#OTWOLHotSeat (22/10/15)
Leah: ‘Tang? ‘Tang patawarin nyo na ho ako. Hindi ko naman ho gustong saktan kayo eh. Ginawa ko lang ho yun para hindi kayo magalit. Para hindi po maagrabiado yung puso nyo.
Tatang: Ang hirap sa inyo. Tingin nyo ang hina hina nitong tatang nyo.
Leah: Sorry po ‘tang
Tatang: Ano ngayon gagawin nyo? Tungkol sa fixed marriage na yan.
Clark: Actually sir Sol. Hindi lahat po dun fake. Nagsimula lang po kami ganun. Pero iba na po ngayon.
Leah: Clark wag na
Tatang: Ituloy mo sasabihin mo
Clark: Ng magsama kami, we got to know each other...and we fell in love...for real
Leah: Clark pwede bang ako magkwento sa kanya?
Clark: Leah he has to know my side too.
Leah: Eh ang importante lang naman dito paalisin ka na niya eh.
Clark: Hindi nga ako aalis ‘di ba? Sabi ni tatang mo gusto nya ako makilala
Leah: Alam nya na yung totoo Clark.. Kaya hindi na natin kailangan magpanggap na magasawa
Clark: Who’s pretending? Not me. Totoo naman tayo magasawa
Leah: Ayaw ni tatang ng fixed marriage Clark. Fixed marriage yung kasal natin kaya ngayon papayag na siyang umalis ka.
Clark: Eh ayokong umalis. Mahal nga kita eh.
Tatang: Eh pep..sandali sandali. Wag na kayong magaway. Ang gulo nyo eh. Leah ikaw muna. Magusap tayo sa loob. Ngayon na. Clark, ikaw susunod.
Tatang: Hindi ka ba nagaalangan na mag pinsan si Clark at si Jigs?
Leah: Eh nagalangan po ‘tang. Kaya lang kasi nung nagsimula po ‘to split na po kami ni Jigs tapos yung kasal naman po namin ni Clark wala naman po ibig sabihin yun ‘tang. Para lang po talaga sa greencard.
Tatang: Anong istado nyo ngayon.
Leah: Hiwalay na po kami ‘tang. Kaya po ako umuwi dito sa Pilipinas. Eh kaya lang ho nung nalaman nyo ho na magasawa kami, wala po kaming choice. Pinangatawanan na po namin na magasawa kami para po sa inyo.
Tatang: Bakit kayo maghihiwalay?
Leah: Ako ho yung may problema ‘tang eh.
Tatang: Anong problema mo?
Leah: Eh isa ho dyan yung...yung sa kanila ho ni Jigs. Eh nagaway ho sila magpinsan eh. Ayoko ho sila magkagulo ‘tang dahil sa akin. Ayoko ho sirain yung pamilya nila.
Clark: Hindi nya po winasak yung pamilya namin. Alam kong maintindihan kami ni tita Jack. Pero si Jigs...he just has to accept na hindi siya mahal ni Leah. Alam ko pong mahirap ang pinagdadaanan ni Leah. She needed her space. Binigay ko po yun. I tried to stay away from her. I tried to forget. Pero hindi ko po kaya.
Leah: Habang nandito ho si Clark, lalo lang akong nahihirapan paninindigan yung desisyon ko eh.
Tatang: Ito lang ang tanong. Mahal mo ba si Clark? Mahal mo bang asawa mo? Ano?
Leah: Opo ‘tang. Mahal ko po si Clark.
Clark: Sir, I love your daughter. I would do anything for her. At kahit na hindi po siyang handa tanggapin ako ngayon sa buhay niya, ako...handa po ako maghintay. All that I ask is that she doesn’t push me away.
Leah: ‘Tang hayaan nyo na ho umalis si Clark. Kasi hindi ko po alam kung...kung handa na ho ako para sa kanya eh. Magulo pa po yung isip ko ngayon.
