Thursday, October 1, 2015

As Heard on #OTWOLTheAminanNight (1/10/15)


#OTWOLTheAminanNight


[Pagandahan ng katawan]
Jigs: Clark, talaga bang nakahubad ka sa bahay mo kahit may kasama kang babae? Gandang ganda ka talaga sa sarili mong katawan noh?
Leah: Jigs, OK lang. Sanay naman na ako eh.
Jig: ‘Di pa rin eh. Dalaga kang tao Leah. Sabay ganyan?
Clark: Well actually, kami ni Leah, we have house rules. Rule number one, walang pakialaman. And since you live here now, it also applies to you.
Jigs: OK sige, sorry.
Clark: Kailan bang babalik si Tita Jack?


Clark: Leah, kung gusto mo ikaw nalang matulog kay’na Tita Jack. If you can’t take it here.
Leah: OK lang. Kaya ko pa naman eh.
[Lumabas si Jigs na shirtless with towel. FEELING!]

Jigs: Oh bakit? Ganito ako kumain ng breakfast eh
Leah: Akala ko ba sabi mo panget na may dalaga dito tapos ganyan?
Clark: Ano? Nagagandahan sa sariling katawan?
Jigs: Bakit ba? Akala ko ba rule number one walang pakialaman?
Clark: Yah..
Jigs: Bakit? ‘Di ba maganda tignan to? Eh buti nga pinapasok ako sa aeroplano ‘di ba bawal baril?
Leah: Ewan ko sa’yo….
[Top: Looking at Jigs. Bottom: Looking at Clark. See the difference? Inis kay Jigs, tawa kay Clark]


Leah: Hoi! Ano ba yan?
(Watch this scene again with outtakes)

..............................................................................................................
[Fight]
Clark: Anong ginagawa mo?
Jigs: Ah wala. Nag lilinis lang. Bakit? Hindi nyo na kailangan yun ‘di ba? Approve na yung green card ni Leah.
Clark: HEY! Remember rule number one? Walang pakialaman. This is my place. Kung may gagalawin ka dito, you tell me first!
Jigs: Wow, para dyan lang galit ka na? Bakit? Importante ba sa’yo mga litrato na yan?
Clark: Whatever this is, that’s not the issue. Akin ‘to. Off limits ka dito.
Jigs: Eh yun naman pala eh. Parehas lang tayo. Ayoko din pinapakialaman ng iba yung akin. So alam mo na yung pakiramdam?
Clark: Anong gusto mo ‘kong sabihin Jigs? Is it about Leah? AGAIN?!
Jigs: Yo, wala ‘kong sinabi. Ikaw lang ‘tong assuming.
Clark: Yun naman talagang dahilan kung bakit ka nandito ‘di ba? Para bantayan si Leah?
Jigs: Hindi. Gusto ko lang siya makasama palagi. Bakit? Masama ba yun?
Clark: YES! Kasi dapat iniisip mo din kung anong nararamdaman yung tao sa ginagawa mo. In case you haven’t noticed Jigs, LEAH IS UNCOMFORTABLE THAT YOU’RE HERE.
Jigs: Talaga? Siya ba yun ‘di komportable *shoves Clark* o ikaw?
Leah: HOI!
Jigs: -Bakit anong gagawin mo? Anong gagawin mo?
Leah: -Tigilan nyo nga yan! Tumigil nga kayong dalawa! Ano bang problema nyo hah?!
Jigs: Diretsyohin mo nga ‘ko Clark. Si Leah ba talaga may ayaw sa’kin dito o ikaw? Ano ba ginagawa nyo na ayaw nyo na may ibang tao dito.
Clark: Ang dumi talaga ang isip mo.
Leah: Jigs wala ‘kong pakialam Jigs kung dito ka matutulog kasi ako nalang aalis.
Jigs: Ano?
Clark: What?!
Clark: Leah you don’t have to leave / Jigs: Leah kung aalis
Leah: SSSHHHH!!!! Alam nyo alam ko yung kompetisyon nyong dalawa. Pero pwede ba wag nyong ako idamay. Ako nalang aalis. Ayokong naiipit sa inyong dalawang isip bata.
Clark & Jigs: Leah-
Leah: SSSSHHHHH!!!!!

..............................................................................................................................................

