#OTWOLConfession (21/10/15)
Tatang: Dito sa Pilipinas, hindi ka pinoy pag hindi kang marunong kumain ng tuyo.
Leah: Hindi po kasi ‘tang, eh a~
Clark: Ah, opo tatang Sol. Kumakain po ako yan.
Tatang: Ah excuse me. Anong tawag mo?
Clark: Ah! Your Highness sir Sol
Clark: Matagal na pong hindi, uhm mula nung nag States ako. Pero nung po bata ako, laging nagluto ng ganyan ng lola ko.
Tatang: Ah Ok. Akala ko maarte ka eh. Oh cge kain na, kain na tayo...Yan. eh marunong ka pala eh. Dapat ganyan. Mas masarap ang tuyo kapag kinakamay. Ano? Masarap?
Clark: Sarap…
Tatang: Mm Leah. Ba’t hindi mo ihain yung adabo? Oh cge kunin mo yung adabo. Patikim mo sa asawa mo
Leah: Cge po ‘tang
Tatang: Patikim mo kay amboy. Sayang. Ako pa naman nagluto yan.
Clark: Hah, favorite ko ‘to...hmm masarap. Leah tikman mo. Iba sa adobo mo pero masarap din.
Leah: ‘Tang? Anong klaseng adobo ho ba ‘to?
Tatang: Adobong sawa. Bakit? masarap naman dba? Parang manok. Hehe...niloko lang. Adobong manok yan. Uto uto ka rin noh?
Leah: ‘Tang naman e
Clark: Akala ko may galit kayo sa akin kaya pinakain nyo ako ng sawa kasi ina-”sawa” kong bunso nyo…… Charot lang.
Gabby: Charot
Tiffany: ‘Tang. Fiesta na pala sa katapusan wag na tayo maghain, wala naman tayo visita eh.
Tatang: Oh, ‘tong si amboy.
Leah: Ah, ‘tang. Aalis na kasi yan si Clark eh. Hindi na po siya aabot sa fiesta.
Tatang: Huh? Aga naman. Hindi pa kami tapos magbonding ng asawa mo, babalik ka sa America?
Clark: Oo nga po eh. Gusto ko nga sana talagang matagal dito.
Leah: Uhm...trabaho po kasi yun ‘tang eh. Baka hanapin po siya ng cliente nya.
Clark: Hindi naman. Itatanong ko sa client kung pwedeng next weekend nalang akong umalis. After the fiesta.
Tatang: Oh yun naman pala eh. Sana payagan ka ng cliente mo.
Clark: I’m sure she won’t mind. Tsaka may mga pinapadagdag pa sa’kin na projects kaya there’s a possibility na hindi na ako umalis dito.
Tatang: Mabuti kung ganun. Mahirap yung long-distance relationship. Nasubukan ko na yan. Para ‘kong pinapatay kapag namimiss ko si Rona. Ang sakit pero wala kang magawa. Kaya kung ako sa inyo, magsama nalang kayo kaysa maglayo.
Leah: Dapat hindi ka sumunod sa gusto ni tatang eh.
Clark: Tumutupad lang ako sa usapan. Ang usapan namin ni tatang Sol isang buwan~
Leah: Gumagawa na nga ako ng lusot eh. Pakipag-cooperate ka naman noh. Gusto mo yata akong pahirapan eh.
Clark: Bakit ka kasi nahihirapan? Dahil ba sa akin? Dahil nandito ako? Bakit Leah? Ano bang ginawa ko sa’yo? Why do you keep pushing me away?
Leah: Hindi naman ikaw yung may problema eh. Ako. Dba sinabi ko naman sa’yo kailangan ko ng space?
Clark: I understand. Wala naman akong hinihingi sa’yo eh. I just want to be with you. Is that so hard?
Leah: Oo. Nahihirapan. Ako. Kasi tuwing nakikita kita naalala ko yung dati. Naalala ko yung San Fo. Bumabalik lahat na nararamdaman~
Clark: ~yung nararamdaman mo sa’kin. You still love me Leah. I know you do. You still love me.
Leah: ….Hindi
Clark: That’s not true. I could see it in your eyes.
Leah: Hindi na.
Clark: Mahal mo pa din ako.
Leah: Mahirap maintindihin yung nararamdaman ko, yung pinagdadaanan ko. Umalis ka na. Please.
Clark: No. Like I said. May kasunduan kami ni tatang. He wants me to stay, so I’m staying. Kahit ayaw mo pa.
Leah: Kung hindi ka aalis, ako mismo yung gagawa ng paraan para umalis ka
Tolyts: ‘Di mo naman alam kung may nagawa ka o ano. Gusto mo naman kausapin ayaw ka naman..ayaw naman pagusapan.
Clark: Pag pinagusapan nyo naman, sasabihin sa’yo na hindi ikaw yung may problema, siya. How am I supposed to solve that? What can you do?
Tolyts: Dba? Pilas, si Leah ba yan? May problema ba kayo magasawa?
Clark: Ikaw? Si manang Tiffany ba yan?
Tolyts: ‘Di naman siya ganyan dati. Dati magkaibigan kami, ngayon naiiwasan nya na ako. Ayaw nya raw akong kausapin. Sabi nya kay Sasha nalang daw ako. Wala na raw akong pagasa sa kanya. Sakit nun ah.
Clark: Baka may problema siya.
