Thursday, September 24, 2015

As Heard on #OTWOLDistance (25/9/15)

#OTWOLDistance

Jig: Lola ano ka ba? Maga-America lang ako, 'di naman ako namamatay.

Monette: Hindi lang waiter, kumakanta siya doon.
Leah: Talaga? Hindi kinukwento sa'kin ni Clark yan.  Tignan mo to si Clark o, parang rosary ang daming mystery.
Monette: Ba't 'di ka sumama? Para naman makita mo yung asawa mo mag-perform.

L: Surprise!
C: Anong ginagawa mo dito?
L: Niyaya ako ni Monette. Kasi nakikita ka nya daw kumanta. Bakit 'di mo sinasabi sa'kin?
C: I don't know. I'm not that great.
L: Mmmm. Singer ka na pala hah?
C: Not really. Kanta kanta lang. Unlike you na naso-solo sa choir mo.
Monette: Mmm... eh pereho pala kayong singer. Match na match talaga kayong dalawa.

C: 'Di ba maaga ka bukas? Baka gusto mo nang umuwi?
L: Hmph! Hindi noh. Pumunta ako dito para pakinggan kang kumanta. At hindi ako uuwi hangga't hindi kita naririnig kumanta. Kaya pumunta ka na doon.
C: Just don't get your hopes up.
L: Good luck...! Go Clark! Whoo!
C: Good evening everyone. Tonight's a very special night for me because my wife Leah is here to watch me sing. So Leah, this song's for you.

[You'll Always be Special to Me]
C: Are you OK?
L: Sobrang dami kasing happy memories eh. 'Di kasya sa isang box.
C: What do you mean?
L: Feeling ko mami-miss ko 'to. Yung mga araw na magkasama tayo. Mahirap pang trabajo, ang bilis ang buhay. Pero kinaya ko. Lahat yun naging madali dahil sa'yo Clark. Clark, I...I...
C: Don't...You don't have to say anything. No matter what happens, you'll always be special to me


Jigs: Ba’t parang ‘di kayo masaya makita ako?
(HINDI NGA KAMI MASAYA!!!! UMUWI KA NA SA PINAS!!!!!! PANINIRA KA DITO!!!!! Sorry I can’t resist. Gusto kong sampalin ‘tong gagong to!!!)

L: Clark, alam mo ba na kasama ni tita Jack si Jigs na darating dito?
C: Yes
L: Bakit 'di mo sinabi sa'kin?
C: He wanted to surprise you.
L: Surprise? Anong surprise? Baka ambush kamo! Darating siya dito kung anong ano ng pinagsasabihin nya. Pakakasalan nya daw ako? Siya daw bahal sa'kin? Hindi pa nya akong tatanungin? Ano ba akala nya sa'kin? Non-living thing? Laruan?
C: Pasensya ka na sa pinsan ko ha. Ganun lang yun. Siguro kilala mo naman siya.
L: ...Bakit nan dyan ka?
C: Baka may masabi pa si Jigs pag nalaman niya magkatabi pa rin tayo matulog.
L: Ganun ba? Sige dito ka na ako nalang dyan sa sofa.
C: No
L: Anong no Clark? Apartment mo 'to. Dito ka na sa kama matulog.
C: Leah. Please. Just take the bed.

Tolayts: Kanina sabi mo binibigay ng dyos ng pinagdadasalan nyo. Pero bakit ako? Panay ang dasal ko sa dyos na sana sagutin mo na ako. Pero hindi pa rin nangyayari.
Tiffany: Dyos lang makakasagot yan tolayts. Sige na.

Tiffany: Ganun ang mga lalaki eh.
Tolayts: 'Di ako ganun!
Tiffany: 'Di ka lalaki?
Tolayts: Hindi ako ganung klaseng lalaki, ibig ko sabihin.

Tiffany: Kinalanin mo muna talaga ako.

[Abangan]

Ang Tunay na Pag-ibig Reality Check:
Naghihintay kahit walang kasiguraduhan
L: Alam ko naman kung bakit siya umiiwas pero masakit eh.

Umaasa kahit hindi pwede
L: Madali lang naman isuko yung mga bagay na wala naman masyadong halaga sa'yo eh.