Monette: So paano, alis ka na sa bahay ni Clark? Don’t tell me maghihiwalay na talaga kayo hah.
Leah: ‘Di ko nga alam Monette eh. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Monette: Eh ano ba yung gusto mong gawin?
Leah: Eh, hindi naman kasi mahalaga yun gusto kong gawin eh. Ang importante yung kung ano yung tama.
Monette: Leah, ang tama at mali minsan subjective din yan. May mga bagay na mali para sa’yo pero tama naman para sa iba.
Leah: Basta ayoko makasakit ng ibang tao, yun lang.
Monette: Eh sayang naman eh. Ang hirap makahanap ng taong totoong nagmamahal sa’yo. Feeling ko kasi, yung sa’yo nahanap mo na, pakakawalan mo ba?

..............................................................................................................................................

[Trying to let go]
Leah: Hello?
Clark: Leah.
Leah: Clark.
Clark: Look, about last night. I’m sorry ‘bout what happened. Hindi ako dapat pumatol kay Jigs
Leah: OK na ba kayo?
Clark: I don’t think we’ll ever be OK. I called kasi I need to tell you something. Kailangan natin mag-usap. Tungkol sa...tungkol sa paghihiwalayan natin. As soon as possible.
Leah: Ah? Ah.. Oo ba…
Clark: So, kailan mong gusto mag-meet?
Leah: Uh...Ikaw? Medyo busy ako this week eh. Ikaw ba?
Clark: Just let me know kung kailan ka free. I’ll make myself free for you.
..............................................................................................................................................
Clark: Leah? What are you doing here?
Cullen: Oh Leah! Nandito ka din pala. Tapos nandito din si Clark. Parang destiny yun ‘di ba?
Leah: Eh, si Monette kasi pinapunta ako dito eh.
Cullen: Hmm? Naku, hinihintay na ako ni babes eh. I have to go kay? Maiwanan ko muna kayo. Bye!

..............................................................................................................................................

[Admissions]


Leah: Hindi naman natin kailangan to eh. Pwedeng umuwi nalang tayo.
Clark: Actually, kailangan natin mag-usap. Ang hirap kasi mag-usap sa apartment dahil may bago tayong housemate.
Leah: Ano bang dapat natin pagusapan? Yung divorce natin?
Clark: Yung break-up. Kailan mo gustong gawin?
Leah: Ewan ko. Ikaw bahala. Gusto mo, nyagon. Para...para makamove-on na tayo sa mga buhay natin.
Clark: Leah, I know I've been a jerk these past few days and I'm sorry. I just thought it would be easier that way...you know? Para sa 'ting dalawa. Kung iiwas ako, kung made-detach ako. Pero bakit ganun? Habang lumayo ako sayo, lalo lang akong nahihirapan, lalo lang akong nasasaktan.
Leah: Ako rin naman Clark, kung alam mo lang.
Clark: I can't leave you Leah, I can't let you go. I can't.


(Watch this scene again HERE)

..............................................................................................................................................
[Abangan]
Clark: Ilan ang gusto mo?
Leah: Tatlo. Eh ikaw?
Clark: With you? Mas marami mas maganda. Pero ngayon, isa lang ang baby ko.


Clark: Hindi kami maghihiwalay. I’m gonna fight for her. I’m not gonna let her go.


Leah: Pakiramdam ko mali pa rin ‘tong ginagawa natin eh.


Jack: How can you do this? I trusted you
Clark: I’m in love with her.

..............................................................................................................................................

Clark: Habang lumayo ako sayo, lalo lang akong nahihirapan, lalo lang akong nasasaktan.

Leah: Ako rin naman Clark, kung alam mo lang.

Clark: I can't leave you Leah, I can't let you go. I can't.


Tuesday, September 29, 2015

As Heard on #OTWOLGameOfLove (30/9/15)

#OTWOLGameOfLove


Kaboom! Love is in the air. Let the games begin!

Annie: Oh my goodness, Clark and Leah, look at this, talaga naman, you look so in love together.

Tatang: Umamin ka, kayo na ba?
Tolyts: Mang Sol naman eh, alam nyo naman si Tiffany lang ‘my labs’ di ba? Friends lang hoh kami ni Sasha

Tolyts: Para kayong nanay ko eh. Wala kayong bilib sa dating ko eh.

Tolyts: Ang totoo, si Sasha, kasabuwat ko yun.
Tatang: Kasabwat? Saan?
Tolyts: Sa Pagpaselos kay Tiffany.
Tatang:...Desperado ka ng bata ka, hai, ewan ko sa’yo

Tatang: Ang tunay na pag-ibig hindi makasarili, mapagpalaya yan. Kung anong makapagasaya sa mahal mo, ibibigay mo

C: Leah, dance with me. Ang alam nila magasawa pa rin tayo. They might get suspicious if we don’t dance together. Come on.

