Tuesday, October 13, 2015

As Heard on #OTWOLReunited (13/10/15)

#OTWOLReunited



Gabby: Wow Tita Leah miss ko na adobo mo with smiley face!

Kiko: Sir, hindi pa ba tayo uuwi? Apat na oras na tayo kinakagat ng lamok dito eh, hm? Highblood na yung lamok sa’kin o.
Axel: Oo nga boss, tsaka yung mga tao dun nahahalata na sa’tin o, sasama ng tingin sa’kin lalo na yung kalbo doon, parang insecure na sa long hair ko yun e.
Clark: Sige, uwi na tayo. Maraming pa naman ibang araw.
Kiko: Alam mo sir, b’at di nalang natin puntahan sa kanila?
Axel: Oo nga.
Kiko: Para hindi naman masayang yung mga pinupuntahan natin dito
Clark: Hah? Ayoko magpakita ‘di ba?
Kiko: Hindi, hindi, hindi sir. Hindi ka naman mag papakita. Alam mong eksaktong address ‘di ba?
Clark: Mm.
Kiko: Sisilip silip lang tayo sa bintana, lalapit as apartment nila. Ay sir, alam ko naman na nakita mo lang si wifey buo na ang araw mo e.
Clark: No...it’s too risky. Baka makita niya ako.
Axel: Hindi yan boss. Ang dilim dilim o. Tsaka sa laki pa naman nito ni kiko, co-cover ka nito o. Raks not dead dyan boss, tara!

Tolyts: Magnanakaw kayo noh!
Clark: Hindi!
Tolyts: Sandali, familiar yung mukha mo a
Kapit bahay: Parang tinitignan tayo sa salamin Tolyts a.
Tolyts: Oo nga e. Hindi hindi familiar yung mukha niya.

Axel: Teka lang! Teka lang, may binibisita lang po kami dito e.
Tolyts: B’at lagi ka nakatambay sa labas. Pinoporma mo si Tiffany noh!
Axel: Ako?
Tolyts: Oo
Axel: Sinong Tiffa- Hindi! pinupuntahan lang namin yung missus niya si Leah
Baranggay: Leah? Leah?....
Leah: Clark?
Clark: Leah!
Tolyts: Sinungaling yan….*gulo*
Leah: Kuya Tolyts! Hindi! Kuya Tolyts sandali lang. Sandali. Hindi sila magnanakaw
Baranggay captain: Leah totoo ba? Asawa mo ‘to?
Leah: Pwede po bang sa susunod nalang ipapaliwanag?
B. Capt.: May asawa ka na Leah?
*gulo*
Tatang: Leah! Ano yan!?

Tatang: Kailan nangyari ‘to? B’at hindi ko alam? Kinasal ang anak ko na wala akong kaalam alam?
Tiffany: Tang, relax lang po. Yung puso niyo.
Tatang: Itong kasi..kapatid mo eh!
Leah: E ‘tang, balak ko naman sabihin sa inyo e. E hindi nga lang po sana ngayon. Naalala ko lang naman po kayo e. Bawal po sa inyo magalit.
Tatang: E talagang magagalit ako! ‘Di ba may usapan tayo? Wag kang ma-i-in-love sa America. Tapos malalaman ko ngayon may asawa ka na?
Clark: Tatang Sol.
Tatang: Wag mo akong matawag tawag na tatang a!
Clark: I’m sorry...Sir Sol. Hindi po namin in-expect na ma-i-in-love kami. We even tried to fight it. Pero mahal po talaga namin ng isa’t isa.

Tolyts mum: Si Leah natin? Nagasawa na? Jesus Mariosa Kailan pa?
B. Capt: Naku ‘di ko nga alam sa batang yan e. Kahit si Mang Sol hindi alam.
Kapit bahay: Hoi, in fairness kay bunso a, jusko ang galing pumili, ang gwapo, ang pogi pogi.
Kapit bahay: Tangus yung ilong, ganda yung mata

