#OTWOLStartOver
[Intro: Leah Voiceover]
May nagsabi sa’kin, pag mahal ka, babalikan ka. Pero paano kung pag-ibig na pinalaya mo, na hinintay mong bumalik, na akala mo naligaw lang ay may nahanap na palang bagong pag-ibig. Sabi nila pag mahal ka, babalikan ka. Pero ako? Sa tingin ko, pag mahal ka talaga, iiwan ka ba nya?
[Dear Clark…]
Dear Clark,
Sorry kung hindi na ako magpa-paalam sa’yo. Alam ko kung ginawa ko yun ay nahihirapan lang akong umalis, nahihirapan lang ako iwanan ka. Ito na yata ang pinaka-lungkot na araw sa buhay ko. Alam ko na ang totoong nangyari kay nanang. Hindi siya namatay Clark. Iniwan niya kami. Tinalikuran niya kami. Sobrang sakit. Sa isang iglap gumuho yung American dream na binuo ko mula sa pagkabata. Lahat ng pinaniwalaan ko tungkol sa nanay ko, tungkol sa America...lahat pala yung puro kasinungalingan lang. Sobrang sakit, Clark. Kailangan kong lumayo. Kailangan kong kalimutan ng America. Alam ko masasaktan ka sa gagawin ko. I’m sorry Clark. Mahal kita. Pero hindi ako hihingi na piliin mo ako kaysa sa pamilya mo. Unahin mong pamilya mo Clark. Dahil yun ang hindi ginawa ng nanang ko. Wag tayo tumulad sa kanya. Tama si tita Jack. Siguro nga hindi ‘to yung tamang panahon para sa atin. Someday Clark, pag maayos na ang lahat, at kung yun ang gusto ng diyos, magkikita tayo ulit. Kung hindi man, wag kang mag-alala, hindi ka mahirap mahalin. May darating na tao na talagang nakalaan para sa’yo.
(Here's the video if you want to watch it again.)
----------------------------------------------------------------------------
Leah: Lahat ng ‘to? Yan? Ilusyon lang yan eh. Lahat na mga ‘to. Pinaniwalaan niya ako sa isang bagay na hindi naman totoo. Kalokohan yan eh.
Tiffany: Tama na.
Leah: Yung American dream na yan? Iniwan niya tayo at kinalimutan niya tayo dahil sa American dream na yan.
Tiffany: Tama na, baka marinig ka ni tatang, tama na.
Brent: You had a family before us...but why did you leave them? Is it because of me and dad?
Nanang: Mahirap i-explain anak. Bata ka pa. But just please always remember. I’ve always tried my best to be a good mother, but people make mistakes. Very bad mistakes and they spend their whole lives paying for it.
Cullen: Hey dude. Hey! Alam mo kung yun ang gusto nyang gawin ngayon, bigay mo sa kanya. You know what, kahit anong hadlang pa yan, babalik siya sa’yo kung kayo talaga para sa isa’t isa.
Leah: Nung nalaman ko yung totoo, parang bigla nagiba yung tingin ko sa San Francisco. Kahit saan ako tumingin manang, naalala ko yung ginawa sa ‘tin ni nanang. Alam mo kung ‘di sigura ako umalis doon, baka nabaliw ako.
Tiffany: Buti na nalaman na kaagad yung totoo eh. Kung hindi habambuhay tayong ta-tanga tanga.
Tiffany: Leah, wag mong muna sasabihin kay tatang. Bagong opera lang siya, hindi siya pwedeng magalit o hindi siya pwede magkaroon ng sama ng loob. Pag ka nalaman niya baka mag-paano pa siya.
[Abangan]
Miss na miss na niya! Kaya naman pag gusto, may paraan!
Cullen: Uuwi ka na ng Pilipinas. Susundin mo si Leah noh?
No comments:
Post a Comment