Monday, November 16, 2015

As Heard on #OTWOLCrazyLove (16/11/15)

#OTWOLCrazyLove (16/11/15)



Leah: Tama na nga Leah! Hindi ganun si Clark. Iba sya. OK?


Kapit bahay: Leah, bakit ganun-
Leah: Wala nga si Clark. Wala! Busy sya kaya hindi sya pupunta this weekend.
Kapit bahay: Leah...eh.. itatanong ko lang sana kung bakit ang hirap buksan ng phone ni Dado eh. Baka alam mo.
Leah: Ah.. isa-slide mo lang po kuya.
Kapit bahay: Wow. Ganun lang pala. Leah may problem ka ba?
Tolyts: Alam ko na. Miss nya si ano, bilas. Kaya malungkot yan. Teka nasaan si..nasaan nga ba sya?
Leah: *walks away*
Tolyts: Oh ba’t nagalit yun. May nasabi ba akong mali?


Tiffany: Eh ano ba talaga problema ading?
Leah: Manang, tingin mo ngayon kami na ulit ni Clark nagsasawa na kaya sya?
Tiffany: Ang bilis naman. Sa bagay ganun naman ang mga ibang lalaki. Hahabol habulin ka tapos pag nakuha ka na, dedma na. Tapos na challenge eh. Ganun ba si Clark?
Leah: Sa pagkakakilala ko sa kanya hindi. Pero-
Tiffany: Pero posible dba?
Leah: … Erase! Erase! Erase! Ayokong isipin manang. Hindi sya ganun. Hindi ganun si Clark. Hindi pa dead ang romance.
~Message~
Clark: Musta araw ng wifey ko? (“,)
Leah: *squels!!!!* Oh my god! Uy manang, manang, manang!!! Na miss nya ako!
Tiffany: Aray aray aray!
Leah: Na miss nya ako. Sabi ko sa’yo eh. Love pa ako ni Clark. LOVE PA AKO NI CLARK! WOO!!! Kuya love pa ako ni Clark! WOO! Sabi ko sa’yo, love ako ni Clark!



Clark: Ang ganda naman ng wifey ko.
Leah: Siyempre kailangan lumevel sa gwapo kong hubby eh. O dba? Mutual ang admiration natin.


Leah: Pwede ba wag na natin pagusapan si nanang. This is your night OK? At ayoko may makakasira ng gabing ‘to.
Clark: OK. Let’s go my beautiful wifey


Leah: Ay ‘sus Diana. Sobra naman po yung beautiful. Pretty lang po.


Angela: Hi Leah! Oh my gosh! Finally! Nice to meet you.
Leah: Hello. Ikaw pala yun noh. Yung laging kinukwento sakin ni Clark
Angela: Kinukwento ako ni Clark sa’yo? Oh my gosh! What did you tell her?
Clark: What? Nothing!
Leah: Ah hindi ah...sabi lang ni Clark may katrabaho syang babae. Oh ikaw pala yun.
Angela: Ya actually we’ve been working together. You know. Clark is one of the most creative people I’ve ever met. You know he’s really good when it comes to working with wood.

Clark: That’s a little bit of an exaggeration but thank you.
Angela: No it’s true. I’ve learned so much from you. I mean, you inspired me.
Leah: Ah, ‘scuse me lang ha.


Leah: Yung magandang babae na yun? Yun ang katrabaho nya? ‘Di kaya… bumangon ka nga Leah. Kung ano-ano naman pinagsasabihan mo dyan. Bakit? Maganda ka rin naman ah. Mahal ka ni Clark. So walang dapat ikainsecure. You are beautiful. You are loved. At higit sa lahat, YOU are Mrs. Clark Medina. Achieve! Achieve mo ‘to Leah. Push!


Clark: My work here is done. I’m going home with my wife.



As Heard on #OTWOLSecret (13/11/15)

#OTWOLSecret (13/11/15)



Kiko: Mm sir mukhang good vibes na good vibes tayo ah. Pamerienda ka naman dyan ah.