Tatang: Isang linggo ka na dito sa Pilipinas at hindi mo alam na nandito na pala si Leah!? Bakit? Magkahiwalay ba kayo?
Clark: No, we had a fight sa San Francisco. Bago pa siya umuwi. She wanted space. Kaya po hindi ako nagpapakita.
Leah: Opo ‘tang. Yun po talaga yung usapan namin.
Tatang: Yan ang sinasabi ko sa mga...sa mga instant wedding na yan e! Wala pa kayong isang taon away na kayo ng away tapos meron pa kayong i-space space nalalaman. Kayo talagang mga kabataan. Hindi ba lagi kong pinangaral sa inyo, sagrado ang kasal! Anong nangyari sa pangaral na yun Leah? At ano yung susunod? Hiwalayan?
Leah: E ‘tang. Yung puso niyo po, relax lang. Nagaway lang naman po kami, hiwalay agad? Hindi po. E ang totoo po yan ‘tang, bati na po kami. ‘Di ba hubby? Bati na tayo hah? Sorry na. Bati na tayo.
Clark: Sorry din wifey… Leah, I’m really sorry.

Leah: Bakit mo ba kasi sinabi kay Kuya Tolyts na magasawa tayo?
Clark: ‘Di naman ako e. Si Axel.
Leah: Sino si Axel?
Clark: Kasama ko siya sa shop namin. He had no choice. Nakornak kami ng mga tao
Leah: E, ano ba kasing ginagawa niyo dito Clark? Tsaka bakit ka nandito sa Pilipinas?
Clark: Yung client ko sa San Fo nagpapagawa ng furnitures sa mga coffee shops na itatayo nila dito. Nag leave muna ako sa mga trabaho ko sa San Fo. Leah I’m really sorry kung naging malaking gulo ito. I never meant for any of this to happen, believe me. Wala talaga akong plano magpakita sa’yo e. I just wanted to know if you were alright. That’s all. Leah, you’re my wife and I love you. You can’t blame me for wanting to see you…. Hindi mo na pala sinusuot yung wedding ring natin.
Leah: Mahirap na e. Ayokong malaman ni tatang ng hindi ako handang sabihin sa kanya.
Clark: Pero ngayon. Alam na ni tatang. Kailangan mong suotin ulit Leah. Baka maduda pa siya na hindi ‘to totoo.
Leah: Sa bagay. Tama ka.
Clark: An dyan pa ba yung singsing? ...Akin na. Leah I’m here for you. Kung natatakot ka, matatakot kang kasama ako. Kung nahihirapan ka, mahihirapan ka ng kasama ako. Sa’yo pa rin ako.

Axel: Kung hindi ako nagsalita kanina kukuyugin kami ng mga kapit bahay niyo e. Actually Ms Leah, lagi kami nakatambay dito sa labas dyan sa may-
Clark: Shhhhh!!! Axel!
Leah: Lagi kayo nandito?
Clark: Hindi naman lagi…minsan lang, pag may time.

Clark: Leah, pwede ba tayo magusap? Sandali lang.

Tatang: Saan niya ba nakilala ng lalaking yan hah? Hindi nga natin alam kung anong klaseng tao yan e.
Tiffany: E pinsan po siya ni Jigs. ‘Tang wag mo na kayo mag alala. Mabait naman po si Clark.
Tatang: Pinsan ni Jigs? At kilala mo? Pinakilala sa’yo? Ako nalang ba walang kaalam alam sa kahit ano dito?! Yun ba yung iniiyakan ni Leah?
Tiffany: ‘Tang, relax po muna kayo.
Tatang: Kung maayos na tao yung Clark na yan. Bakit sila nagaway ni Leah? Bakit niya pinapaiyak ng bunso ko?

Clark: Kamusta ka na?
Leah: Yung totoo Clark? ‘Di pa rin OK. Ang dami kong iniisip, ang kong mga problema.
Clark: I just want you to know if I can help in any way, I’m always here.
Leah: Salamat Clark hah. Pero sa tingin ko, hindi dapat muna tayo magkita eh. Hindi ka na dapat pumunta dito. Lalo lang tayo mahihirapan yan.
Clark: Leah I respect your decision. I understand you need space. But I want you to know if ever you need any help, lagi naman ako nandito para sa’yo.
Leah: Mas importante yung mga pamilya natin Clark. Si Jigs at si tita Jack, sana maging OK na kayo.
Clark: Paano na yung tatang mo? Ngayon alam na niya na magasawa tayo. What are we supposed to do?
Leah: ‘Di ko alam. Bahala na. Hahanapan ko nalang ng paraan para malusutan natin ‘to. Sige hah. Kailangan ko pang kausapin si tatang e.
Clark: Leah... Kung kinakailangan, pwede naman natin panindigan yung pagiging magasawa sa harap lang ng tatang mo. Not for anything else. Gusto ko lang makatulong.

