa buhay.

Leah: Yan Jigs, gawin mo yan. Magbago ka. Pero para sa sarili mo, hindi para sa’kin. Sorry Jigs.


[Avoiding Leah]
L: Juskolord! Akala ko naman kung anu-anong nangyari sa’yo. Alas tres na hindi ka pa umuuwi.
C: Kailangan bang paalam lahat ang lakad ko sa’yo?
L: Hindi naman. Nagaalala lang ako sa’yo.
C: Sorry. Gusto ko nalang matulog.
L: Clark, may problema ba tayo?
C: I’m just tired.


[Abangan]
Leah: Alam ko naman kung bakit siya umiiwas, pero masakit eh.


Tatang: Ingatan mo ang puso mo, bigay mo lang yan sa tao alam mo kaya kang mahalin ng buong buo.

Can you feel my heart breaking?


**This episode was very painful to watch and write. Sakit at bigat sa puso. Gusto kong sampalin at sapain si Jigs!!! Bwisit!**