Tatang: Ganyan ang magasawa. Nagdadamayan. Kung may problema pinagtutulungan.
Leah: ‘Tang.
Tatang: Leah asawa mo si Clark. Ganyan ang asawa. Nan dyan pag kailangan mo. Pag ‘di mo kailangan, ‘an dyan pa rin. Kaya kung ayaw mo siyang kausapin, hayaan mo nalang. Pero wag mo siyang itaboy palayo. Ganyan ang magasawa habambuhay na konektado sa isa’t isa. Sabi nga nila, in sickness and in health, for richer or for poor ikanga, til death do you part. Kaya hindi aalis si Clark. Ayusin nyo yan.
Clark: Sir Sol. Thank you po.
Tatang: Para saan?
Clark: Kahit po alam nyo yung totoo hindi nyo ako pinagaalis. Kahit yung po ang gustong mangyari ni Leah.
Tatang: Dahil ganyan ang magasawa. Hayaan mo lang siya. Pero an dyan ka lang para sa isang tabi. Ready ano man oras. Pero wag kang kampante amboy. Dahil hindi ka pa abswelto sa akin. Kailangan patunayan mo pa rin sa akin na karapat dapat ka sa bunso ko.
Clark: Wag po kayo magaalala. Gagawin ko po ang lahat para patunayan sa inyo just how much I love your daughter.
Tatang: Oh ba’t ka nagmumukmok dyan? Ayaw mong desisyon ko?
Leah: Eh nahihirapan ho kasi ako ‘tang eh.
Tatang: Ano bang mahirap sinasabi mo? Leah dba sabi ko sa’yo. Ibigay mo lang ang puso mo sa taong kaya kang panindigan. At mamahalin ng buong buo. Naninindigan na para sa’yo ang asawa mo. Sana naman ganun din ang gawin mo para sa kanya.
Leah: ‘Tang mahal ko ho si Clark. Wala hong duda doon. Alam ko hong iniisip nyo na napapakipot ako na nag iinarte, pero hindi ho ‘tang. Alam ko ho na maswerte ako kasi ako yung piniling mahalin ni Clark.
Tatang: Eh yun naman pala eh. Alam mo matindi din yan si Clark, ang daming gimik. Maparamdam nya lang sa’yo kung gaano ka nya kamahal.
Leah: Kahit hindi naman dapat. Kasi the more na ginagawa nya yung mga yun lalo akong nahuhulog sa kanya eh. Yun ho yung pinipigilan kong mangyari ‘tang eh.
Tatang: Alam mo anak, kung si Jigs ang pino-problema mo, wag. Hindi mo naman pinagsabay yung dalawa. Wala na kayo ni Jigs bago ka lumipad ng America. Wala kang sabit nung kinasal kayo ni Clark.
Leah: Eh hindi lang ho kasi si Jigs yung iniisip ko ‘tang eh. Si tita Jack. Siya ho yung tumayo nanay-nanayan ko sa America. At ayoko ho siyang saktan. Pati ho si Clark, ayoko din hong saktan. Eh yun ho yung mangyayari kapag nanggulo si Jigs. Mahalaga ho ang pamilya ‘tang. Kayo ho nagturo sa’kin yan. Eh ayoko hong makasira ng pamilya katulad nalang ng ginawa ng...ng mga...ng mga taong [nagsira?] mga pamilya.
Tatang: Naintindihan ko na. Sa isang banda tama ka naman. Pero alam mo anak, mula nung bumalik ka dito, mula nung umiiwas ka kay Clark, nawala na yung masayahin kung bunso. At alam mo kung bakit? Dahil nilalayo mo ang puso mo sa pag-ibig. Kaya wala kang sigla, hindi ka masaya. Leah, ang pusong hindi umiibig, unti-unting namamatay. Wag mong hayaan mangyari yun.
