#OTWOLTooGood (23/10/15)
Leah: Pumayag ka?
Clark: Wala akong choice. Ayokong magalit sa akin ni tatang mo at ma-disappoint yung buong barangay.
Leah: Hay Clark…
Clark: Leah. I’m also doing it for me. I want your father to like me. To approve of me.
Leah: Hindi na kailangan ‘di ba? Hindi ka naman magtatagal dito eh.
Clark: As long as we’re married, he’s still my father-in-law. Gusto ko makita nya na we’re good for each other. And if you can’t see that, I want him on my side to fight for us. Tsaka like what he said. Ayusin natin ‘to. ‘Di ba? Come on. How bad could it be?
Clark: My name is Clark Medina...ah...pretty boy amboy ng Tenement Uno.
Mama Lulu: Anak kumain ka ba? Wala kang kaalertoy-lertoy[?].
Mama Lulu: Dapat open. Dapat confident. Relax at dapat maniwala ikaw ang mananalo Ginoong Tenement 2015. OK?
Clark: Ako si Clark Medina. And this is my beautiful wife, Leah.
Leah: Clark!
Mama Lulu: Excuse me. Tuwing dumeretso tayong rehearsal. Practice ‘to eh oh?
Captain: Kailangan talaga manalo ang mga manok natin dyan sa pretty boy na yan.
Mama Lulu: Ano kaya kung padala natin yung judges ng kakanin.
Leah: Mama Lulu, tingin ko naman po kaya natin manalo ng hindi ng dadaya eh.
Tolyts Mum: Tama!
Mama Lulu: Ito bilib na bilib sa Mr nya oh.
Tolyts Mum: At kay Tolyts
Mama Lulu: Ay ‘sus.
~Tawa~
Tolyts Mum: Grabe kayo ha sa anak ko.
Captain: Hindi teka. Paano nga. Pag yan Tenement Tres na yan nanalo na naman, ay naku, makakalbo ako.
Mama Lulu: Wag natin hayaan mangyari yan. Oh so anong gagawin natin?
Leah: Eh ‘di ba bukod po sa judges decision malaking points din yung..yung tickets na binili para doon sa mga contestant?
Captain: Tama. Kasi yun ang fundraising ng simbahan.
Leah: Oh eh di bumili po tayo ng maraming tickets para kay Clark tsaka kay Tolyts.
Captain: Leah wala naman akong ganun karaming pera para pambili ng tickets.
Leah: Eh di mag benta tayo ng mga tickets sa mga taga labas.
Captain: Pwede.
Leah: Dapat mangampanya tayo para kay Clark tsaka kay Tolyts.
Leah: Gagawa tayo ng mga posters, mga flyers...tapos bibigay natin sa taga parokya.
Leah to Clark’s poster:
- Ano ba wag ka ngang ngumiti dyan baka [?]
- Ano ba wag mong ako titigan. Nakakainis…
- Ano ba Clark? (Kasamang sampal) Nakakainis! Tigilan mo na ako sa pagpa-cute mo na yan.
- Ano? Anong kiss ka dyan. Ayoko nga. Ano naman ito. Wag ka nga.
Leah: Kamusta? Kaya mo pa?
Clark: Oo naman. Nandito ka na eh.
Mama Lulu: ‘Sus. Oh ang sweet oh nakakakilig kayong dalawa ha. Ano pag andyan talaga ang jowa, ang energy hanggang ceiling oh.
Tatang: Mukhang seryoso si Clark sa ginagawa nya ah.
Leah: Hindi lang ho yung makatanggi sa inyo ‘tang.
Tatang :Eh syempre, biyenan nya ako eh. Takong kamusta ngai yung problem mo? Ayos na ba?
Leah: Naku ‘tang. Malayong malayo na ho yung problema ko. Kayak de i tulin(?). Kaya wag magalala
Tatang: Eh kampante naman ako na maraming nakasuporta sa’yo. Si manang mo, si Clark. Sigurado ka bang hindi si Clark ang problema?
Leah: Hindi ho si Clark ‘tang
Tatang: Kapag hindi ka na tina-trato ng tama ng asawa mo sabihin mo na sa amin. Kapag mga ganyan kasi na too-good-to-be-true, madalas sa loob ang kulo yan eh.
Leah: Pero totoo po ‘tang si Clark too-good-to-be-true yun. Pero totoo yun. Mabait po na tao si Clark ‘tang. Tsaka sincere. Lahat po na sinasabi nun tsaka lahat po ng ginagawa nun, sincere yun. Hindi nyo nga ho natanong nun na sa America ako, nung nagiipon ho ako ng pang-ospital nyo sinalo ho nya yung trabaho ko. Tapos kasama ko din po siya sa pagdadasal sa inyo.
Tatang: Ganun ba?
Leah: Opo ‘tang. Si Clark po. Na sa kanya na lahat ng hinahanap ko sa lalaki eh. Wala na po akong hihingin pa.
Clark: Sorry. I didn’t mean to eavesdrop.
Leah: Uh...OK lang. Chika lang naman yun eh. Pinapakampante ko lang yung...yung loob ni tatang para sa’yo. Para...payagan nya nang umalis...oo.
