Friday, October 16, 2015

As Heard on #OTWOLIgibNgPagibig (15/10/15)

#OTWOLIgibNgPabibig (15/10/15)





Clark: Good morning po.
Tatang: Mari-jose. Galit ka ba sa damit? A saan ang damit mo?
Leah: Ay, ‘tang pasensya na hoh ah. E naka sampai pa po kasi yung damit niya e. Nadumihan po kasi kagabi kaya nilabahan ko po.
Tatang: Tolyts, pahiramin mo nga ng damit yan baka mapulmonyah pa yan, kargo pa natin.
Tolyts: Right away ‘tang.


Clark: Leah? Parang medyo...weird ‘to.
Tolyts: Pinahiram ko na nga ng damit choosy ka pa.
Tatang: Halika na Clark. Kumain ka na.
Clark: ...OK

Clark: OK lang ba?
Tolyts: Medyo mas magaling ako magdala sa’yo pero…
Gabby: Mukha kang ewan tito Clark!
Tatang: Ay nako
Leah: Clark halika na, kumain ka na. Paborito mo ‘to
Clark: You Highness sir Sol, kain na po.
Tolyts: Wag kang ma-stress, ganyan lang talaga si tatang.
Leah: Mm, kain na.
Tatang: Ho! Magdasal ka muna.
Clark: Right…
Gabby: Tapos na ako kumain
Clark: Uh...Thank you Lord for uh...the food we’re about to receive… and uhm… thank you for… uhm… this wonderful company… Amen?


Tatang: Clark! Tatawagan ulit kita hah.
Clark: Sige po. Anytime po.
Tatang: Ano ano ano? Your?
Clark: Your Highness Sir Sol
Tatang: Yan! Ganyan! Sige Clark.


Leah: Sa susunod na inimbitahan ka ni Tatang, pwede ka naman tumanggi e. Sabihin mo na lang busy ka, ganun. Tsaka wag mong mapapasindak dun.
Clark: Leah it will be better kung makampante siya sa’kin. Kaya kapag nag-invite siya, I’ll come. Hindi ko susukuan ang tatang mo, eventually I’ll win him over.


Kapit bahay: ...babalik ka hah
Clark: Siyempre naman, I can’t stay away from wifey

Clark: Anyways, I’m gone for the weekend. Manugang duties.


Leah: Ilang araw lang naman e, sa Sunday ng umaga pwede ka ng umalis.
Clark: OK. What do I need to do?
Leah: E ganun pa rin naman. Maging mabait ka lang tapos sakyan mo lahat ng trip ni tatang. Pero higit sa lahat wag na wag kang aamin. Next weekend pwede na natin palabasin na kailangan mo ng bumalik sa America. Para graceful exit ‘di ba?
Clark: Next week na agad? Ganun kabilis?
Leah: Mas makili yung panahon ng pagpapanggap natin mas maliit yung chance na mabuko tayo.
Clark: Sa bagay. I think I need this vacation actually. Parang ang saya saya dito sa inyo. Mukhang ma-enjoy ako dito.


Leah: Clark.
Clark: Wait. Asawa mode - ON! I’m just joking. Pinapangiti lang kita. Feels like forever since I’ve seen you smile. Naintindihan ko naman. I’m just trying to lighten the mood. Kahit medyo corny ang mga jokes ko.
Leah: Salamat Clark hah. Mag survive lang tayo ng weekend nito ng maayos si tatang, maayos din lahat, napapasmile mo na ako
Clark: OK wifey. Push!

Leah: ‘Tang andito na po si Clark
Clark: Good morning po.
Tatang: Buti naman nakarating ka. Welcome to hell.
Leah: ‘Tang
Tatang: Biro lang
Clark: He’s just joking…
Leah: Pasok na po kami sa loob
Tatang: Sige Leah. Ikaw na ang bahala sa asawa mo. Enjoy your stay Clark, in hell. hehehe…


Leah: Clark, pagpasensyahan mo na si tatang hah. E alam mo naman ang mga tatay sinusubukan lang naman nun kung matibay ka kaya sakyan mo nalang hah.
Clark: It’s OK. I’ve been through worse.
Leah: Wag kang magalala. Pagkatapos nito pagluluto ulit kita ng adobo a la Leah.
Clark: Mm. Adobo a la Leah. I missed that. The adobo...and Leah.
Leah: Yan ka na naman e.
Clark: Bakit? Totoo naman. Na miss ko kayo pareho. Pero siyempre, mas na miss kita
Leah: Alam mo, kung ikaw may house rules sa apartment mo, dito din. Rule number one: Bawal ang pa-cute.
Clark: Sinong pa-cute? Ako? Hindi ako pa-cute hah. I can’t help it. Cute lang talaga ako. Ayun oh! Achieve!
Leah: Hmph achieve ka dyan.
Clark: Kaya naman nagpapa-cute ako sa’yo. Pinapangiti lang kita. ‘Di ba effective?
Leah: Ikaw talaga. Papagluto na nga ng adobo hmph.
Clark: With smiley face hah.
Leah: Mm mm.


