Monday, October 12, 2015

As Heard on #OTWOLFromADistance (12/10/15)

#OTWOLFromADistance (12/10/15)



Tiffany: ‘Di ako sanay na gangyan ka e ikaw ang Miss Positive sa pamilya natin
Leah: Ang hirap kasi maging positive ‘tong nakaraang araw e.

Leah: Oh Manang may message ka. “Hi Tiffany my labs” “Hopia like d hopia”

Leah: Aba, hopia nga ang laman o. [Siomai naman next time] Alam mo in fairness din ito kay kuya Tolyts a. Ang tagal nya nanliligaw sa’yo mahigit isang taon na pero hanggang ngayon di pa rin sumusuko. “To Siomai love 4 u”, “Love Tolyts”

Manang: Di ako naniniwala sa love love na ya. Eh kung sarili nga natin ina mahal tayo noon na wat tayong talikuran eh ibang tao pa kaya?

Clark: Picture ko
Leah: Para saan?
Clark: Baka ma-mi-miss mo ako.
Leah: Akala ko panakot maligno e. haha
Clark: Yan! Smile. I’m just keeping things light.

Clark: Mang Nestor nasaan na yung mga karpintera na sabi niyong darating? Medyo marami ang gagawin natin. Kailangan talaga magdagdag ng tao.

Applicant 1: Hindi po ako marunong mag karpintero pero gusto akong matutu.
Clark: Mang Nestor, baka may kilala kang may experience na?
Applicant 2: Panahon pa ni Marcos karpintero na ako.

Axel:Hoo yes! Rocks not dead! Master carpenter, master painter, master maker, lahat yan master ako boss! Kulang na lang “master of the universe”. Rocks not dead bro.

Kiko: Clark! Di mo na ako matatandaan noh. Classmate mo ako nung Elementary. Di ba ikaw nga yung number 1 hearthrob, at number 2 lang ako.

Clark: Isang tanong lang.
Axel:Boss.
Clark: Hindi ka ba nag da-drugs?
Axel: Depende yan boss
Clark: Depende saan?
Axel: Siyempre boss. Kung may lagnat, Paracetamol. Kung lagnat, sipon, allergy, Antihistamine yan boss. Depende sa sakit yan eh. Ano ba kayo boss, clean living tayo. “Say no drugs” tayo boss eh.

Axel: Alam mo boss, isang bagay lang ako adik e...Sa pag-ibig. Alam mo parehas tayong problem e. Pareho tayong gwapo e.

Axel:May source ako dyan dati e.
Clark: Source ng ano?
Axel:Source ng liligawan ng chicks.

Kiko: So ano ‘to, i-soli mo kay Ms Leah Olivar?
Clark: Ah..hindi. May titignan lang ako doon. So, paano pumunta dyan? Pwede niyo bang sketch…
Kiko: Ay sir, alam mo b’at di nalang namin kayo samahan? E total maga-gabi na baka maligaw ka pa doon. Ano Axel, may gagawin ka mamaya? Samahan natin si Sir.
Axel: Oo ayos ako dyan, rockstar din tayo dyan. Tara boss samahan ka namin.

Axel: Kanina pa tayo nandito boss oh. Sino bang hinihintay natin?
Clark: Basta. Sigurado ba kayo na ito yung tamang address?
Axel: Oo naman boss. Boss ang lakas din ang trip niyo hah. May tawag sa ginagawa natin, “stokwa” to boss e.
Clark: Stokwa?
Kiko: Anong “stokwa”? Di naman tayo mag lalayas.
Axel: “Stokwa”, stalker ‘di ba pareho lang yun.

Kiko: Sir, magpakain ka naman. Gutom na gutom na ako. ‘Di pa ako naghahanopan e.
Axel: Oo nga boss

Clark: Leah...Leah, I’m right here.

Axel: Feeling ko, babae ang pinuntahan natin dito e. Siguro dito ang nakatira yung babae na nililigawan ni Sir noh?
Kiko: Babae agad? ‘Di ba pwede may pautang lang?