Nasasaktan kahit walang karapatan
C: Habang lumalayo ako sa'yo lalo lang ako nahihirapan...I can't live without you, Leah.

C: No matter what happens, you'll always be special to me.

As Heard on #OTWOLComplicated (24/9/15)

#OTWOLComplicated

[Gusto pero hindi pwede]
Tiffany: Eh teka, anong plano nyo ngayon ni Clark ngayon may green card ka na? Tutuluyan nyo parin yung divorce or tuloy tuloy nyo na yan?
Leah: Hindi ko alam manang eh.
Tiffany: Hindi mo alam o hindi mo lang maamin. Leah hah, basang basa kita. Hindi ka maapektohan na ganyan kung walang kang feelings sa kanya. Mahal mo na si Clark noh? Eh mahal ka ba nya?
Leah: Gusto kong sanang isipin na oo, na lahat ng ginagawa nya para sa'kin, yung ng ibig sabihin. Kaya lang ang hirap kasi manang eh. Kahit naman mahal din nya ako, hindi pa rin pwede. Nangako ako kay Tita Jack na hindi ako mai-in-love kay Clark. Pero hindi ko inexpect na ganito pala kahirap pag nagmamahal ka na.

Cullen: Dude, akala ko ba happily married na kayo?
Clark: It's complicated.
Cullen: Huh?
Clark: An dyan si Jigs. Papunta na siya dito.
Cullen: So?
Clark: He plans to win her back
Cullen: Ganun? Dude, eh baka hindi naman siya makapunta.
Clark: May visa na siya. Nothing can stop him from coming.
Cullen: Really? So anong sabi ni Leah? Gusto nya ba talaga magkahiwalay kayong dalawa?

C: So kamusta interview mo?
L: OK lang
C: Eh bakit ganyan mukha mo?
L: Yung totoo? Walang kasi tagilid eh. Wala daw akong experience sa admin work.
C: Bakit? Hindi counted yung pagma-maskot? I'm just kidding. Yan ka nanaman eh beastmode. Anong gusto mo? Wine? Vodka? Gin calamansi? It's on me.
L: Tubig lang
C: OK. Wag kang masyado madisappoint, it's your first interview. There's still plenty of jobs out there.
L: Yun kasi gusto kong trabajo eh.
C: Well if it's meant for you then it's meant for you. That's how destiny works 'di ba?
L: Naniniwala ka doon? Sa destiny?
C: Yes. Yes I do.

L: Ako tong mukhang di pasasa sa interview pero ikaw yung malungkot. Bakit?
C: Wala. Nagiisip lang.
L: Bakit? May problema ka ba?
C: Magaling ka ba magbigay ng advice?
L: Susubukan ko. Bakit? Ano ba ang problema?
C: Well, it's not for me. It's for a friend. You see, he made a promise to someone...mm...gusto naman talaga nyang tuparin yung promise nya, pero isang araw na-realize nya na nasira yung pangako nya. Anong dapat gawin nya?
L: Eh, ano ba yung pangako nya?
C: That he shouldn't fall in love with this girl. Pero yung...yung kaibigan ko, he broke the rule. He broke his promise. At hindi pa rin alam nung babaeng mahal nya. And he doesn't know what to do...so ano kayang dapat gawin nya?
--Interrupted by Tita Jack's call--
L: So ano nga ulit yung problema ng kaibigan mo?
C: Next time nalang natin pagusapan. Tara, let's go.

[Box of Memories]
L: Kung ang taong mahal mo parang isang ibon, hindi ko alam kung kailan siya lilipad palayo. Imbis malungkot ako sa kakaisip sa araw na yun. Susulitin ko nalang yung panahon na kasama ko pa siya. Para pag dumating yung araw na kailangan nya lumipad, marami akong happy memories na maitatago sa kahon ko. Happy memory number one: Napa Valley (Clark's picture & the lucky penny). Happy memory number two: prom (Rose)

C: Mm! Is it adobo?
L: Oo, tamang tama yung dating mo. Ano yan?
C: Nadaanan ko lang. It was on sale.
L: Bumili ka ng TV?
C: 'Di ba ang tagal mo nang naghahanap ng TV. Nagpakabit na rin pala ako ng TFC.
L: Hindi mo naman kailangan bumili ng TV kung dahil sa'kin eh.
C: Actually it's for me, pero I can share it with you kung papakainin mo ako ng adobo niluto mo.
L: Ay! Oo naman sir! Para sa'yo talaga to! Oh tara na!