C: Daming fans ni Jigs ah.
L: Siya daw kasi ang grand champion sa tug-of war kanina. Pero nakita kita hah. Hinayaan mo siya manalo. Bakit pinapanalo mo siya?
C: It’s just a game for me, no big deal; but to Jigs, it means a lot. Kaya binigay ko na sa kanya. Si Jigs laging ganyan ever since mga bata kami. gusto nya laging nananalo sa lahat ng bagay. Kapag natatalo siya, nata-tantrum siya. Sumasakit ng ulo ng lola namin, nakakasaway. Kaya minsan, pinagbibigyan ko nalang siya. Para wala nalang gulo.
L: Sa bagay, madali lang naman isuko yung mga bagay na wala naman masyadong halaga sa’yo eh...
C: ...Ang mas mahirap, mahalaga sa’yo, tapos mahalaga din sa iba. Pero kailangan magbigay kahit...kahit masakit sa loob mo.

Leah: Nang, paano nyo po mapipigilan yung nararamdaman nyo para sa isang lalaki? Napipigilan po ba yun? Baki po ako nasasaktan na mawala siya sa akin. Eh hindi naman po siya akin talaga. Ganito po ba talaga kasakit, ganito po ba talaga magmahal?

[Abangan]
Jigs: Oh bakit?
Clark: Na gagandahan sa sariling katawan?
Jigs: ‘Di ba maganda tignan to?
Leah: Ewan ko sa’yo

Clark: In case you haven’t noticed Jigs, Leah is uncomfortable that you’re here.
Jigs: Siya ba yung ‘di komportable? *Pushes Clark* Or ikaw?-
Leah: -HOI!!-
Jigs: -Bakit? anong gagawin mo-
Leah: Tigilan nyo nga yan! Ako nalang iaalis

Monette: Don’t tell me maghihiwalay na talaga kayo hah.

Clark: I can’t live without you Leah.

"Madali lang naman isuko yung mga bagay na wala naman masyadong halaga sa’yo. Ang mas mahirap, mahalaga sa’yo, tapos mahalaga din sa iba. Pero kailangan magbigay kahit masakit sa loob mo"

Monday, September 28, 2015

As Heard on #OTWOLChanges (29/9/15)

#OTWOLChanges


Leah: Jigs! Yung OFW community dito hindi baduy. Ang mga OFW dito nagtutulungan at nagmamahalan.

[Payo ni Tatang]
Tatang: Anak may problema ka ba? Parang malungkot ka.
Leah: Ay uhm...wala hoh ‘to ‘tang. Pagod lang po.
Tatang: Ibang itsura ng pagod sa malungkot anak. Anong problema?
Leah: ‘Tang, marami hoh tayong dapat ipapasalamat sa diyos. Dun po tayo magfokus.
Tatang: Pareho ba tayo ng problema? Sa puso.
Leah: Hindi po ‘tang
Tatang: Hindi kitang pipilitin magsabi sa’kin. Alam ko isa yun sa pinagbawal ko sa’yo noon, na wag kang ma-in-love dyan. Pero sa tagal mo dyan hindi naman malayo na may makilala ka dyan at magustohan. Pero pag dating sa bagay na yan, tandaan mo lang mga payo sa in’yo. Ingatan mo ang puso mo, ibagay mo lang yan sa taong alam mong kaya kang mahalin ng buong buo, sa taong kaya kang ipaglaban


[Love worth fighting for]
Leah: Naiintidihan ko naman ang sitwasyon eh. Alam ko naman kung bakit siya umiiwas. Pero ang sakit eh.
Monette: Love hurts girl. Pero alam mo, may mga love pa rin na worth fighting for, tulad nito.
Leah: Kapag pinalaban ko kasi, maraming masasaktan eh. Magagait sa’tin si tita Jack. Ang daming tinulong sa’kin ni tita Jack kaya hindi ko kayang baliin yung pangako ko sa kanya. OK na rin siguro yung umiiwas ako para...para pag dumating na yung oras na kailangan na namin maghiwalay, kaya ko. Hindi na ako nasasaktan.


[Joke ni Tolyts]
Tolyts: Naku, Si Leah din may sakit sa puso? Naku, na sa lahi mo pala.
Tiffany: Ewan ko sa’yo tolyts. Love problem ang sinasabi ni tatang.


[Painful Decisions]
Clark: Talagang…porsigido si Jigs ah?
T. Jack: Naku, matindi


Clark: Ganun kabilis...makipaghiwalay?