Clark: That was Leah. She’s my wife.
Kiko: Hm? Wife, sir? As in asawa mo talaga sir?
Clark: *shows wedding ring*
Kiko: E sir bakit mo i-ni-i-stalk? Pinag dududahan mo na bang meron iba?
Clark: No
Axel: Oo tignan mo napaka tsismoso mo talaga eh. Sir hiwalay na kayo? B’at ibang tinitirahan kayong dalawa
Kiko: Tsismoso ka rin eh.
Clark: Guys, it’s a long story. Can we just go? Please.

Axel: Ang bigat bigat mo, mag-diet ka nga.

Tiffany: Babalik ka? Ikaw, kaya mo ba?
Leah: Eh, kailangan kayanin. Mas importante yung kapakanan ni Tatang sa kahit ano.
Tiffany: Eh si Clark? Kung sakali. Anong balak mong gawin?
Leah: E di pa nga alam ni Tatang yung tungkol kay Clark eh.
Tiffany: Naku ading, narinig mo naman ‘di ba? Kapag nalaman ni Tatang na nagpakasal ka lang dahil sa green card, magagalit yun. Yung kondisyon ng bagong opera hindi pwede.
Leah: ‘Di ko nga alam manang eh. Sasabihin ko ba sa kanya yung totoo?
Tiffany: Wag muna ngayon. Kasi nga, bawal. Pag nagalit siya ma-se-stress ang puso.
Leah: Eh guilty kasi ako manang eh
Tiffany: Sasabihin naman natin yung totoo pero hindi lang ngayon.

Leah: Para kay Tatang, pu-push ko to

Tatang: O ‘Di bang nanang mo, kinulit pa roon mag fixed-marriage. Jusko over my dead body.
Leah: Eh ‘tang, kasal lang naman po yun sa papel eh. Wala naman pong ibig sabihin yun.
Tatang: Kahit na! Kasal pa rin yun. Tsaka panggugulang yun sa gobyerno ng Americano. At tsaka kung tinuloy niya yun, lalabag na siya sa batas ng tao, lalabag pa siya sa batas ng diyos. Dobleng doble kasalanan.
Tatang: Yung desperado na tao kakapit sa patalim. Kahit dangal ibebenta para lang sa green card

Tatang: Anak, ayos ka lang ba talaga? Alam ko ayaw mo sabihin sa’kin at ayaw naman kitang pilitin. Alam ko sa idad mo sa manang mo lang pwedeng sabihin. Pero na-ibuhos mo na ba sa manang mo ang lahat yan na sa loob mo?
Leah: Opo ‘tang, ok na po.
Tatang: Anak, masakit talaga ang pag-ibig anak. OK lang masaktan, OK lang umiyak, ang mahalaga nagmahal.

Leah: Happy memory number five: My husband. Miss na kita, sobra.

Kiko: Ano Clark. Punta ka ba sa Tenement? Tapos na rin naman kami dito e, samahan ka namin ni Axel dba?
Axel: Oo pakshat din ako dyan hah.
Clark: Sigurado kayo? Baka gabihin tayo. Depende kung anong oras uuwi siya.
Kika: Ayos lang yun. Basta saan ba tayo kakain?
Axel: Dyan ka na naman puro pagkain
Clark: Lugi ako sa’yo hah. Pero sige, anong gusto niyo?

Kiko: Oh sir, paano ka naman naka-siguro na dyan nga ang daan niya?
Clark: Um..sabi kasi ng Facegram status niya kahapon pupunta daw siya sa Makati.
Kiko: Stalker na stalker dating mo sir ah
Axel: Anong stalker ka naman. ‘Di naman stalker si bosing, nagmamahal lang.
Kiko: Sa bagay.
Clark: Mahirap ipaliwanag yung sitwasyon namin. It’s complicated. But I really appreciated the support guys. Salamat talaga.
Kiko: Wala yun. Ikaw pa? E napakalakas mo sa’min. Tsaka lagi mo ako binibigyan ng baon nung grade 4 tayo
Axel: Puro kang pagkain e.

Axel: Ikaw ba alam ba ng missus mo nandito ka sa Pilipinas
Kiko: Oo nga.
Clark: Hindi niya alam. At wala akong plano ipaalam sa kanya. OK na ako sa ganito.