C: Adobo, my favourite. Thanks Leah.

C: What's that? Food porn?
L: Hindi. Happy memory number three: Adobo.

L: Hainaku alam mo kahit ilan beses ako napapanood ng movie na to hindi parin ako nagsasawa. Nakakatawa talaga siya......Sorry ah, baka may iba kang gustong panoorin.
C: Wala OK na ako sa pinapanood ko

C: I love you *nakatulog*
L: Happy memory number four: I love you too.

[Abangan]

"Expect the unexpected. The ex is coming"
C: No matter what happens, you'll always be special to me


L: Happy memory number four: I love you too.

As Heard on #OTWOLSweetestSurprise (23/9/15)

#OTWOLSweetestSurprise

L: Hello Clark? Nan dyan ka pa ba?
C: Oo. An dito pa rin
L: Ano ba tong trip mo na to Clark?
C: 'Di ba, 'di pa rin tayo naka-experience ng prom. So I thought, why not make one of our own? Isang gabi ng fantasy.
C: So Mrs Leah Medina, may I take you to prom?
L: Sandali lang hah. Wait lang.
C: Well?
L: Sige na nga mamilit ka eh.

L: Clark ano na bang nakain mo na isipan mo to?
C: Kailangan pa ba may dahilan, di pwedeng gusto ko lang? Actually this is just part two of our celebration. Dahil mission accomplished tayo, reward natin sa sarili natin. How's that for a reason? 
L: Sige. Sabi mo eh.

L: Juskolord Clark. Ikaw ang may gawa nito Clark?
C: Hindi lang ako. Kami. Para sa isang princesa.
L: Huh?
C: 'Di ba pangarap mo to nung bata ka? Makapunta sa prom? Mabihis na maganda parang princesa. May - korona
L: -Korona *sabay*

C: Papasok sa isang palasyo, tapos sa gilid may...may orchestra. Pero quartet lang muna sa hotel. At doon din yung prince charming mo. Pero ako muna ang proxy ngayon. OK lang?
L: *nods with giant smile on her face*
C: Bibigyan ka ng rosas, tapos lalapit siya sa'yo, tapos kukumpa sa orchestra, may naririnig ka ng music at sasabihin niya sa'yo "May I have this dance?"
L: Tapos sasabihin ko naman...oo naman


C: OK naman ba? May prom gift pa ako sa inyo.
L: Prom gift?...."Sa'yo lang ako?"
C: Sabi ng treasure box
L: Mmm. Teka, ito ba yung ginagawa mo sa labas? Yung ayaw mo ipakita sa'kin.
C: Sabi ko sa'yo makikita mo rin kapag tapos na. Pasensya ka na ha, I know it's not much pero matiba yan. Pwede mo ilagay dyan ang mga valuables mo. Whatever it holds, it'll be safe inside. Kahit anong importante sa'yo.
L: Kahit ano?... *whispers* 'Di ka naman kasya dito eh.
C: Hah?
L: Wala...Thank you hah. It's perfect.

C: Wait. Meron pa. Labas ka in 15seconds


C: Sorry, alam ko gusto mong may nagpia-piano but 'di ko marunong eh. Kaya inaral ko. Pero hanggan chorus lang kinaya ko.
L: Clark, sobra sobra na. Thank you

L: Clark?
C: Yes?
L: Alam mo nung high school ako, meron akong crush na crush sa school. Yung wish ko noon, makasayaw ko siya sa prom. Hindi ako yung naging date nya kasi..partner. Pero sabi ng mga kaibigan nya ako daw yung gusto nya. Kaya sa prom isasayaw nya lang daw ako. Pero dahil hindi ako makapunta sa prom yung naging ka-date nya, yun ang naging girlfriend nya. Sobrang lungkot ko noon.
C: That's just puppy love
L: Pero, ngayon alam ko na kung bakit hindi ako nakapunta yung prom. Alam ko na kung bakit hindi ko siya nakasayaw. Kasi darating pala itong gabi na to. Alam mo Clark, kahit bigyan pa nila ako ng timemachine, hinding hindi ko pagpalit itong gabi na to sa kahit anong gabi sa buhay ko. Hindi ko ipagpalit yung prom date ko ngayon sa kahit kanino. At kahit isang gabi lang tong fantasy ito, bukas babalik naman tayo sa reality. OK lang, kasi sa totoo lang, mas maganda pa tong reality na to kesa sa fantasy ko.