Leah: Hindi talaga. Swerte nga ako kay Clark eh. Kasi kahit kailan, anoman pagdaanan namin, ‘di nya ako iniwan, at hindi rin nya ako pinabayaan.


Leah: Basta magingat ka ha. Love you
Clark: I love you too.


Clark: Hey wifey. What’s up?
Leah: Mukhang pagod na pagod yung hubby ko ah. Long day?
Clark: Oo eh. Maaga pa ako bukas.
Leah: Ah um, gusto ko lang pala sabihin sa’yo na nandito na yung coupon na panalonan mo doon sa Ginoong Tenement contest. Yan. Beach vacation sa Batangas. Good for 5 persons.
Clark: Well great! Let’s all go. Yung family mo at mga kapatid ko.
Leah: Oh eh pang limang tao lang ‘to eh.
Clark: Eh di yung extrang tao, bayaran nalang natin. Alangan naman may maiwan. Dapat lahat kasama. So let’s go next week. Pagkatapos ng soft opening.
Leah: Cge. Mukhang masaya yan.
Clark: Ya I’m sure. Babawi ako sa’yo. I promise. So is that all you wanna talk about?
Leah: Actually..um..meron pa.... Wala lang. Namiss ko lang hubby ko.
Clark: I miss you too. I wish you were here. Parang hindi ako makakatulog na wala ka sa tabi ko eh.
Leah: Ah ‘sus nagpa-cute nanaman si mister. Eh sya matulog na tayo. Kita kits nalang...sa panaginip.
Clark: Ikaw pala yung pa-cute eh. Good night. I love you
Leah: I love you too. Good night hubby.

Leah: Leah relax. Relax. Busy sya. Busy ka. Ganun talaga. ‘Di naman umiikot yung mundo nyo sa isa’t isa. Tiis tiis lang para sa ekonomiya.

"Eh sya matulog na tayo. Kita kits nalang...sa panaginip." -Leah

Thursday, November 12, 2015

As Heard on #OTWOLLucky (12/11/15)

#OTWOLLucky (12/11/15)



Leah: Maging ganun din kaya tayo?
Clark: Oo naman.
Leah: Sana nga. Sana maayos na yung trabaho ko, yung business nyo, pamilya ko, pamilya mo-
Clark: at ang magiging pamilya natin… Hey Leah, don’t worry. Everything’s gonna be OK. We’re gonna live a life full of happy memories, because I love you. We’re gonna be just like them.

Leah: Swerte ko talaga sa’yo
Clark: Mas swerte ako.
Leah: Hindi mas swerte ako.
Clark: Imposible
Leah: Alam mo kung papipiliin nila ako kung first prize sa loto o ikaw? Ikaw pipiliin ko.
Clark: Ako rin
Leah: Sumusugal ka ba?
Clark: Hindi na kailangan.
Leah: Kasi?
Clark: Kasi jumackpot na ako sa’yo
Leah: Alam mo ang corny mo talaga. Nahawa ka na kay kuya Tolyts
Clark: Hey, walang corny corny sa taong nagmamahal


Kiko: Sir mukhang masayang masaya ka ngayon ah.
Clark: Yah...pero...parang may kulang eh.
Kiko: Eh ano naman yung kulang na yan? Sa bagay, yung pritong isda, kapag kulang ang lasa, sasawsaw mo lang sa toyo’t kalamansi OK na.
Axl: Iba ka rin e noh. Boss alam ko na yung kulang. Rebulto ni ms Leah. Para habang nagtatrabaho tayo dito, kumpleto araw mo. Ngehehehe… Pero bossing, hindi pa ba perfect yung CLEAH? Mahal  o sya, mahal ka nya. Ano pa yung hinahanap mo?
Clark: Wala kong hinahanap pero pakiramdam ko may dapat akong gawin para Leah. Hindi ko maisip kung ano.