Tolyts: E akala nga namin magnanakaw.
Tiffany: Magnanakaw? Yung mukhang yun? Hindi mo ba naalala yun ang pinakasalan ni Leah.
Tolyts: E sorry ang dami kasing ganun mukha e nakalimutan ko na. Tsaka teka, b’at ka nagagalit sa’kin? Hindi naman akong nagsabi kay Mang Sol na kasal na sila.
Tiffany: Naku! Mapapatay ko talaga kung sino tange na kasama ni Clark na yan. Pag may nangyari masama sa tatang ko hah, makikita niya, ganitong gagawin ko.

Tolyts: Aray ko. My labs ang sakit. Aray ko.
Tiffany: Sorry, sorry. OK ka lang ba?
Tolyts: OK lang my labs...basta galing sa’yo
Tiffany: Ewan ko sa’yo.


Leah: ‘Tang
Tatang: Sabi mo, kaya ka umuwi dito dahil gusto mong alagaan ako. Yun pala dahil nag-away kayo ng...ng asawa mo
Leah: Kayo naman po talaga yung dahilan kung bakit ako umuwi e. E ino-operahan pa lang po kayo gustong gusto ko na po talagang umuwi.
Tatang: Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala e. Totoo ba ‘to? May asawa ka na? Anak, papatay mo ba ang tatang mo, biglain mo ako ng ganito? Wala ka naman mapasakali ah.
Leah: Eh balak ko naman po talaga sabihin sa inyo ‘tang e. Naunahan lang po ako. Inaantay ko lang po na gumaling kayo bago po ako sabihin sa inyo.
Tatang: Dapat sinabi mo sa’kin bago ka nagpakasal. Hindi ka naman nagpaalam sa’kin. Hindi mo ako sinabihan. Ano ba ako dito? Adorno? Tatang niyo ako. Walang kuwenta sa inyo opinion ko?

Tatang: Nalungkot ako noon pero naisip ko e ganun talaga yun. Pero at least doon, hinanda kong loob ko. Pero dito Leah, hindi mo ako hinanda para dito
Leah: E tang. Sorry po talaga natakot lang naman po kasi ako na ma disappoint kayo e. Wala naman po talaga sa plano ko na magpakasal doon sa America. E kaya lang po nangyari na e.
Tatang: Sigurado ka ba dyan? Ilang buan pa lang kayo magkakilala. Kilalang kilala mo ba yan? Hinayaan kasal pinag-iisipan yan, hindi yan biglaan.
Leah: Wag po kayo magaalala. Hindi po ako nagkamali ng pinakasalan. Mabait po si Clark ‘tang.
Tatang: E ano pa magagawa ko nan dyan na yan eh. Pero totoo, mahal mo bang lalaking yan? B’at hindi ka makasagot?
Leah: Opo ‘tang. Mahal ko po siya ‘tang.
Tatang: Ganun gusto kong makilala lalaking yan. Gusto kung masiguro kung matino siya at kung totoong mahal ka niya.

[Abangan]
Tatahg Sol vs Clark
Tatang: Kapag lasing ang tao mas lumalabas ang totoong ugali. Kaya magkakaalaman talaga

Tatang: Anong trabaho mo sa San Francisco?
Clark: Macho dacner hahaha..ha..joke lang po

Tatang: Hindi porket kasal na kayo otomatik na tanggap na kita

Leah: Hindi mo naman siyang kailangan inimpress, kailangan lang natin siyang i-convince.
Clark: Na mahal kita? No acting required. I’ll show you.



Leah I’m here for you. Kung natatakot ka, matatakot kang kasama ako. Kung nahihirapan ka, mahihirapan ka ng kasama ako. Sa’yo pa rin ako.


No comments:

Post a Comment