Tolyts: Tingin mo? Ano kaya?
Clark: Just be patient with Tiffany. May pinagdadaanan lang yun.
Tolyts: Kahit hindi nya akong mahalin gaya ng pagmamahal ko sa kanya eh OK lang. Kahit konting pagmamahal lang OK na OK na yun. Pero parang pati...labo na rin.
Clark: Siya na yung umaayaw siya na yung sumusuko. Susuko ka na rin ba?
Tolyts: Hindi! Hindi ako susuko. Kahit anong mangyari nandito lang ako. Mahalin nya ako o hindi. Mamahalin ko pa rin siya. Kahit...Kahit na...kahit na wala daw akong pagasa. Salamat pilas, ang bait mo.
Leah: ‘Tang?
Tatang: Ano yun Leah?
Leah: Kamusta ho pakiramdam nyo ‘tang
Tatang: OK naman. Anak? Anong problema?
Leah: ‘Tang wag nyo na ho pilitin tumira dito si Clark
Tatang: ‘Di ko naman siya pinipilit eh. Halatang gusto naman nya.
Leah: Eh kahit na ho ‘tang. Wag nyo na ho siyang patirahin dito. Wag nyo na ho itanong kung bakit kasi pag nalaman nyo po yung dahilan sigurado po akong paalisin nyo pa rin siya.
Tatang: Ano ba yun? Anong ginawa ni Clark? Magnanakaw ba siya? Killer? Ginugulpi ka ba nya?
Leah: Dahan dahan lang po ‘tang yung puso nyo. Eh mabait pong tao si Clark ‘tang.
Leah: Tang...uhm...may gusto ko ho sana sabihin sa inyo. Wag ho kayo mabibigla. Yung puso nyo po.
Tatang: Kung ganun, anong problema kay Clark. Anong problem nyong magasawa?
Leah: Tang...yung...yung pagpapakasal ho namin ni Clark sa America... fixed marriage po yun ‘tang. Pinakasalan ho ako si Clark, para ho maka green card ako. Sorry ho ‘tang. Naipit ho kasi ako eh. Malapit na po kasing mag-expire yung visa ko noon. Eh ayoko naman pong mag TNT. Yung mga panahong yun, ayoko na po kasi bumalik dito sa Pilipinas para din po sa inyo ‘tang.
Tatang: Bakit ngayon mo lang sinasabi Leah?
Leah: Eh ‘tang…matagal ko na ho gustong sabihin sa inyo kaya lang ho kasi may problem ho kayo sa puso eh. Eh alam ko din naman ho na sagrado ho yung kasal para sa inyo.
Tatang: Pero ginawa mo pa din at nilihim po pa. Dahil alam mo hindi ako papayag.
Tiffany: ‘Tang dahan dahan lang po, yung puso nyo.
Tatang: Alam mo kung ano kinagagalit ko? Yung paglilihim mo sa akin. Ilang buwan ka na kasal pero hindi mo sinasabi sa akin. Ngayon pati ito. Pati yung pafi-fixed marriage? Nilihim mo din?!
Leah: Eh ‘tang inala lang ho namin yung kondisyon nyo eh.
Tatang: Namin? Sino kayo? Pati ikaw Tiffany?
Tiffany: Opo. Ako po yung nagsabi kay Leah na ilihim po muna sa inyo.
Tatang: Tiffany ikaw ang mas nakakatanda hindi mo lang kunsinti yung paglilihim, ikaw pang may pakana!
Tiffany: Paninindigan ko po yung desisyon ko ‘tang. Na ilang beses pong paulit ulit sinabi ng doctor na wag daw po kayo bibigay ng stress. Hindi po kayo pwede magisip, kalusugan po ninyo inisip namin.
Tatang: Hindi yan dahilan!
Leah: ‘Tang. ‘Tang ano hong nararamdaman nyo
Tatang: OK ako. Hindi sumasakit ang puso ko pero alam mo kung anong masakit? Yung paglilihim nyo sa akin. Ginagawa nyo akong tanga!
Tiffany: Bakit nyo sinabi kay tatang?
Leah: Clark. Please….Eh nagi-guilty na kasi ako mang eh. Masyado na akong maraming nilihim kay tatang.
Tiffany: Ayan. Nagalit tuloy. Pasalamat ka hindi na-atake sa puso.
Leah: Sorry manang ha. Pakiramdam ko kasi kailangan ng malaman ni tatang yung totoo eh. Pati yung...yung tungkol kay nanang~
Tiffany: Yun ng wag na wag mong sasabihin Leah. Kung ito nga lang fixed marriage mo nagalit na siya eh. Paano pag nalaman niya yung kay nanang?
Leah: Pero manang.
Tiffany: Makinig ka Leah ha. hindi pwede malaman ni tatang ang ginawa ni nanang sa kanya. Natatandaan mo ba nun nalaman ni tatang na namatay na si nanang? Hindi ba na depressed siya nun? Hindi ba’t ang tagal tagal nya bago nakabangon? Tandaan mo Leah. Masakit kapag nalaman ng tao ng pinakamamahal nya iniwan siya at pinagpalit, kesa namatayan. Hindi pwede malaman ni tatang ng ginawa ni nanang. Dahil nasisiguro ko sa’yo ikakamatay ni tatang yun.
Clark: Is there anything I can do to help? It’s gonna be OK Leah.
No comments:
Post a Comment