[Abangan]
Love knows no distance. Kaya naman pag mahal ka, susundan ka.

Leah: Clark?

Team Hubby and Wifey is back!

Clark: You’re my wife and I love you. Sa’yo pa rin ako.


[Kilig Teaser]

Tolyts: Magnanakaw kayo noh!
Axel: Hindi, pinupuntahan lang namin yung missus niya
Leah: Clark?

Tatang: Kinasal ang anak ko na wala akong kaalam alam?

Clark: Parang ang saya saya dito sa inyo.

Clark: “Asawa” mode ON

Tatang: Welcome to hell.

Tatang: Kapag magiging parte ng pamilya nito, kailangan pinaghihirapan.

Tatang: Anong trabaho mo sa San Francisco?
Clark: Macho dancer. Hahahaha...ha..Joke lang po

Leah: Kailangan lang natin siya i-convince.
Clark: Na mahal kita? No acting required. I’ll show you.
Leah: Hoi!

Friday, October 9, 2015

As Heard on #OTWOLWelcomeHomeClark (9/10/15)

#OTWOLWelcomeHomeClark


Tiffany: Kaya yung pagmamahal na yan, minsan talaga one-way yan eh. Kaya dapat hindi pinagtutuusan ng pansin.


[Forgiveness and Letting Go]
Clark: Ma, I met someone today. Someone who’s a lot like my father. It would have been easier to judge her but it’s strange, naintindihan ko siya at naawa ako sa kanya. Dahil siya ang nang iwan, pero siya ang mas naghirap at nawalan. Naisip ko si dad. I don’t know why he did the things he did but whatever the reason is, it has nothing to do with me. I’m letting go of dad, ma. Ayoko nang magalit sa kanya, ayoko nang umasa na balang araw tatanggapin din nya ako. I just feel sorry for him, because he has lost me.


Sasha: Tolyts! Kamusta? Effective ba yung acting natin?
Tolyts: Hindi e. Imbis na mapalapit si Tiffany mas lalo pang yata lumayo.
Sasha: E baka naman iniisip niya tayo na?
Tolyts: Siguro...Basta, wag nalang. May punto rin naman si Mang Sol. Hindi porket pinapaselos mo, mahal ka na niya. Minsan pride nalang umiiral dyan e. Ayoko naman sagutin ako ni Tiffany ng dahil lang nasaktan ko yung pride niya.
Sasha: Kasi gusto mo love ka niya.
Tolyts: Siyempre
Sasha: Awww… ang sweet sweet mo naman. Ang sweet…*kinurot ng pisngi*
Tolyts: Aray ko… Ay, Tiffany… Tiffany ako na..hatid na kita. Dito ka na sa tricycle ko sumakay.
Sasha: Hala tolyts
Tolys: Tiffany!
Sasha: Sorry…
Tolyts: Tiffany!
Sasha: Kasalanan ko ba?
Tolyts: Oo yata e.
Sasha: Sorry
Tolyts: Wag mo na akong hawakan Sasha. Libre ka pa rin sa pamasahe lagi lagi, pero wag mo na akong harutin.
Sasha: Ngayon baliktad naman.
Tolyts: Wag mo na akong hawakan.
Sasha: Sorry...


[Leah Lets Mekeni Go]
Pasensya ka na kung hindi kita masyadong pinapansin hah. Alam ko ‘di mo naman kasalanan yun e. Kaya lang kasi tuwing nakikita kita naalala ko si nanang e. Kapag hindi ka na bumalik sa akin, ibig sabihin kailangan ko na mag move-on, kailangan ko nang kalimutan si nanang, kailangan ko nang kalimutan ng America, kalimutan si Clark, Kailangan ko lang mag move-on. Pero kapag bumalik ka, ibig sabihin nun, may babalikan pa ako sa America, na ang doon pa ang magandang kapalaran ko.


