Thursday, October 22, 2015

As Heard on #OTWOLToughLove (19/10/15)

#OTWOLToughLove (19/10/15)


Clark: Sana lahat ng araw ganito. Mag ta-trabaho ka, pero hindi ka napapagod. Kasi alam mo, pagdating ng gabi makakasama mo taong mahal mo. Mag kw-kwentuhan, kumain sa hood ng jeep,
Leah: Sana.
Clark: Sana yung woodwork business namin magtuloy-tuloy na sa paglaki. Para someday, pwede na ako mag settle dito sa Pinas. Hindi ko na kailangan bumalik sa San Francisco. Ang sarap ng feeling na hindi ka laging nagmamadali. You can sit back, relax...enjoy the moment. Parang ngayon.
Leah: Alam mo, iba pa rin talaga dito. Kahit wala kami masyadong pera, at least kumpleto yung pamilya. Meron akong pamilyang hindi ako pabayaan, hindi ako iiwanan. Gagawin ng lahat para sakin. Sana nga matubos ko na ‘tong jeep ni tatang e. Nung nagta-trabaho pa ako sa America, ito yung pangarap ko. Sobrang importante kay tatang ‘tong jeep na ‘to e. Kaya lang, mukhang di ko muna yung matutupad yung ngayon pero OK lang ma-achieve ko rin yun. Sa ngayon mas importante yung kalusugan ni tatang.
Clark: Ayaw mo na ba talagang bumalik sa States? Sayang yung green card mo. Pinaghirapan mo pa.
Leah: Alam ko. Kaya lang kasi kahit saan ko tumingin, naalala ko yung ginawa pagsisinungaling sa amin ni nanang, yung panloloko nya sa amin. Sorry, na drama na naman ako.
Clark: No, it’s OK to cry. It’s OK. I’m here.

Clark: Sir Sol, uwi na po ako. Thank you for welcoming me.
Tatang: Wala pa yun intay mo yung pa-welcome ko sa’yo sa susunod na linggo.
Leah: ‘Tang tinatakot mo naman si Clark e.
Tatang: Ano?
Clark: No, it’s OK. Alam ko naman na charot lang yung.
Tatang: Ano?
Clark: Ah...charot lang yung te...means I’m just kidding, right?
Tolyts: Influnesiya na ng mga beki dito natin kapit bahay ‘to o.
Mama Lulu: May problema tayo sa beki?
Tolyts: Wala po
Tatang: Clark. Salamat nga pala ha. iningatan mo yung jeep ko...yung bunsong anak ko.
Clark: You’re welcome po. I’ll go ahead.
Tatang: Sa susunod na sabado, dumito ka. Magtutukso ulit tayo
Clark: Cge po.
Leah: Thank you ah.

Tolyts: A yun o! bawing bawi sa kiss o, may pabaon pang smile. My labs, baka may pabaon ka rin sa’kin.
Mama Lulu: Gusto mo ako nalang?

Leah: Natatakot ako manang e.
Tiffany: Saan?
Leah: Sa ganitong sitwasyon namin ni Clark. The more na nagkikita kami, nagkakasama...mas mahirap sa amin na panindigan yung paghihiwalayan namin.
Tiffany: Mukhang seryoso naman siya sa’yo Leah. Si Jigs naman tsaka si tita Jack na sa America, malayo. Hindi ba talaga kayo pwede?
Leah: E ganun pa rin naman yung sitwasyon manang e. Kung itutuloy namin ‘to, malalaman pa rin nila tita Jack. Tapos magaaway na naman si Clark tsaka si Jigs, magkakagulo na naman. Bukod dun, ewan ko...basta natatakot ako e. Natatakot akong masaktan.
Tiffany: Ganun talaga. Pag nagmahal ka, pwede ka talagang masaktan.
Leah: E sa ngayon manang, hindi ko pa kaya sumugal sa ganyan e. Yung ginawa sa atin ni nanang, sobrang sakit pa rin. Hindi ko alam kung kakayanin ko kung masasaktan pa ulit ako ng ganun.

Leah: Mahal kita Clark. Walang nagbago. Kung ako lang ang masusunod, ipagsisigawan ko sa buong mundo na mahal kita. Pero hindi pwede, hindi ngayon. Hindi papayag si Jigs at nasisiguro ko na manggugulo siya sa’yo at kay tita Jack. Ayokong masira ang pamilya nyo tulad ng ginawa ng nanang ko

Leah: Alam ko mahal nyo pa si nanang. Pero hindi dapat ‘tang. Kung alam nyo lang ang ginawa nya sa’yo, baka tuluyan ng mabasag ang puso nyo. Ang dami nyong sakripisyo para sa amin, para kay nanang, pero binalewala ni nanang lahat yun. Binalewala nya tayo. Pangako ko ‘tang, hindi ko gagawin ng ginawa sa atin ni nanang. Mahalaga ang pamilya. Kaya kung akong magiging dahilan ng gulo ng pamilya ni Clark, kahit masakit, mas mabuti ng putulin na nalang namin ng relasyon namin.

Axel: Bosing, merienda muna tayo o. Baka maubos nito ni Kiko yung maruya o, maruya pa naman…
Kiko: Syut!
Axel: Careful ha
Kiko: Pero tama sir, wag naman puro trabaho. Minsan singit singit din ang pahinga, yung pagkain, tsaka syempre, yung pag-ibig
Clark: OK na ako. Busog pa ako e.
Axel: Ayun ayun ayun. Nakakabusog talaga yung pag-ibig e. Raks not dead boss!
Kiko: Agree!

Clark: Balang araw this place will be so big itong buhay sa atin lahat
Kiko: Mabuhay si sir Clark!
Axel: Mabuhay!
Kiko: Kiko for president sa 2016!
Axel: What?
Kiko: I mean..president ng fansclub ni sir Clark

Clark: Leah!
Leah: Clark. Ba’t ka napatawag?
Clark: Wala lang. Na miss ko lang ang wifey ko
Leah: Clark, wag na wifey please.
Clark: O cge. Mrs Medina nalang. So, how was your day, Mrs Medina?
Leah: Clark, baka ka ba tumawag?
Clark: Well, kailangan ko ng advice mo. Ano kaya magandang pasalubong ko kay tatang Sol bukas?
Leah: Bukas?
Clark: Oo. Weekend bukas. Dyan ako matutulog ‘di ba?
Leah: Wag ka nang pumunta dito Clark.
Clark: Pero nakakahiya kung pupunta ako dyan na walang dala.
Leah: Clark please. Wag ka nang pumunta dito. Sasabihin ko nalang kay tatang na busy ka at kailangan mo ng bumalik ng America.
Clark: Leah, bakit ang aga?
Leah: Mas maagang matatapos ‘tong pagpapanggap na ‘to mas mabuti. Kasi ayoko na magsinungaling kay tatang
Clark: Ang usapan, isang buwan. Naka-reserve ang next three weekends ko para sa inyo.
Leah: Ang dami kong problema. Ang dami kong kailangan ayusin. Kung pupunta ka dito, magpapanggap na naman tayo kay tatang. Magkakaroon na naman ako ng problema. Ayoko na ng problema Clark.
Clark: Maybe I can help. Anong pwede akong gawin para makatulong sa’yo? I can be your assistant, confidant, henchman, assassin...stress ball. Anything.
Leah: Gusto mo talaga akong tulungan? Wag ka nang pumunta dito. Seryoso Clark, walang biro.

"I can be your assistant, confidant, henchman, assassin...stress ball. Anything." -Clark


No comments:

Post a Comment