Clark: Leah, if you want space, I’ll give you space. Hindi kita papakialaman. I just...I just wanna be near you. That’s all I’m asking.
Leah: Hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag sa’yo yung pinagdadaanan ko dahil kay nanang. Masama yung loob ko...galit ako...malungkot. Takot ako kasi baka mamaya maulit na naman yung ginawa sa amin ni nanang. Isang araw, iwan ulit ako ng taong mahal ko. Natatakot ako na baka pag nangyari ulit yun hindi ko na kayanin.
Clark: Leah, hindi kita iiwan. Hindi kita sasaktan. I love you.
Leah: Sa ngayon yung ang nararamdaman mo. Paano bukas? O sa isang bukas? Sa isang taon? Nagbabago ang tao Clark. Lahat ng mga bagay walang kasiguraduhan.
Clark: You’re thinking too much. Wala ka bang tiwala sa akin?
Leah: Alam mo kasi yung...yung feeling na kahit sino hindi mo na magpakatiwalaan. Kasi kung sarili mong nanay nagawa kang lokohin, nagawa kang iwan...paano pa kaya yung ibang tao?
Clark: I’m not giving up on you. Papatunayan ko sa’yo na mali ka. You don’t need to be afraid. You can trust me. I will do my best to make you believe in us, to make you believe in love again. OK?
Jigs: Pwede nyo ba bantayan si Clark? Siguraduhin nyo lang na hindi nya pinopormahan si Leah.
Rico: Jigs tigilan mo na yan. Hayaan mo na siya kay Clark.
Rico: Jigs. Hindi sa’yo si Leah.
Rico: Labas ako dyan pare, hindi ko yung susuportahan yung si Jigs.
Tolyts mum: May talent portion naman eh, doon ka nalang bumawi.
Tolyts: ‘nay naman eh.
Mama Lulu: Well, well, well..I think we’ve found our Ginoong Tenement 2015
Captain: Clark smile.
All: Ah yun!
Tolyts: Sasali ako! Sm-smile din ako!
Tolyts mum: Smile din anak. Anak smile din
Clark: Ako? Isasali nyo sa contest?
Mama Lulu: Oh ba’t naman-Oh tignan mo nga, yung itsura mo pasok na pasok sa banga ‘di ba?
Clark: Pwede kaya iba nalang. Shy type ako eh baka mapahiya lang kayo sa akin.
Mama Lulu: Walang problema, walang problema. Ako bahala sa’yo. Ite-train kita. Tuturuan kita kung paano tumayo. Tapos ganun ka kakaway. Oh bonga bonga nga.
Captain: Clark. Kailangan ka ng Tenement Uno. Matagal na kaming sumasali sa contest pero hindi kami nananalo. Ngayong taong ‘to malakas ang kutob ko na mananalo tayo dahil sa’yo Clark. Utang na loob Clark sumali ka na.
Tolyts: Cge na Clark sumali ka na. Para manalo naman yung tenement tsaka lagi nalang kaming thank you for joining eh. Alam mo yung pag nanalo kami, 20’000 din yun para sa’yo tsaka sa amin. Tsaka family outing.
Clark: Sorry po. Hindi ko po talaga kaya. Sorry.
All: Clark…
Mama Lulu: Teka teka teka...Sol, paano ba ‘to. Itong manugang mo oh ayaw irepresent yung barangay natin sa contest, paano ba yan?
Tatang: Ba’t ayaw mo sumali Clark? Wala kang pakisama sa amin? Nakakawalang gana naman.
Clark: Hindi po tatang. Ay! Sir Sol. Your Highness Sir Sol...Sasali na po ako.
Tatang: ...Oh mga kasama. Sasali na si Clark!
Mama Lulu: Buti naman napapayag mo.
Tatang: Eh yan naman ang masaya sa amin mga biyenan eh. Nakakaya kaya mga manugang. SASALI SI CLARK!
All: Yeah!
No comments:
Post a Comment