Friday, October 9, 2015

As Heard on #OTWOLWelcomeHomeClark (9/10/15)

#OTWOLWelcomeHomeClark


Tiffany: Kaya yung pagmamahal na yan, minsan talaga one-way yan eh. Kaya dapat hindi pinagtutuusan ng pansin.


[Forgiveness and Letting Go]
Clark: Ma, I met someone today. Someone who’s a lot like my father. It would have been easier to judge her but it’s strange, naintindihan ko siya at naawa ako sa kanya. Dahil siya ang nang iwan, pero siya ang mas naghirap at nawalan. Naisip ko si dad. I don’t know why he did the things he did but whatever the reason is, it has nothing to do with me. I’m letting go of dad, ma. Ayoko nang magalit sa kanya, ayoko nang umasa na balang araw tatanggapin din nya ako. I just feel sorry for him, because he has lost me.


Sasha: Tolyts! Kamusta? Effective ba yung acting natin?
Tolyts: Hindi e. Imbis na mapalapit si Tiffany mas lalo pang yata lumayo.
Sasha: E baka naman iniisip niya tayo na?
Tolyts: Siguro...Basta, wag nalang. May punto rin naman si Mang Sol. Hindi porket pinapaselos mo, mahal ka na niya. Minsan pride nalang umiiral dyan e. Ayoko naman sagutin ako ni Tiffany ng dahil lang nasaktan ko yung pride niya.
Sasha: Kasi gusto mo love ka niya.
Tolyts: Siyempre
Sasha: Awww… ang sweet sweet mo naman. Ang sweet…*kinurot ng pisngi*
Tolyts: Aray ko… Ay, Tiffany… Tiffany ako na..hatid na kita. Dito ka na sa tricycle ko sumakay.
Sasha: Hala tolyts
Tolys: Tiffany!
Sasha: Sorry…
Tolyts: Tiffany!
Sasha: Kasalanan ko ba?
Tolyts: Oo yata e.
Sasha: Sorry
Tolyts: Wag mo na akong hawakan Sasha. Libre ka pa rin sa pamasahe lagi lagi, pero wag mo na akong harutin.
Sasha: Ngayon baliktad naman.
Tolyts: Wag mo na akong hawakan.
Sasha: Sorry...


[Leah Lets Mekeni Go]
Pasensya ka na kung hindi kita masyadong pinapansin hah. Alam ko ‘di mo naman kasalanan yun e. Kaya lang kasi tuwing nakikita kita naalala ko si nanang e. Kapag hindi ka na bumalik sa akin, ibig sabihin kailangan ko na mag move-on, kailangan ko nang kalimutan si nanang, kailangan ko nang kalimutan ng America, kalimutan si Clark, Kailangan ko lang mag move-on. Pero kapag bumalik ka, ibig sabihin nun, may babalikan pa ako sa America, na ang doon pa ang magandang kapalaran ko.


[Anger]
Tiffany: Simula nung umalis siya, ako nag pakananay sa pamilya ‘to, dahil akong panganay. Lahat ng obligasyon niya sinalo ko lahat. Yun pala papakasarap siya sa America kasama ng bagong niyang asawa? Sana kinuha mo number niya, gusto kong tawagan. Gusto ko i sumbat sa kanya lahat ng kasalanan niya. Gusto kong malaman niya na galit na galit ako sa kanya.
Leah: Manang alam mo, hayaan na natin siya. Hindi natin siya kailangan. At hindi na siya parte ng buhay natin. Mahirap pero mas makakabuti satin kung kakalimutan na lang natin siya. Mas isipin natin ngayon si Gabby at tsaka si tatang. Mas kailangan nila tayo ngayon.

[Welcome Home Clark]
Ima: Bakit ka nga pala umuwi?
Clark: ah..trabaho po lola. Yung client ko sa San Francisco, magtatayo sila ng coffee shop dito sa Manila. E ako yung gagawin ng furniture nila.
Ima: Talaga? Ikaw ang gagawa ng furniture?
Clark: Opo. Kaya pumunta na ako. So I can start working.
Jordan: Paano yung mga trabaho mo sa America?
Clark: Ah.. nag leave muna ako. Sayang naman ang project nito. It’s a big opportunity to get into furniture making. Malay niyo, if things go well, baka hindi ko na kailangan bumalik sa San Francisco.
Ima: Ay! matagal ko ng wish yan! Josko neh.

Ima: Kaya lang yung kapampangan mo may haccent na.


[Mahirap gawin yung tama]
Tiffany: Kamusta kayo ni Clark? Naayos niyo na ba yung problema niyo nila Jigs?
Leah: Hinayaan ko na si Clark manang. Sabi ko sa kanya unahin niya yung pamilya niya si Tita Jack, si Jigs. Ayoko din kasi maging katulad ni nanang e. Pinabayaan niya tayo para lang sa sarili niyang kaligayahan. At tsaka di rin naman ako magiging masaya kung alam ko may nasasaktan ako. Lalo na yung kapamilya pa ni Clark.
Tiffany: Madalas talaga mas mahirap gawin yung tama. Kaya natutuwa ako sa desisyon mo

Ima: Yan ba yung wedding ring niyo ni Leah? Kamusta na siya? Nagkabalikan na ba sila ni Jigs.
Clark: Actually umuwi na po si Leah ng Pilipinas. Di niya tinuloy yung pag trabaho doon.
Ima: Bakit naman? Ngayon pa may green card na siya.
Clark: May mga problema siya sa kanila. Yung tatay niya may sakit. She really had to go home.
Ima: Paano kaya yun? Si Jigs napunta sa America para sundan si Leah tapos si Leah naman unuwi sa Plipinas. Paano kaya natanggap ni Jigs yun?
Clark: Kilala niyo po si Jigs
Ima: Oo nga. Kilalang kilala kong yung batang yan.

Jenny: Si ate Leah kuya. Di ba may green card na siya? Na di-divorce na kayo?
Clark: Ah..hindi pa. Hindi pa rin namin nausapan. Anyways, I’ll be here for a while.


[Abangan]
Leah: Clark?

Tatang: Kinasal ang anak ko na wala akong kaalam-alam?

Get ready for Kilig Version 2.0

Clark: Parang ang saya saya dito sa inyo.

Clark: “Asawa mode” ON!

Tatang: Welcome to hell.


Ligawan time na! The Filipino way!
(The Pinoy style of Ligawan)

Tatang: Kapag magiging parte ng pamilya nito, kailangan pinaghihirapan.

Tatang: Anong trabaho mo sa San Francisco?
Clark: Macho dancer. Hahahaha...ha..Joke lang po

Leah: Kailangan lang natin siya i-convince.
Clark: Na mahal kita? No acting required. I’ll show you.
Leah: Hoi!


[Teaser]
Loves knows no distance. Kapag mahal ka, susundan ka. Team Hubby and Wifey is back!

Clark: I’m right here

Leah: Clark?

Clark: You’re my wife and I love you. Sa’yo pa rin ako.

Watch the Teaser and Abangan Here: >>> Abangan >>> Teaser

"Hindi porket pinapaselos mo, mahal ka na niya. Minsan pride nalang umiiral dyan."




No comments:

Post a Comment