Clark: I don’t wanna hurt anyone. But I can’t lose her.
Cullen: Dude, ang hirap naman talaga ang sitwasyon nyo eh, pamilya vs. pag-ibig ‘di ba? Dude, alam mo pwede naman talagang magiging kayo pero hindi palang ngayon. Malay mo next week iba ng trip ng pinsan mo ‘di ba? Or if you want, i-set-up natin siya sa ibang chick, para makalimot. How is that huh?
Clark: Kung ganun lang sana kadali
Cullen: Dude, alam mo, ganito lang yun eh; kung kayo, kayo


Leah: Clark wala lang yun hah. Nadapa lang kami ni Jigs
Clark: It’s OK


C: Kinausap ako kanina ni Tita Jack. tungkol sa next step natin, since may green card ka na. Tama si Tita Jack, I think it’s about time for us na unting unti na taposin ‘to. The marriage.
L: Tama ka. Baka nga dapat pagusapan na natin kung paano natin ‘tong taposin.
C: OK. Let’s talk tomorrow.


L: Clark? So hindi na tayo magasawa?
C: I guess so
L: Bakit ka bang ganyan sumagot?
C: Leah, kung anong gusto mo, yun na rin ang gusto ko.
L: Paano kung ‘di ko alam kung anong gusto ko?
C: E di, alamin natin.
L: Sa tingin mo ba, dapat bigyan ko pang second chance si Jigs?
C: Hah? Paano si Jigs napunta sa usapan? You know what, baka naman tama si Tita Jack, don’t close the door on Jigs. People change, hearts change. Malay mo if you give him a second chance, magmamahal ka rin sa kanya.
L: Yun ba talaga gusto mong gawin ko?
C: I guess so.
L: Yes or no?
C: NO! I don’t know! Why-? Leah if you have to ask me, you musn’t love him.

[Abangan]
Clark: Leah, dance with me. Ang alam nila magasawa pa rin tayo.

Clark: Leah if you have to ask me, you musn’t love him.

Sunday, September 27, 2015

Sampung Bagay Na Natutunan Ko Sa Mga Umiibig


Sampung Bagay Na Natutunan Ko Sa Mga Umiibig

Una
Napakatamis ng mga simula. Ng mga umaga na ang bumubungad sa 'yo ay ang kanyang mukha. Nag-aalmusal ka ng kilig. At hanggan sa gabi ay baon mo siya sa paghimbing. Dito. Dito mo matutunan ang tunay na kapangyarihan ng isang ngiti. Ng ibang kamay na humahawi sa 'yong buhok. Ng mga matang sumisisid sa 'yong kaluluwa.

Pangalawa
Napakadaling makampante at masanay sa pagmamahal. Ang malunod sa kapangyarihan ng kami, ng tayo, ng ikaw at ako. Ang hindi pansinin ang pangangailangan ng kanya. Paano naman ang kanya lang? Paano naman ang ako? Napakadaling malunod sa akalang ang iyo ay mananatiling iyo...

Pangatlo
Mapapagod ka. Pero-

Pang-apat
Sandali, ang tunay na pag-ibig hindi dapat sumuko, 'di ba? Pero-

Panglima
Ang tunay na pag-ibig ay hindi parating sapat. Kapag ang mga pakpak na binigay nito sa 'yo ay bumigat at naging kadenang ni ayaw kang patayuin, kapag ang langit ng pusong minsa'y nilipad mo ay naging kulungang nasa 'yo naman ang susi at kandado pero ayaw mong lisanin...

Pang-anim
Ang pinakamanagsik mang apoy ay mamamatay. Maghanda ka sa sakit. Pero 'wag kang mag-aalaga ng galit, ito ang pangpito. Iiwanan kang puno ng sugat at pilat at paltos nito. Iiwanan kangumuusok sa poot sa kanya, sa mundo, sa sarili mo. Iiwanan ka nitong abo.

Pang-walo
Maghanda ka sa wakas

Pang-siyam
Alam ko, parang hindi ka pa handa sa wakas, wala naman yata talagang nagiging handa sa wakas pero nandiyan na si'ya. At sa wakas- 

Pang-sampu
Mahalin mo pa siya. Sa tingin, sa tanaw, mula sa abo na iniwan ng inyong apoy, mahalin mo pa siya. Pero kung ang pakpak ng pag-ibig ay naging gapos na, kapagang dating langit sa puso mo ay binilanggo ka, mahalin mo siya sa huling pahkakataon - pagkatapos, bitaw na.