Mamaya....

(C) TeamPagibig [IG]

C: Cullen, bagalan mo magdrive. Ang ganitong moments di dapat minamadali.






Tuesday, September 22, 2015

As Heard on #OTWOLFantasy (22/9/15)

#OTWOLFantasy

Clark: I told him I'm celebrating with my wife...mission accomplished tayo 'di ba?nWe should celebrate.


[Leah's Fantasy & Rude Awakening]
C: Leah, pwede na ba tayong maging totoo...sa isa't isa?
L: Clark?
C: Hindi na kailangan magpanggap lahat ito para lang sa green card. The truth is, I broke my own rule. I can't help it. I'm falling...for you. Leah, I'm in love with you
L: Clark...
C: I've never been more serious about anything in my whole life. Sa lahat ng pagpapapanggap natin, ito lang ang totoo, na mahal na mahal na mahal kita. You make me the happiest guy in the world. *Gets down on one knee!!* Leah will you marry me? Again. This time for real.
L: *nods* yes! I love you Clark.
C: So kailan ka gustong umalis sa bahay
L: Huh?
C: Kailan ka gustong umalis sa bahay?
L: Ikaw?
C: Well, wala pa yung green card mo so wag munang natin isipin yun. Kasi baka hindi na maulit ito. Sulitin na natin, wifey.
L: OK




[Leah's Prom Fantasy]
L: ...Kaya lang kasi eh, bata pa lang ako pangarap ko na yun eh. Yung makapunta sa ganung klase ng ball. Yung bibihis ka na parang princesa, tapos meron kang korona, tapos may susundo sa'yo na mangandang kotse, maraming bulaklak, may orchestra, tapos may nagpia-piano sa gilid, tapos-
C: And let me guess, that's where you meet your prince charming.
L: na may dalang rosas. Tapos lalapitan nya ako, sasabihin nya sa'kin "May I have this dance?" Tapos we live happily ever after...Pero...OK na rin siguro yung hindi ako nakapunta sa prom. Wala naman ako mapapala doon eh. Para lang yun sa mga “can afford”
C: Can afford? Can afford what?
L: Can afford na maniwala sa fantasy. Yung mga taong katulad ko na maraming responsibilidad sa totoong buhay, may isang gabi ka nga lang fantasy, pero kinabukasan balik ka na naman sa realidad

C: Gusto kong i-surprise si Leah. I wanna do something for her. Something she'll never forget

L: Ano yan?
C: Pag gawa na makikita mo rin. Sige na pasok ka na. Need to focus
L: OK. Sungit talaga ni Mr Artist

C: Oh, bakit 'di ka gumagalaw? May kumakatok 'di ba?
L: Paano mong malaman-
C: Leah just get the door

Sunday, September 20, 2015

As Heard on #OTWOLSweetestMoment (21/9/15)

#OTWOLSweetestMoment


Leah: Hmph! Leah umayos ka nga! Wala kang karapatan magselos OK? Wala...Pero paano si Clark? Paano pag nagustohan nya si Jean? Hai naku! Tama na nga yan Leah! Erase...erase...erase...erase! OK. Huh...


Aminin mo na kasi Leah! Wag mo ng hirapan ng sarili mo.
Jean: Do you have a girlfriend?
Clark: No, I mean yes...No, I don’t have a girlfriend.