Leah: Good night
Clark: Good night… I’m sorry. I know it’s not the right time yet.
Leah: Thank you.
Clark: Leah may tanong ako. Sana wag kang magagalit
Leah: Ano yun?
Clark: Magasawa pa rin tayo dba?
Leah: Oo
Clark: Kailan tayo maghohoneymoon?
Leah: *chokes*
Clark: Ikaw naman talaga. [?] Joke lang
Leah: Nakakaloka ka Clark. Iba ‘tong satin. Hindi pa counted yung kasal. Kasi sa normal flow ng relationship kakasagot ko pa lang sa’yo kaya boyfriend pa lang kita.
Clark: Sa bagay… So no honeymoon?
Leah: Wala pa, matagal pa yun.
Clark: Ok Ok...Momol pwede?
Leah: Ano ba! Nakakaasar ‘to! Yung mga jokes mo nakakainis ah. Tumigil ka na nga, tulog na tayo.
Clark: Cge na isang kiss lang.
Leah: Tulog na. Matulog ka na!
Clark: I can’t sleep without the kiss
Leah: Matulog ka na
Clark: Isang kiss lang. Cge na Leah.
Leah: Ano ba?
Clark: Leah…Leah
Leah: Clark!
Clark: Leah, Isang kiss
Leah: Matulog ka na!


Clark: Leah!
Leah: Clark.
Clark: Sorry I’m late. Naligaw kasi ako eh. May mapa ka ba dyan?
Leah: Mapa? Bakit?
Clark: Para alam ko ng daan papunta sa puso mo.
Leah: Eh ‘sus alam mo ikaw talaga, kay kuya Tolyts mo nakuha yan no
Clark: Sa kanya nga
Leah: Hai Clark, alam mo, hindi mo naman ako kailangan sunduin palagi eh
Clark: Leah, pasensya na, the last time na hindi kita nasundo. Hindi ‘ko hahayaan na magcommute ka mag-isa, delikado sa daan. Kaya simula ngayon, hangga’t kaya ko, susunduin kita. If that’s fine with you.
Leah: Oo naman. OK lang sa’kin na kahit matapos na ang araw ikaw pa rin ang kasama ko. Basta wag maliligaw yung puso mo ha.
Clark: Oh don’t worry. I have my map with me


Clark: Don’t fall in love with me
Leah: Hah? Fall in love? With you? Excuse me! Never noh.


Clark: I love you.
Migmig: And what was your reply Leah?
Leah: I said… Mahal din kita.


Clark: Leah I’m here for you. Natatakot ka, matatakot kang kasama ko. Nahihirapan ka? Mahihirapan kang kasama ko. Sa’yo pa rin ako


Clark: Guys alam ko na. Alam ko na kung anong kulang sa’min ni Leah.
Axl & Kiko: Ano yan
Clark: Ang magkasal kami ni Leah sa simbahan.
Kiko: Sir eh bakit pa? Eh kasal na kayo ni Leah a?
Axl: Oo nga
Clark: Yung unang kasal namin ni Leah, fixed marriage yun. Para maka-green card si Leah.
Axl: Ah...oo alam ko yung ganyan parang sa tita ko. Nagbayad sya ng mahal sa Americano yan eh. Eh boss, magkano binayad sa inyo ni Ms Leah?
Clark: Hindi na ako nagpabayad dahil-
Kiko: Ah! Kasi nain-love na sya doon sa wifey nya. Ang shweeet!

Clark: Yes, we both fell in love. Kaya ngayon, I want that lifelong commitment. Yung unang kasal namin ni Leah, it was purely business, we didn’t mean the vows we said. Kaya gusto ko ng church wedding. I want to say those vows again and this time I’m going to mean every single word, in front of God, in front of everyone. I want the whole world to know I love Leah. I love her so much.

Kiko: Sir naman kasi nakakadala naman kayo sir eh.
Axl: Boss ah. Raks tayo.

"Alam mo kung papipiliin nila ako kung first prize sa loto o ikaw? Ikaw pipiliin ko."

-Leah