Tatang: Tignan nga natin kung ganong katibay yang amboy na yan. Baka hindi yan makatagal dito, baka senor senorito yan dito…
Tiffany: Hindi naman siguro ‘tang. Sa America sanay nabubuhay yun mga yun mag-isa
Tatang: E baka naman maarte, maselan
Tolyts: Pakainin natin ng balut, one day old, inihaw na palakak. Para malaman natin kung tatagal yan lumabas ng kaartehan.
Tiffany: ‘Tang, easy lang hoh kayo kay Clark. Asawa yan ni Leah. Parte na siya ng pamilya
Tatang: Ang pagiging parte nga pamilya nito, kailangan pinaghihirapan.
Tolyts: Tama
Tatang: Masyado kasi naging madali buhay niya e. Hindi man lang dumaan sa butas ng karayom. Gusto ko lang malaman kung hanggang saan ang kaya niya. Kung gaano niya kamahal ang Leah ko.
Tolyts: Tama naman yang Mang Sol. Dapat mataas ang standard pagdating sa manugang lalo na yan kung yung nanguna sa kanya katulad ko. Dapat lu-me-vel up siya ‘di ba my labs?
Tiffany: ‘Di ka titigil? Gusto mo pa isang sapak?
Tolyts: Pag galing sa’yo… B’at ganun si Tiffany Mang Sol? Masungit, parang may pinagdadaanan.
Tatang: Wag ka na masyadong makulit. Pasobra yata yung “my labs, my labs” mo dyan e.
Tolyts: ‘Di, parang...parang may problema o ano e.


Kapit bahay: Ang gwapo pero mukhang playboy


Tolyts: Ano brad? OK ka lang?
Clark: Oo brad. OK naman.
Tolyts: Parang kabado ka hah. Tatang Sol?
Clark: Oo. Parang mabigat bigo sa’kin e.
Tolyts: Parang nga.
Clark: Hah? Bakit? May sinabi ba siya sa’yo. Ayaw ba siya sa’kin?
Tolyts: ‘Di wala, wala naman siyang sinabi. Napansin ko lang. Pero don’t worry. Tiyaga lang yan. Teka. Marunong ka ba manligaw?
Clark: Not really.
Tolyts: Ayun! Tuturuan kita manligaw...ng biyenan.


Tolyts: Pakita mo lang na pogi ka na mabait ka pa.
Clark: So anong dapat gawin?
Tolyts: Golden rule - Manilbihan ka.
Clark: Ma-ni-- wha- Ano yun?
Tolyts: It’s the Pilipino tradition of panliligaw
Clark: Paano man-na-
Tolyts: Manilbihan
Clark: Manilbihan. Paano yun?
Tolyts: Service. Sundan mo lang yung mga sasabihin ko pasok na sa banga.
Clark: Push.
Tolyts: Push

Tatang: Naku! Mahina na naman yung tubig. Hanggang tenement dos lang. Mapapaigib na naman tayo.

Clark: Very easy
Tolyts: Very easy? Akala mo lang very easy. Hirap kaya magigib ng tubig kasi paisa isa lang yung punuan ng timba tapos iaakyak mo yan. E siyempre sa taas yun. Kaya mo?
Clark: Yah. Got it.

Tatang: Tiffany, nagpaigib ka na ba?
Clark: Did someone say igib? Maliligo po kayo? Ito po.
Tatang: Salamat
Clark: Ako na po
Tatang: O sige.

Leah: Anong naisipan mo? Bakit ka nagi-igib?
Clark: Kailangan ni tatang e.
Leah: E di sana sa iba mo nalang pinagawa.
Clark: Bakit pa? E akong asawa mo e.
Leah: Kulit. Pero thank you hah. Mm, tubig.

Clark: So ano pa pwede kong gawin?
Tolyts: Itodo mo na kaya pa ang pagigib. Yung dalawang timba gawin mo dalawang dozena.
Clark: Hah?
Tolyts: Mga kapit bahay! Sino pang kailangan tubig pa rin?


Tolyts:
Dito kasi sa Pinas ang panliligaw, buong pamilya pati kapit bahay nililigawan. Gusto mo ma-impress si Mang Sol?
Clark: Gusto
Tolyts: Mahal mo si Leah?
Clark: Mahal
Tolyts: Igib

"Kapag Sinabi Kong Mahal Kita" by Juan Miguel Severo (Rico) Poem available HERE


Tolyts: Ano Mang Sol? Tibay ni amboy noh.


Leah: Anong ginagawa ni Clark?
Tatang: E di napauto kay Tolyts. Pinagibig yung buong tenament.
Leah: Kuya Tolyts ba’t mo naman pinagigib si Clark?

[Abangan]
Clark: He wants me to prove na I’m the right guy for you, and I want to.

Basta driver, sweet lover

Clark: ‘Di ko susukuan ang tatang mo, hindi rin kita susukuan


Leah: Rule number one: Bawal ang pa-cute.

Clark: Kaya naman nagpapa-cute ako sa’yo. Pinapangiti lang kita.


No comments:

Post a Comment