[Huli si Leah sa Bar]
C: Leah
L: Clark
C: Are you spying on me?
L: Hindi. May narinig kasi akong ingay sa labas ng bahay kanina eh. Kaya biglang ako pasugod dito.
C: Parang ‘di yata totoo. I think you were checking up on us.
L: Hindi. Cge na, balikan mo na yun date mo.
C: Paano ka?
L: OK lang ako. Wag mo ng akong intindihan. Cge na. Bumalik ka na sa date mo, wag mo ng akong pansinin. Aantay nalang kita. Ayoko talagang bumalik sa bahay na yun.
C: Leah, nagseselos ka ba?
L: Hindi ako nagseselos. Walang karapatan magselos ang magkaibigan OK? Cge na, kahit hanggang anong oras ka, kahit umagahan ka pa dito, carry lang. Go na. Go na...
C: OK OK OK
L: Go na
[Bar Banyo Scene]


C: Leah, sinong kasama mo? Anong ginagawa mo?
L: Si Oscar. Tinuturuan nya lang ako mag-pool
C: Tinuturuan? Or taking advantage of you? At tsaka kailan ka bang nahilig mag-billiards?
L: Hindi ako mahilig. Hindi rin ako marunong 'di ba? Kaya nya akong tinuturuan. At tsaka alam mo, ang sarap pala mag-billiards. Parang favourite sport ko na ata yun.
C: May pagdikit dikit ka pa. Leah, that's not billiards that's flirting.
L: Huh? Naku wala yun. Tinuturuan nya lang ako kaya hindi maiwasan dumikit sa akin. Walang malisiya yun.
C: Siya walang malisiya. Ikaw meron! Leah, you were flirting.
L: Bakit? Masama ba yun? Eh 'di ba single naman tayo parehas? Tsaka ang usapan natin kanina 'di ba walang pansinan? Eh ikaw nga pa-cute ka ng pa-cute kay Jean eh. Pa smile smile ka pa tapos pa tawa tawa ka pa...Ang corny corny kaya. Alam mo yun style mo bulok na yun eh. Kung ako yung ka-date mo na-turn off ako sayo
C: So you're watching us. Are you jealous?
L: Hindi noh! Baka ikaw.
C: 'Di rin kaya
L: 'Di naman pala eh. Eh di walang problema.
C: Wala nga!
L: Eh di OK...




[Kissing in the Rain]
C: Looking for me?
L: Hah?! Hindi!
C: Bakit parang may hinahabol ka?
L: Kasi mapauwi na ako!
C: ...Paano yung date mo? 'Di ba favourite mo yung billiards?
L: Ba't daming mong tanong?! Ikaw papano yung date mo?! 'Di ba nakumpleto na kayo?! 'Diba gusto nyo ng isa't isa?!
C: Bakit ba ang daming mong tanong?
L: Alam mo yung tinginan nyo kanina ang lagkit-lagkit gusto ko na kayong itulak eh! Ituloy mo nalang kaya yun date mo. Kung gusto mo i-girlfriend mo na siya! Kung gusto pakasalan mo na siya
C: LEAH!
L: Bakit ka ba kasi nan dito? Bakit 'di ka ba susama sa kanyang yun. Bakit ka ba bumalik?
C: Kasi may nag sabi sa'kin, kapag mahal ka, babalikan ka.


Can't get enough? WATCH IT AGAIN!





[Admissions]
Leah: ‘Di ko alam kung paanong nangyari Monette. Pero nangyari ng hindi dapat nangyari...Parang...parang may gusto na yata ako sa kanya.
Monette: Ka nino?
Leah: Sa KANYA!
Monette: Manghuhula ako, Leah? Sino nga? Sino? Dali!
Leah: Si Clark. Parang in-love na yata ako sa kanya.


Cullen: Dude, nag-promise din ako sa nanay ko na hinding hindi ako magsi-swimming mangisa. Eh paano nga kung nakasakay ako sa bangko at biglang nabutas. Paano naman hindi ako nasi-swimming.
Clark: Huh?
Cullen: Ok, I’ll make it simple for you to understand. Clark, may mga promise naman kasi na pwedeng baliin eh. Tulad na ito. Pinag-promise ka ni Jigs. Siyempre noong nag-promise ka kay Jigs, hindi mo pa kilala si Leah. Wala pa siya sa’yo. Eh magkaswerte na nga, na-in love ka na sa kanya. Dude, hindi mo pwede turuan ng puso kung sinong pwedeng mamahalin.