[Anger]
Tiffany: Simula nung umalis siya, ako nag pakananay sa pamilya ‘to, dahil akong panganay. Lahat ng obligasyon niya sinalo ko lahat. Yun pala papakasarap siya sa America kasama ng bagong niyang asawa? Sana kinuha mo number niya, gusto kong tawagan. Gusto ko i sumbat sa kanya lahat ng kasalanan niya. Gusto kong malaman niya na galit na galit ako sa kanya.
Leah: Manang alam mo, hayaan na natin siya. Hindi natin siya kailangan. At hindi na siya parte ng buhay natin. Mahirap pero mas makakabuti satin kung kakalimutan na lang natin siya. Mas isipin natin ngayon si Gabby at tsaka si tatang. Mas kailangan nila tayo ngayon.

[Welcome Home Clark]
Ima: Bakit ka nga pala umuwi?
Clark: ah..trabaho po lola. Yung client ko sa San Francisco, magtatayo sila ng coffee shop dito sa Manila. E ako yung gagawin ng furniture nila.
Ima: Talaga? Ikaw ang gagawa ng furniture?
Clark: Opo. Kaya pumunta na ako. So I can start working.
Jordan: Paano yung mga trabaho mo sa America?
Clark: Ah.. nag leave muna ako. Sayang naman ang project nito. It’s a big opportunity to get into furniture making. Malay niyo, if things go well, baka hindi ko na kailangan bumalik sa San Francisco.
Ima: Ay! matagal ko ng wish yan! Josko neh.

Ima: Kaya lang yung kapampangan mo may haccent na.


[Mahirap gawin yung tama]
Tiffany: Kamusta kayo ni Clark? Naayos niyo na ba yung problema niyo nila Jigs?
Leah: Hinayaan ko na si Clark manang. Sabi ko sa kanya unahin niya yung pamilya niya si Tita Jack, si Jigs. Ayoko din kasi maging katulad ni nanang e. Pinabayaan niya tayo para lang sa sarili niyang kaligayahan. At tsaka di rin naman ako magiging masaya kung alam ko may nasasaktan ako. Lalo na yung kapamilya pa ni Clark.
Tiffany: Madalas talaga mas mahirap gawin yung tama. Kaya natutuwa ako sa desisyon mo

Ima: Yan ba yung wedding ring niyo ni Leah? Kamusta na siya? Nagkabalikan na ba sila ni Jigs.
Clark: Actually umuwi na po si Leah ng Pilipinas. Di niya tinuloy yung pag trabaho doon.
Ima: Bakit naman? Ngayon pa may green card na siya.
Clark: May mga problema siya sa kanila. Yung tatay niya may sakit. She really had to go home.
Ima: Paano kaya yun? Si Jigs napunta sa America para sundan si Leah tapos si Leah naman unuwi sa Plipinas. Paano kaya natanggap ni Jigs yun?
Clark: Kilala niyo po si Jigs
Ima: Oo nga. Kilalang kilala kong yung batang yan.

Jenny: Si ate Leah kuya. Di ba may green card na siya? Na di-divorce na kayo?
Clark: Ah..hindi pa. Hindi pa rin namin nausapan. Anyways, I’ll be here for a while.


[Abangan]
Leah: Clark?

Tatang: Kinasal ang anak ko na wala akong kaalam-alam?

Get ready for Kilig Version 2.0

Clark: Parang ang saya saya dito sa inyo.

Clark: “Asawa mode” ON!

Tatang: Welcome to hell.


Ligawan time na! The Filipino way!
(The Pinoy style of Ligawan)

Tatang: Kapag magiging parte ng pamilya nito, kailangan pinaghihirapan.

Tatang: Anong trabaho mo sa San Francisco?
Clark: Macho dancer. Hahahaha...ha..Joke lang po

Leah: Kailangan lang natin siya i-convince.
Clark: Na mahal kita? No acting required. I’ll show you.
Leah: Hoi!


[Teaser]
Loves knows no distance. Kapag mahal ka, susundan ka. Team Hubby and Wifey is back!

Clark: I’m right here

Leah: Clark?

Clark: You’re my wife and I love you. Sa’yo pa rin ako.

Watch the Teaser and Abangan Here: >>> Abangan >>> Teaser

"Hindi porket pinapaselos mo, mahal ka na niya. Minsan pride nalang umiiral dyan."