Clark: Eh ‘di ba mas papaalisin ako ng tatang mo kung ayaw niya sa akin? Anyways, thank you for saying those things about me. Kahit chika lang. Especially that part, what did you say? Na sa akin na lahat ng hinahanap mo sa isang lalaki.
Leah: Hoy wag ka mag-feeling Clark ha. Yun yung pinaka-chika sa lahat.
Clark: Eh di chika.
Leah: Oh syanga pala. Kamusta nga pala yung business nyo? Yung mga project nyo na furniture so coffee shop ba yun?
Clark: Yun na sa finishing stages lahat ng chairs at tables. Tapos may mga shelves at racks pa kami gagawin. Then we start the interior design. Actually dapat nanguna nga yun. Kaso matagal nun deal with the owner of the building. Kaya pinauna ni Diana yung mga furniture.
Leah: Mabuti naman kung ganun. Sana lumaki pa yung business nyo.
Clark: Pag sinwerte at ma-sustain namin yung kita, may be I won’t have to go back to San Francisco. Mag fu-full-time nalang ako sa shop namin.
Ayaw mo na ba talaga bumalik sa America? Eh sayang din naman kasi yung kikitain mo tsaka doon ka lumaki ‘di ba? Nandoon yung buhay mo.
Clark: Nandito naman yung pamilya ko. Yung mga mahal ko sa buhay and who knows maybe one day I’ll earn more money here.
Leah: Eh gusto mo na ba talaga dito? Traffic, mainit, mausok, maliit pa yung kita kumpara sa America.
Clark: Actually I really don’t care where I live. Basta kasama ko ang mga mahal ko...tulad ng mga kapatid ko. Ang dami kong utang sa kanila. Ang tagal namin hindi nagkasama.
Leah: Eh ‘di ba balak mo sila i-petisyon?
Clark: Well, that was the original plan. Eh yun nga. Plan B I’ll stay here. Kasama sina Jordan at Jenny...kasama ka.
Leah: Clark
Clark: Leah, nung sinabi ko kagabi. I meant every word. Papatunayan ko sa’yo na wala kang dapat ikatakot. Kasi mahal na mahal kita.
~Phone Rings~
Tatang: Oh Clark.
Clark: Sir Sol. Gising pa pala kayo.
Tatang: Ewan ko ba. Ang mga naba-bypass daw madalas may insomnia eh. Eh si Leah tulog na?
Clark: Uh...naghihilik na po.
Tatang: Eh next weekend na pala yung contest noh. Buti naman pumayag kang sumali. Alam mo malaking bagay para sa mga taga dito yung mga ganun eh. ‘Di mo itatanong, nung kabataan ko, minsan din ako sumali sa ganyan.
Clark: Ay talaga po?
Tatang: Naku isang beses lang. Napilitan lang dahil wala ng iba eh. Pero naging first runner-up naman
Clark: Mahirap po ma-imagine. Kayo, sumasali sa mga contest na ganun.
Tatang: Bakit? Hindi ka naniniwala magandang lalaki ako noon?
Clark: Hindi naman ho sa ganun.
Tatang: Oh halika meron akong ebidensya. Halika.
Tatang: Gusto ko ibigay sa’yo yung tip natutunan ko. Kaya siguro ako nanalo.
Clark: Ano ho yan?
Tatang: Sabi nila pag babae daw ang judge, kindatan mo. Ah?
Clark: OK
Tatang: Pag lalaki naman, o tomboy, saluduhan mo. Kapag bading, mag flying kiss ka. Ha?
Clark: Seriously
Tatang: Alam kong baduy pero mukhang nakatyamba naman ako nung sinunod ko yun eh. Malay mo baka makatulong din sa’yo. Ay sya nga pala. Ba’t di mo imbitahan yung pamilya mo sa fiesta? Para naman makilala ko yung mga parents mo.
Clark: Actually patay na po yung nanay ko. Pati yung stepfather ko. Yung totoong tatay ko naman, ano, na sa San Francisco. Pero hindi nya ako in-acknowledge na anak nya.
Tatang: Ah ganun ba? Eh sinong nagpalaki sa’yo?
Clark: Yung nanay ko po, bago po siya namatay. I was thirteen. Tapos si tita Jack. You’ve probably met her.
Tatang: Ah, mabait yun. Si Jack
Clark: I would always tell Leah kahit wala yung nanang nya, at least she has you. Thanks.
Clark: Hindi pa alam yung mga kapit bahay yung totoo ‘di ba? About our marriage? Are you going to tell them?
Leah: Hindi na.
Captain: Clark, next weekend ha yung contest.
Mama Lulu: Agahan mo yung balik ha para mapag-practice tayo.
Clark: Cge po. Mauna na po ako.
Mama Lulu: Bye bye
Clark: Bye wifey.
Tolyts: Ay ganun lang yun? Parang friends lang wala man lang goodbye kiss like muacks?
Qualifications for the Best Hubby Ever
Super hero ng buong barangay!
Close sa biyenan.
Umaapaw sa sweetness.
No comments:
Post a Comment