Leah: Hindi, kaya ko to. In time mawawala din naman yung sakit na yan ‘di ba? Tsaka si Clark, hindi yun nasasaktan. Yun pa ba? Ang strong kaya nun.
Monette: Hai naku, niloloko mo lang ang sarili mo yan.

Cullen: So dude, paano yan. Magkasama kayo sa bahay. Kaya nyo?
Clark: OK naman. Masaya naman si Leah, palaging ngiti, katulad dati. Parang walang nangyari. Hindi siya affected. Baka nga kasi wala talaga sa kanya yung nangyari sa’min.
Cullen: So sa tingin mo ba, lahat ng pinakita nya sa’yo para lang sa green card nya? Sa tingin mo wala talaga siyang nararamdaman sa’yo?
Clark: No I believe she feels something for me. Hindi ako sigurado just how much. Or baka ako lang yun, iniisip ko lang na gustong gusto nya ako. ‘Cause I really wanted her to like me. Baka nga ako lang may gusto sa kanya. Kaya kapag may nangyari ng maganda sa amin, lumalayo siya pagkatapos. Baka nga she really thinks of me as a friend. Just...just a friend who can help her get her green card.
Cullen: Dude, ikaw naman kasi ang dami mong baka baka. Bakit ‘di mo ba siyang tanongin? Eh baka naman mahal ka talaga nya. How’s that?
Clark: ‘Di ko nga alam anong gagawin ko.

Cullen: Bakit ‘di mo siya ilabas? i-date? Or something special? Kasi dude makikita mo kung gano siyang interesado talaga sa’yo or hindi ‘di ba?

Friday, September 18, 2015

As Heard on #OTWOLHesitations (18/9/15)

#OTWOLHesitations

Clark: Bilis mo naman bumitaw

C: Tapos pag tulog na sila, we'll go out under the stars, have a bonfire just like this. Tapos ilalabas ko ang gitara ko, and I'll sing for you...tapos titigin ako sa'yo na parang ganito...tapos titngin ka rin sa'kin naparang ganyan...tapos lalapit ako sa'yo...closer...and closer...tapos-
L: - Tapos hindi ko kakayanin
C: Leah?
L: Tapos magbabanyo ako




Leah: Juskolord Leah! Hindi pwede! Hindi pwede! Pigilan sarili mo; pigilan puso mo Leah. Puso, relax lang. Relax..dahan lang yung tibok. Relax...hooh...kalma...OK, good. Very good...hooooh...Ok, carry na to. Tandaan mo Leah ha, wala kang nararamdaman kay Clark, konti lang. Bilang kaibigan lang. OK? Hindi pwede. Hanggan dun lang yun pwede Leah, hanggan dun lang yun pwede. 

Clark: Anong ginawa mo? 
Leah: Banyo! Ano pa ba?
Clark: Ah...kala ko nagtago nang feelings

Leah: At tsaka baka mamaya may mangyari pa sa...
Clark: Anong mangyayari?
Leah: Ah..mm..Wala! Ang tahimik kasi dito eh. Nakakabaliw na baka mamaya mabaliw ako
Clark: Akala ko maganda yung lugar?
Leah: Maganda nga, tsaka romantic. Alam mo yun, hindi bagay sa ating dalawa? Tsaka baka mamaya lalo akong mahulog...
Clark: Mahulog? Ikaw
Leah: Mahulog! Sa...HAGDAN!

[Watch the bonfire and banyo scene again Here]


Leah: Kung may nakita ka ng type mo; maganda, sexy. Go lang.
Clark: Ano? Seryoso ka?
Leah: Oo naman. Gusto mong tulungan pa kita eh.

Leah: Tinutulungan ko yung mga torpe kong kaibigan. Ako yung starter nila.
Clark: Hindi ako torpe.
Leah: Ah yun naman pala eh.

Clark: Im not interested.
Leah: Cge na, subukan mo lang. Para pagkatapos itong pagpapanggap natin makakamove-on ka kaagad.
Clark: Move on? Leah what are we pretending about ba? Are we still pretending?

Leah: Eh sinong type mo?
Clark: Gusto mo talagang malaman?