(C) Direk Tonette, On The Wings of Love

As Heard on #OTWOLHadlang (28/9/15)

As Heard on #OTWOLHadlang



[Intro]
Sabi nila, ang pagibig daw ay parang isang ibon. Pag pinakawalan mo, lilipad to kung saan nya gusto. At habang lumilipad, maaari siyang makatagpo ng isa pang pag-ibig

Isang pag-ibig na sasabayan siya sa pag-lipad. Mababa man o mataas, mabilis man o mabagal, sa saya o sa lungkot.

Pero paano kung dumating ang panahon hindi na siya pwedeng lumipad kasabay mo?
Paano kung nasanay ka ng kasama siya?
Pero kailangan mong matutong muli lumipad na isa.

[Iwas]
Cullen: Dude, did you hit your head or something? Eh kasi dati rati nagmamadali ka parati umuwi tapos ngayon, gusto mong gu-mimick kay Cullen, the m’boy?
Clark: Ano ba? Gusto mo ba o hindi? My treat.

Cullen: Your treat? OK, come on let’s go. Dude wait lang. Anong ba talaga to? Is there any trouble at home, dude? Tara na, treat ko na. Ikaw to’ng may problem eh. Beers on me.

[Tolayts insecurities]
TM: Hoi. Para kang pasyente sa mental hah.
T: Babaliw na talaga ako yata nay. Si Tiffany, kilalanin ko daw siya muna na mabuti, wag lang daw yung panglabas nya.


TM: Hindi naman yung intsura mo ang tinitignan ni Tiffany eh. Sigurado ako dun anka.
T: Nay, mahal nyo ba ako?
TM: Ba’t nyo tinatanung yan?
T: Eh parang hindi eh. Thank you sa support hah.


TM: Alam mo naman todo suporta sayo nanay mo eh. Makinig ka. Daig ng mabait ang gwapo, at daiding ng matsaga ang mayaman, at higit sa lahat, daig ng totoong nagmamahal ang naglalaru lang.
T: Parang sinabi nyo na rin hindi ako gwapo, di ako mayaman, wala akong kwenta eh nay.
TM: Pero mabuti ka, matsaga at totoong magmahal, di ba? Mabuti ka nga eh, itsura mo lang ang sabagal sa pag ibigan nyo ni Tiffany. Yung iba dyan, naku, ang daming nakaharang, o di ba?
T: Nay, lasing ba kayo?
TM: Hindi, gutom lang


[Cullen’s Advice]
Cullen: Dude, maghihiwalay na ba talaga kayo ni Leah? Kaya mo siyang iniiwasan?
Clark: Yung naman talagang plano from the start
Cullen: Dude, alam mo, sabi nga nila, all is fair in love and war. Ang ibig sabihin, ang pagibig pasensyahan, talo talo. Kahit pinsan mo pa yan.
Clark: Hindi pwede yan bro.


Cullen: Serious advice lang, sa huli you really have to choose between family and love. Kahit sinong pipiliin mo, may nasasaktan ka. Ang tanong nalang, sinong ang masgagawa mo sakat, si Leah ba o ang pamilya mo?


[Get a Clue Jigs! Leah says NO]
Leah: Ilang beses ba natin dapat pagusapan to? Sa telepono, sa skype, sa personal...pareho parin yung sagot ko. Hindi na tayo.Hindi na kita mahal


Leah: Hindi ikaw yung nagbago, Jigs. Ako. Mas marami na ‘kong obligation, mas marami ng adapt akong gawin. Mas maraming pangarap. Mukha lang maganda dito sa America, pero hindi to para sa mga madaling sumuko, hindi to para sa mga hindi seryoso sa buhay.

Leah: Yan Jigs, gawin mo yan. Magbago ka. Pero para sa sarili mo, hindi para sa’kin. Sorry Jigs.


[Avoiding Leah]
L: Juskolord! Akala ko naman kung anu-anong nangyari sa’yo. Alas tres na hindi ka pa umuuwi.
C: Kailangan bang paalam lahat ang lakad ko sa’yo?
L: Hindi naman. Nagaalala lang ako sa’yo.
C: Sorry. Gusto ko nalang matulog.
L: Clark, may problema ba tayo?
C: I’m just tired.


[Abangan]
Leah: Alam ko naman kung bakit siya umiiwas, pero masakit eh.


Tatang: Ingatan mo ang puso mo, bigay mo lang yan sa tao alam mo kaya kang mahalin ng buong buo.

Can you feel my heart breaking?


**This episode was very painful to watch and write. Sakit at bigat sa puso. Gusto kong sampalin at sapain si Jigs!!! Bwisit!**