Clark: Yan ba ang gusto mo sa'kin?
Leah: Bakit naman hindi? Eh mukha naman siya matino. Maganda pa.
Clark: Sigurado ka?
Leah: Oo naman.
Clark: Ikaw rin. Kapag na-in-love yan sa'kin baka maselos ka
Leah: Selos? Ako? Hindi no.

Leah: Pwede mo daw siyang tawagan bukas
Clark: I don't call girls, they call me.

Tita Jaq: Kung walang hirap, walang tagumpay



Clark: So, paano? Tulad dati, you sleep on the bed, sa sofa naman ako? Or we can just both sleep on the bed? Malaki naman eh.


Clark: Natatakot ka ba Leah?
Leah: Hah? Siyempre hindi. Bakit naman ako natatakot?
Clark: Well I think you are. I think you’re afraid of yourself or what could happen.


Leah: Friends lang kayo Leah. Wag kang ano dyan. Alam mo yun. ‘Di ka type ni Clark. Palagi ka nga inaasar eh. ‘Di ba? ‘’DI BA? Kayong dalawa, hindi pwede. Kaya kung ako sayo, ngayon pa lang lumayo ka na sa kanya. Para hindi nya malaman ang nararamdaman mo. Hello?! Wala no! -
Clark: Ahem. Sinong may nararamdaman?
Leah: Hah?! Aih..mm..Yung..yung mga bulaklak! Oo! Kung may nararamdaman ba sila pag tinatama sila. Wala naman ‘di ba?
Clark: Ewan ko. Bulaklak ba ako?


Leah: Wow! Ang yabang hah? Gwapong-gwapo mo yata sa sarili mo naman kuya
Clark: ‘Di ba totoo? Sabi mo nga perfect ako


Clark: Are you sure?
Leah: Sure.
Clark: Sure?!
Leah: Sure…
Clark: Cge. Ikaw bahala


Leah: Parang sobra naman yata yun pagpapagwapo mo nyagon?
Clark: Siyempre. It’s a date ‘di ba?
Leah: Wow, nagpabango. Bakit pag tayo naman hindi ka nagpapabango?
Clark: Ano ka ba? Nanay ko? Asawa? Girlfriend? Or all in one? ‘Di ko alam kung nagseselos ka ba or pinagbabawalan mo ako.


Clark: Pustahan tayo. I bet, in the end they’ll be together.
Leah: Feeling ko hindi. Marami kasi pumipigil sa kanila eh.
Clark: Well, love always finds a way.


Clark: Are you sure OK ka dito? ‘Di ka natatakot? Magisa ka ah.

(His face!! HOPIA na HOPIA na pipigilan siya ni Leah)


Leah: Clark! wait lang. Hindi ka pwedeng pumunta sa date mo.
Clark: Bakit? Changed your mind?
Leah: Hindi ka pwedeng pumunta sa date mo na ng suot ka ng wedding ring mo.


Leah: Sigurado ka na ba dito Leah?

[Abangan]

Leah & Clark Secret Recipe
  • Stop pretending (Ilagay na ang tamang amount ng pagmamahal)
  • Create new kilig memories (Dagdagan ng sweetness ang bawat moment)
  • Be prepared (Haluan ng chemistry ng kontrabida)
  • Break the rules! (Mahal mo eh. Kaya ipaglaban mo)

Clark: I couldn't help it...I'm in love with her


Thursday, September 17, 2015

As Heard on #OTWOLHoldMyHand (11/9/15)

#OTWOLHoldMyHand (11/9/15)

Leah: Balikbayan box of love

Clark: It's my day off, thought I'd swing by, see if you're OK.

Clark: Let's go out, have some fun. Hindi ka iisa. You're with me

Leah: Mabuti kang tao Clark. Maswerte ang babaeng mahalin mo

Clark: Leah, hindi ka rin mahirap mahalin

Leah: Leah, do you love me?
Clark: I love you Clark. Mahal na mahal. Ikaw ba, mahal mo ba ako?
Clark: Leah, I love you. You're my first and only love

[Abangan]
Selos = Halata pag gusto ng iba ang taong gusto mo

Pigil = Gustong-gusto mo pero hindi pwede

M.U = Magulong Usapan

M.U = Mutual Understanding